ALEX'S POV: Nakatayo ako ngayon sa balkonahe, nakatingin sa malalaking gusali sa harap ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Simula nang unang makita ko si Maria sa Mansion ng mga Acosta, iba ang pakiramdam ko sa kanya, parang kilalang-kilala ko na siya noon pa. Kaya ako sumunod dito sa bayan ng Isidro para protektahan siya habang hinahanap ko ang sarili ko. Wala akong maalala sa pagkatao ko, kung sino talaga ako. Ang sabi sa akin ni Mama Amor, natagpuan ako ni Paula sa gubat noon, halos wala ng buhay. Halos hindi na ako makilala dahil sa napakaraming sugat sa buong katawan ko, at nasusunog ang mukha ko dahil sa likidong ibinuhos dito. Hinukay ako ni Paula sa libingan ng mga araw na iyon. Natatandaan ko pa noon nang tawagin ako ni Mama Amor na Simon bago niya binago ang muk

