"Agnes, ayos ka lang ba? Pasensya na, hindi ako nakarating agad sa ospital. Masakit ba? Patingin nga." "Tamir, ayos lang ako. Sina Cassandra at Aling Kapra ang tinamaan ng bala. Kumusta si Labanos? Naligtas mo ba siya kay Mang Danilo?" tanong ni Agnes. Huminga ng malalim si Tamir bago sinagot ang tanong ni Agnes. "Oo, naligtas namin siya, pero may problema. Nasa coma siya ngayon. Kung alam ko lang na siya ang nawawalang kapatid ko, hindi sana nangyari ito." "Ano'ng sinabi mo, Tamir? Tama ba ang narinig ko? Anong kapatid ang pinagsasabi mo?" "Half-sister ko siya. Anak siya ni Papa sa ibang babae." "Si Mama Camila ang tunay na minahal ni Papa. Ipinaglaban niya si Mama laban sa lolo ko. Ayaw ng lolo ko kay Mama dahil mahirap siya." "Ang totoo, walang nakakaalam ng tunay na pinagmulan ni

