Pagkatapos ng libing ni Don Badong, agad kaming umalis ni Simon sa bayan ng Isidro patungong Maynila. Ayokong manatili ng matagal sa bayan ng Isidro pagkatapos ng mga kaganapan sa mansyon ng Acosta, ngunit hiniling nila sa akin na tapusin ang libing ni Don Badong kung maaari bago ako umalis, kaya pumayag ako. Pitong araw lang iyon. Anyway, nagpapasalamat din ako dahil humingi siya ng tawad sa akin bago niya tinakal ang kanyang buhay. Hindi ko ginustong mangyari iyon sa kanya, ngunit wala akong magagawa. Siya mismo ang nagbuwis ng sariling niyang buhay. "Ma, okay ka lang ba?" tanong ni Simon, na nakaupo sa tabi ko habang nakasakay kami sa private plane papuntang Manila. Agad ko siyang nilingon at saka tumango bago siya sinagot. "Oo, Simon, ayos lang ako," sagot ko. "Sasabihin ba natin

