Pagkatapos ng klase, kinuha ko agad ang bag ko sa upuan at nagmamadaling lumabas ng silid-aralan. Habang naglalakad ako sa hallway ng paaralan, bigla akong napahinto nang may tumawag sa pangalan ko. "Ms. De Gutierrez, sandali lang," diretsong sabi niya. Agad akong lumingon para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. "Good, I caught up with you, Ms. De Gutierrez," diretsong sabi niya. "Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ko. "Naiwan mo sa table mo," sabay inabot sa akin ang notebook ko. “Thank you, sir,” diretsong pasasalamat ko sa kanya sabay kuha ng notebook sa kanya. "Pwede mo ba akong tawaging Sean, Ms. De Gutierrez, kung tayong dalawa lang?" sabi niya agad. Agad akong sumimangot saka tumango sa kanya. "Okay lang kung yan ang gusto mo, Sean," diretsong sabi ko. Agad akong nag

