Nakaupo si Alex sa mesa, napapalibutan ng kanyang mga kasosyo sa negosyo, kasama na ang mga Acosta, na nagsasagawa ng isang pulong tungkol sa kanilang kumpanya. Isa sa mga De Gutierrez ang pangunahing shareholder sa kumpanya ng mga Acosta. Habang nag-uusap sila tungkol sa mga bagay-bagay sa negosyo, biglang nagtanong si Don Miguel kay Alex. "Matagal na tayong magkasosyo sa negosyo, Mr. De Gutierrez, pero hindi pa rin namin nakikilala ang mga magulang mo?" tanong ni Don Miguel. Napaubo si Alex bago sumagot. "Pasensya na, Mr. Acosta; nasa ibang bansa ang nanay ko dahil sa negosyo namin doon. Pero darating siya ngayong araw at makikilala niyo lahat," sagot ni Alex. "Ay! Talaga? Eh, saan na siya ngayon?" singit ni Solidad, biglang sumali sa usapan ng dalawang lalaki. "Nandito na siya?"

