Nawala ang panginginig ng katawan ni Annchen nang maramdamang bumalot sa katawan niya ang mga bisig ni Armano. Awtomatiko niyang ikinawit ang kamay sa leeg nito. May takot nang kaunti sa dibdib niya sa kaisipang masasaktan siya ulit kapag inangkin siya ng binata. Kakahilom pa lang ng hapdi sa p********e niya. Gayunman ay naroon din ang pananabik na maramdamang muli ang sensasyong idinudulot nito. At nang maglandas ang kamay ng binata sa dibdib niya ay tuluyan nang nawala ang takot sa dibdib niya. Patuloy si Armano sa pagdama sa dibdib niya habang nagtatanim ng halik sa leeg at balikat niya. She was looking for that passionate kiss but he was selfish enough to give it. Hindi niya alam kung bakit ayaw siya nitong hagkan. Nahihiya pa siyang magtanong. At nahihiya din siyang siya ang

