JERICHO POV I was taken aback. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang sagot ni Maicy kaya idinaan ko na lamang ito sa ngiti. "Nako sir! Wag mo akong daanin sa pa ngisi ngisi mo, kung yung ibang mga students ay nagagawa mo pang mabola, sa akin hindi na iyan gagana." Kahit na masungit ang tono ng pananalita ni Maicy, hindi ako nasasaktan sa kanya. Sa katunayan, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko kapag magkasalubong ang kilay niya. "Siya nga pala, makaka attend na pala ng practice mamaya si Pia at magpa practice kaming dalawa. One on one, titingnan ko ang skills niya kung pasado ba siya sa akin o hindi," pag iiba ko ng topic. "Although masasabi kong magaling siya base sa mga napanood kong videos niya." "Bahala na si Pia sa buhay niya. Hindi na rin kami nagcha chat dalawa. It s

