NAKATITIG LANG siya sa kawalan habang naghihintay ng oras na sumikat na ang araw. Ilang araw na ba siya sa loob ng kulungan, hindi na niya alam. Ang alam lang niya matagal na niyang hindi nakikita ang asawa niya at miss na miss na niya ang asawa niya. Micah refuse to talk to him, naiintindihan naman niya. Maybe his wife is just being careful this time. Talking to him is stressful for his wife and that's not good for his wife that is currently pregnant. Wala pang araw maingay na ang paligid niya, mga inmates na nag-iingay para mabigyan ng pagkain. Huminga siya ng malalim bago tumayo at nagsimula ng Gawain niya sa umaga. May mga Gawain sila sa loob ng kulungan gaya ng paglilinis ng mismong kulungan kung saan ka nakakulong at ngayon nga ay tumutulong siya sa paglilinis. Habang naglalampaso

