Hindi naging madali ang unang gabi ni Cecile sa bahay nila Alex, bukod sa siksikan sila sa iisang higaan, ang balot padin ng takot si Cecile dahi buhay na buhay parin sa isip niya ang kanyang pinagdaanan noong isang gabi, at takot na takot din siya dahil hindi na nga noya makita ang mga tao ay hindi pa niya kilala kung sino ang kanyang katabi. Pinaginhawaan naman ito ni Alex nang sabihin niyang siya ang katabi nito lumipas ang gabing umiiyak si Cecile sa lubhang pambababoy sa kanya ng hindi pa nakikilalang lalaki. Lumipas ang isang linggo ay medyo naginhawaan na si Cecile ngunit hindi parin nawawala ang trauma na kanyang dinanas, ang naging epekto nito sakanya ay pagiging praning sa kanyang paligid, dagdag hirap rin ito sa kanya dahil sa bulag siya.
Isang linggo ang makalipas
"Cecile!!! gising tara na at magtinda ng sampaguita! naghihintay na si Ma'am Lucille sa atin"
"Ahhh pwede ba ikaw muna ang magtinda?? masama kasi pakiramdam ko at medyo nasusuka ako."
"Ahh ehh hindi kita pwedeng iwan dito, baka kung anong magyari sayo"
"Hindi ayos lang, kaya ko na ang sarili ko"
walng anu ano ay biglang naduwal si Cecile, nagsuka siya kung saan siya mismo nakapuwesto at tinanong naman ni Alex kung anong nararamdaman niya.
"Ayos kalang?? Sabi ko sayo eh hindi ka ayos, tapos gusto mo pang mag paiwan"
"Hindi ko alam bigla nalang akong nasuka, tapos medyo nahihilo pa ako"
at bigla namang nakisali ang nanay ni Alex
"Hindi kaya buntis ka?, Hindi ba at nagahasa ka?"
"Nay naman! nakakhiya kay Cecile"
"Bakit hindi ba totoo?, aminin niyo nalang na nagbunga ang pangagahasa sa iyo nung sino man iyon"
"Pasensiya kana Cecile ah, ganyan talaga si nanay"
"Ayos lang Alex, sige na maayos na ako, punta kana kat Ma'am Lucille, pakisabi nalang aabsent muna ako"
"Ahh sige, pero magsabi kalang kila nanay kapag may nararamdaman ka ah."
"Oo walang problema ayos lang ako"
Nagtungo nanga si Alex kay Ma'am Lucille at kinuha ang tindang mga sampaguita sa gandang loob ni Alex ay idinamay niya ma rin ang mga tinda dapat ni Cecile at awa ng Panginoon naubos ito. Umuwi na si Alex at nadatnan niyang nagbubuhat ng mga kahoy si Cecile.
"Cecil ano ba! Bakit ka nagbubuhat niyan!??"
"Ahh pinasuyo kasi ng nanay mo, eh nakakahiya tumanggi lalo na at nakikitira lang ako sa inyo"
"Hindi, sandali ako na dyan itong bag ko nalang ang bitbitin mo"
nagpalit sila ng bitbit at nang makauwi ay agad agad na kinompronta ni Alex ang kanyan Nanay.
"Nay! ano ba naman kayo, bakit niyo naman pinagbitbit ang isang bulag , alam niyo na ngang umabsent siya para magpahinga."
"Ano bang ikinapagod niya ha!?"
"Hindi kayo nakakintindi eh! bulag yan may sakit pa tapos pag bitbitbitin niyo ng mga kahoy? andyan naman sila kuya bakit hindi sila ang pagbitbitin mo?"
"Ahh ipinagtatanggol mo pa itong bulag na ito??!!, pabigat ka nanga nagdala ka pa ng palamunin na hindi maaasahan dito sa bahay!"
"Hindi pa ba sapag yung pag benta ko ng sampaguita mag hapon para may pambili ng bigas, tapos kayo dito nagpapakasasa sa mga kinikita niyo na galing sa illegal na gawain!"
"Hoy ikaw bata ka! sinasagot sagot mo na ako ngayon!! hindi ba at nakatikim ka din sa gawain naming ito ha! kung umasta ka parang may ipinagmamalaki ka ah!"
Natahimik si Alex dahil ayaw niya naman din na mapataksik sa kanilang bahay, napagdesisyunan niya na ayain muna si Cecile sa tulay para magpahinahon.
"Cecile, tara na alis muna tayo sa bahay na ito"
"Sige!! umalis na kayo at huwag na kayo babalik!!"
umalis sila sa bahay nila Alex at nagtungo sa tulay.
"Alex ayos kalang??"
"Oo ayos lang ako, at tsaka yung mga sinasabi ni nanay kanina huwag mong pansinin ha, prankahan lamg talag yun mag salita"
"Ayos lang sakin yun totoo naman talaga na hindi ako maaasahan kasi nga, bulag ako ano panga bang saysay ko kung hindi ako mapapakinabangan."
"Nagkaganun lang naman si nanay kasi kulang talaga yung kita ko at kita nila, lalo na at andami namin sa bahay kulang talaga, kulang na kulang"
"Tapos dumagdag pa ako, perwisyo talaga ako kahit kailan"
"Ahh hindi, hindi yun ang ibig ko sabihin, magsisikap nalang ako para hindi magkulang, yung overtime ba na sinasabi nila, kahit hanggang gabi ako sa simbahan mapagkasya ko lang lahat."
"Sasama na ako sayo bukas, idadagdag ko nalang yung kikitain ko sa kikitain mo"
"Ah?? talaga.... uhmm sige kung yan ang gusto mo."
Bumalik na sila sa bahay nila Alex at saktong tulog na ang mga kaanak ni Alex, natulog narin sila dahil maaga pa sila para magbenta ng sampaguita sa simbahan.
Umaga na at nagising na si Alex, nagising narin si Cecile at gaya ng nakasanayan si Alex ang magiging mga mata ni Cecile, nakahawak ito sa balikat habang naglalakad at tinawid ang tulay, ang simbahan ay nasa kabilang dulo ng tulay, habang nagalalakad ay inilalarawan ni Alex ang kapaligiran kay Cecile.
"Kung nakakakita kalang Cecile, maaaliw ka sa mga batang naliligo sa ilog"
"Kaya nga, pasensiya na at kailangan mo pang maglakad ng mabagal para sakin"
"Ayos lang ito, nasanay na rin ako"
Bago magtungo sa simbahan ay nagtungo muna sila kay Ma'am Lucille upang kunin ang mga sampaguitang ibebenta, at nag tungo narin sila sa sinbahan nag simulang mag benta ang dalawa at masiglang nag alok ang mga ito sa mga nagsisimba.
"Ma'am/Sir sampaguita po, mura nalang"
"Sir bili napo kayo!"
Maya maya ay may sasakyang huminto at bumili ng kanilang mga paninda, nakita niya ang sitwasyon ni Cecile kaya't out of curiosity tinanong niya ang mga ito.
"Ahh mukhang bago ang mga sampagiuta niyo ah"
"Ay opo sir, gaking pa po ito sa kabilang syudad kaya fresh na fresh!"
"Ahmm napansin ko, yung mata nung kasama mo ganyan na talag iyan?"
"Ahh opo bulag po siya, nagkaroon po ng kumplikasyon yung mata niya noong bata siya kaya naging sanhi narin ng pagkabulag niya"
"Ay ganon? bakit hindi sila nag pa check up?"
"Hirap din po kasi sila sa buhay noong araw hanggang ngayon sa katunayan nga iniwan na rin siya ng pamilya niya, ang mga kapatid niya naman ay may sari sariling pamilya na at sa malalayo nakatira"
"Grabe kawawa naman siya ang ganda ganda pa man din niya, sige kunin ko na ito lahat para makuwi na kayo, bale magkano na lahat??"
"Ahh 500 nalang po"
Nagbayad ng 1000 ang lalaki at sinabing sa kanila na ang barya, habang nag isinusupot ang mga pinamili ay biglang naduwal si Cecile.
"Ayos kalang??"
"Oo ayos lang ako, Ahmm Alex pwede bang makahingi ng tubig?"
dali daling bumili si Alex ng tubig at ipinainom ito kay Cecile naka alis narin ang lalaking bumili, at Napagisip isip ni Alex na ipa Check up si Cecile bukas.
"Tara na umuwi, ipapa check up nalang kita bukas, pangalawang araw na iyan na suka ka ng suka"
"Ahmm huwag na Alex, abala nanaman sa iyo"
"Hinde, hindi pwedeng, ganyan ka nalang hindi mo pwedeng tiisin ito bukas na bukas ay ipapacheck up kita."
Sinabi ni Alex at sabay na umuwi ang dalawa.