Nakakawala talaga ng mood pag nakikita ko ang mukha ng mokong na yun,nakita ko na lang na sinamaan ng tingin ni Hannah si Patrick kanina nung nilampasan namin siya, hindi ko alam ang dahilan bakit niya ito sinamaan ng tingin,sabagay sino naman ang hindi ma bwibiwisit sa mukha niya.
Kung yung ibang tao gwapong gwapo sa kanya pwes saakin hindi.
Pumunta na kami ng cafeteria at nakita naming naka upo sina Charry malapit sa upuan kong saan kami umupo kahapon nila Hannah walang naka upo doon siguro natakot yung tatlong babae kahapon na pilingera na pag aari daw itong pwesto na ito buti nalang at sinupalpalan ni Hannah ng matahimik na sila.
Umupo na kami sa upuan na dating pwesto namin kahapon ,kita ko parin na masama ang tingin ni Charry saakin na parang may malaki akong nagawang masama sa kanya binalewala ko lang dahil ayaw kong maki pag away dahil baka maapektuhan ang grades ko at matanggal ako sa scholarship.
Naka bili na kami ng meryenda at nag meryenda na kami nila Hannah at masaya nila akong binabati na diko pa daw sinabi sa kanila magaling ako at may scholarship pa ako,sabi ko naman sa kanila pano ko sasabahin hindi naman sila nag tatanong.Nag tawanan kaming lima ng biglang may mag salita sa tapat namin pag tingin ko ay si Charry pala
"Wag kayong mag padala sa emosyon maraming mga taong mapag panggap ,akala mo mabait sa una pero pag nakilala mo ay may naka tago palang sama "
Malamang sa malamang saakin niya binabato ang mga masasakit na salita ,hindi sa natatamaan ako pero ramdam ko na ako yun dahil ako lang yung bago na ka klase nila hindi ko nalang pinansin at tinuon nalang namin ang atensyon namin sa kinakain namin ng mag salita ulit si Charry"Natasha Mae Ramos wag kang mag bingi bingihan narinig mo naman yung sinabi ko diba"
Bago ako maka sagot kay Charry ay inunaan na ako ni Hannah "Charry problema mo ba kay Natasha at gigil na gigil ka sa pag kakaalam ko ay wala naman siyang ginawa ikaw lang tong gumagawa ng storya para ikaw nanaman ba ang maging bida ,sainyo dalawa ni Natasha ikaw ang mas plastic bait baitan sa loob ng room pero pag labas ay lalabas din ang budhi ng kasaan mo"
Pinigilan ko si Hannah pero huli na
"How dare you Hannah to say that to me ,you don't no me either so don't talk like you know me,pareho din lang kayo ni Natasha pero ang pinag kaiba niyo ay may itsura ka at siya mukhang taong unggoy HAHAHAHHAAH"
Nakita kong nag tawanan lahat ng mga tao sa cafeteria sa lakas ng boses ni Charry.
Gusto ko nang umalis dahil nasasaktan na ako at gusto kong umiyak ,pero hinawakan ako ni Hannah.
"Oh really Charry,why do you hate her dahil ba mas matalino si Natasha sayo at nakahanap ka na ng katapat ng talino po pwes FYI Charry hindi forever ikaw ang magaling sa klase natin lalo na nandito si Natasha ,at isa pa wag mong idahilan ang itsura niya dahil wala kang ibang makita sakanya kundi ang itusara niya at hindi mo malait ang talino niya dahil alam naman natin na talo ka so Charry back off and stop bullying my best friend"
Nagulat nalang ako sa sinabi ni Hannah sa harap ng tao ,ngayon ko lang naranasan ng mag karoon ng kaibigan na gaya niya at hindi nahihiyang sabihin na kaibigan niya ako kahit pangit ako at hindi kami bagay maging kaibigan dahil maganda at mayaman siya at ako lang ay isang dukha.
Hindi na nakasagot si Charry sa mga sinabi ni Hannah sa kanya at hinila na ako ni Hannah palabas ng cafeteria.Kita ko ang mga tao na pinag titingian kami bago pa kami makalabas ay muling mag salita si Hannah"oh tapos na ang palabas mag sibalikan na kayo sa mga classrooms niyo mga chismoso at chismosa"
Hay walang katakot takot si Hannah na mag salita at lumaban sa mga taong mapanira ,dahil ako hindi ko kaya ,hindi ko kayang lumaban dahil alam ko kasing matatalo ako pero ngayon ramdam ko na panalo ako lalo nat kasama ko si Hannah ang best friend ko.
Natapos nanaman ang buong araw ng klase ,as usual hindi ako sumama sa kanila Hannah sabi ko promise next time makakasama ako.
Gusto ko ng umuwi dahil gusto kong ibalita kanila inay ang nangyari kanila hindi yung nangyari sa cafeteria kundi sasabahin ko na may kaibigan na ako dito sa Mythical Glory.
Naglakad na ako at malapit na ako sa plaza nilingon lingon ko si Chie Chie kong meron ba siya pero ang bumungad saakin ay si mokong .Hay ang buing akala ko ay hindi ko na siya makikita dito dahil maganda ang mood ko kanina nung hindi siya pumasok ng second subject namin.
"Hinahanap mo ba si Chie Chie "sabi niya saakin
"Wala ka na dun"sabi ko sa kanya at inirapan ko pa siya
"Hindi mo siya mahahanap dahil kinuha na nila siya at pinunta sa bahay ampunan ,umiiyak siya at nag mamakaawa na wag siyang kunin "
Nalungkot naman ako para kay Chie pero maganda narin dahil mas maalagaan nila siya pero alam ko tatakas ulit yun napaka tigas ng ulo niya.
"Ah ganun ba sige "sagot ko sa kanya at umalis na pero as usual hinarangan nanaman niya ako
"Bakit nanaman ba,bakit ka laging nandito nawawala ang mood ko pag nakikita kita "
"Sus masyado namang maldita ,mas pumapangit ka pag nagagalit ka pero cute ka rin naman"nag smile pa siya saakin akala mo naman natutuwa ako ,sinong matutuwa sa pamuri ng may halong lait.
"Wala ka na dun at pwede ba wag kang harang ng harang sa daanan ko okay"
"Ito naman,gusto ko lang naman makipag kilala alam ko bago ka lang dito at bago ka rin sa school"
"Tsk pwes wala akong time makipag kilala ,pag aaral ang pinunta ko dito sa Manila hindi makipag kilala kung sino sino at lalong hindi ako makipag kilala sa tulad mo ,mokong "
Inirapan ko siya at dali dali nang umalis kita ko sa mukha niya na naka ngiti siya , anong nakakatuwa sa mukha ko sobra na ba akong pangit hay jusko naman.
Sa bilis kong mag lakad ay agad akong naka rating sa condo ko ,binaba ko nayung bag ko at agad nag luto ng bigas at ulam ,ganito na kasi nakasanayan ko simula nung nanirahan ako dito,dahil doon sa probinsiya si inay ang ang luluto tanging libro lang hawak hawak ko pero ngayon kailangan kong matuto lalo na wala ang magulang ko sa tabi ko.
Pag tapos mong mag luto ng panggabihan ko ay kumain na rin ako para minsanan na at may assignment pa akong gagawin ,gagawa kami ng blue print para sa design na gusto naming gawin kung sakaling mag gusto kaming ipatayo.
Hindi na mahirap para saakin ang pagguhit dahil hasang hasa ko na ito.
Nilabas ko na yung sketch book ko doon na ako gumawa ng blueprint ko para narin hindi mawala at matupi tupi pag pupunta na akong paaralan bukas .Sa wakas ay friday na bukas at sa sabado mag hahanap ako ng part time job para naman may maiipon ako at para mabigayan ko rin sila itay at inay sa gastusin nila mas gugustuhin ko nalang na ako ang mag bigay sa kanila kaysa sila ang magpakahirap para bigyan ako ng pera dito sa Manila.
Ilang oras ang nakalipas at natapos ko na ang blue print ko , ginawa ko ay yung gusto kong design para sa bahay na gustong ipatayo para kanila inay at itay .Pag naging engineer na ako ,yan ang una kung gagawin at pag iipunan bago ang business na gusto kong ipatayo.
Niligpit ko na ang lahat ng gamit ko at nilagay sa bag ko pag katapos ay humilata na ako sa kama ko.Iniisip ko parin ang nangyari kanina sa cafeteria dahil hindi ko aakalain na magagawa ni Charry saakin yun dahil maganda naman ang una naming pag kikita nung first day of school.Hindi ko naman intensyon na talunin siya sa klase namin , gusto ko lang makapagtapos at hindi matanggal sa scholarship dahil pano nalang ako pag napabayaan ko ang pag aaral ko,may pangarap din ako tulad niya,pero kung sa tingin niya ay naagaw ko sa kanya pwes nag kakamali siya.
Hay tama na ang pag iisip ng kung ano ano basta ang importante alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang mali sa kanya,ginawa ko lang naman ang dapat kung gawin ,at lalong lalo na hindi ako mapang paggap na tao ,kung ano ang nakikita nila saakin ay ganun ako ,wala ako magagawa kung yan ang tingin niya saakin.Basta alam ko sa sarili ko na nag papakatotoo ako sa taong nakakasama ko walang halong kaplastikan period.
Sa tagal ng pag iisip ko ay sawakas at dinalaw nadin ako ng antok, hindi ko na natawag sila inay dahil naalala ko wala pala akong load hehehehe.
Nakatulog na ako na diko namamalayan siguro sa lalim nadin ng iniisip ko.
.................
Kaumagahan ay maaga nanaman akong nagising at pumasok na sa school ,buti naman at mas maaga na yung kuyang guard saakin,binigay ko ulit yung ginawa kong sandwich kay kuya.
Nakipag kwentuhann muna ako kay kuyang guard bago pumasok sa loob ng paaralan,sabi niya kaya daw siya late nung kahapon ay siya pala ang nag luluto ,nag lalaba ng mga damit ng mga anak niya , wala pala siyang katuwang sa buhay ,na guilty tuloy ako sa sinabi ko sa kanya kahapon at hindi ko man lang inalam yung dahilan pero atleast ngayon ay alam ko na.
Kwinento ko rin sa kanya na hindi ako dito nakatira na doon ako sa malayong probinsiya para makipagsapalaran dito sa Manila para maka pag tapos ako ng pag aaral,sabi naman niya saakin na ang swerte daw ng magulang ko saakin dahil may anak silang tulad ko pero sabi ko naman kay kuyang guard na mas swerte ako sa magulang ko dahil mahirap ang buhay ay nakapag aral parin ako ,iniaahon parin nila ang buhay namin kahit napaka hirap nanang buhay namin,dagdag pa niya na mag aral daw akong mabuti at sana daw maka hanap ako ng lalaking mamahalin ako at hindi ako iiwan gaya ng sitwasyon niya ngayon.
Bigla naman ako naka ramdam nang lungkot sa sitwasyon ni kuyang guard .At tama lang na binibigyan ko siya ng sandwich dahil sa aga niyang pumupunta sa school ay hindi na siya nakakain.
Araw araw na akong gagawa ng sandwich para kay kuyang guard ,pero bago pa ako makapasok sa loob ng school sabi niya na ,"ineng request ko pwedeng damihan mo konti yung mayonnaise nung sandwich ko "ito naman si kuya chossy ,pero alam ko namang pabiro lang ni kuya iyon at nag paalam na ako at papasok na sa room namin.
Akala ko mahirap na ang sitwasyon namin pero may mas nahihirapan pa pala ,kaya wala akong karapatan mag rant sa buhay namin ngayon.
Imamake sure ko talagang makakapagtapos ako ng pag aaral dahil napaka hirap talaga ng buhay.
Lalo na ngayon napaka taas na ng mga standards pag kukuha ka ng trabaho.