Chapter 55

1206 Words

ABALA si Jeany sa pag-se-selfie sa park na pinuntahan nila ni Nicolo. Nagpaalam ito sandali para kausapin sa cellphone ang isa sa mga superior. Ang saya-saya niya ng araw na iyon dahil pumayag ang nobyo na sa park na lang nila i-celebrate ang kanilang fifth monthsary, sa halip na sa isang mamahaling restaurant. "Hi, mis byutipul. Pwede ba tayong mag-selpie?" Napaigtad ang dalaga nang marinig ang boses na iyon na biglang nagsalita mula sa likuran niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang tatlong lalaki na mukhang pambala sa kanyon. Pare-parehong nakasando kaya lantad na lantad ang bato-batong katawan at napupuno ng tattoo. Napahigpit ang pagkakahawak ni Jeany sa mamahaling cellphone; sa pag-aakala na iyon ang target ng tatlong lalaki na mukhang pugad ng ibon ang mga buhok. "H-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD