“Change your dress,” utos ni Nixon sa’kin at kinuha ang isang pulang dress galing sa paper bag na kinuha nang kanyang personal secretary. Iyun ba ang sinabi niya kanina? Hindi ako kaagad naka-react nang mag-landing sa mukha ko ang damit na kinuha niya. Pinanlisikan ko siya sa mata, at nakita kong napatawa sa gilid ang kanyang personal secretary. Tinaasan ko siya nang kilay dahil dito at napablangko naman kaagad ang ekspresiyon sa kanyang mukha. “No,” sabi ko kay Nixon at ibinalik sa kanya ang dress na kanyang itinapon sa mukha ko. Umigting ang panga ni Nixon habang isinilid niya ang kanyang parker pen sa breast pocket ng kanyang black suit. “I won’t change my dress,” mapait kong sabi at umalis na sa pagkakaupo sa kanyang table. I walked pass by him, and he grabbed my arms. “Sa tingin m

