Chapter 2

1618 Words
Dark POV "Hoy! Dark! You still there? Buhay ka pa ba?" I heard Matt shouting, asking the obvious. Of course! I am freaking alive. Saan ka nakakita ng taong patay na pero nagagawa pa ring maligo? "Tsk! Idiot." Pinihit ko pasara ang faucet ng shower bago ko hinawi ang kurtina at lumabas ng shower. Hinablot ko rin sa gilid ang bathrobe saka ko ito ibinalot sa katawan ko. Kinuha ko rin ang maliit na towel. I walked towards the sink while wiping my wet hair using a towel. Pagkatapos ay nagsipilyo ako at inahit na din ang tumutubo ko ng balbas. "He's not done yet Matt? Nagchat na si Derrick sa GC, nagdedemand, daan daw tayo saglit sa JS entertainment, sunduin daw natin siya" Nasa gitna ako ng pagpupunas ng basang mukha ng marinig ang sigaw ni Leigh. I can still hear Leighs' loud voice kahit na nasa loob ako ng banyo, medyo hindi klaro pero naiintindihan ko pa rin. and I have no idea what matt said to Leigh, basta bigla na lang humagalpak ng tawa si Leigh at napamura. Napataas ang medyo may kakapalan na kilay ko dahil doon. Kung ano man ang sinabi ni Matt kay Leigh nasisiguro kong purong kademonyohan lang iyon dahil sa sobrang lakas ng tawa ni Leigh. "F*ck dude! 'Wag ka ng mag mast*rbate diyan sa loob pri! Mag sisix PM na gag*! Susunduin pa natin si Derrick." Said Leigh before I heard three knocks on the porch of my bathroom door. "F*ck off! Mga ulol!" I shut back at them. Narinig ko pa ang muling pagtawa nila ng malakas sa labas. "The f*ck?" Napamura ako agad ng makita ko ang mga pagmumukha nila nang buksan ko ang pinto ng banyo. "Mukha ba akong nagmamariang palad? Mga gag*." Muli na naman silang humagalpak ng tawa. "Tabi nga! Mga diputa." Itinulak ko silang dalawa at naglakad na papunta sa walk in closet ng condo ko at basta na lang humablot ng mga damit. Kung ano ang pinakaunang mahawakan ng kamay ko ay iyon na din ang hinablot ko para isuot. I wore a minimalist statement white tee that states "f**k off, I came here to drink and not to hit." ripped jeans na pinaresan ko lang ng puting sapatos. Pagkatapos ayusin ang buhok ay saka ko dinampot ang black leather jacket, ang gray matte wallet at ang susi ng aking Ducati Panigale V4 SP na kulay itim at may kaunting touch ng kulau red Pero minimal lang. After ko makuha lahat ng kakailanganin ko ngayong gabi ay naglakad na ako palabas ng walk in closet at agad na nagtungo sa living room kung saan nakaupo ang tatlong tukmol at parang mga temang na nag-uusap. Well...Nagchichismisan pala dahil mga chismoso sila. "Arat." Pag-aaya ko sa kanila bago ko sila nilagpasan at saka nagdire-diretsyo sa pintuan para lumabas na ng condo. "Nabadtrip ata yung nagmariang palad." Dinig kong sabi ni Matt habang nakatayo ako sa harapan ng elevator at inaantay na bumukas ito. Tumawa naman ang dalawang ugok sa tabi niya. Mga dipungal. Pagkabukas ng elevator ay agad akong pumasok at balak na sanang isara ito nang hindi na makapasok pa ang mga bwisit ngunit hindi ko nagawa ang binabalak dahil mabilis na hinubad ni Leigh ang kanyang sapatos at ibinato para iipit sa pinto at nang hindi ito tuluyang sumara. "Yes!" Ika na ni Leigh at itinaas ang dalawang kamao para ipahayag na nanalo siya. Tumawa naman sila Matt at Clyde habang pumapalakpak pa. "Nice one pre." Nakangising sabi ni Clyde at nakipag kamayan kay Leigh. "You should learn from the best." Nagyayabang naman na anas ni Leigh saka pinulot ang sariling sapatos at saka pumasok na silang tatlo sa loob. "Ang bagal nyo." Reklamo ko naman sa kanila, tinitignan sila ng matalim. "Oh! Ikalma mo, masyado kang hot." Sabi naman sa'kin pabalik ni Matt. "Ang kapal, ikaw nga inantay namin dito eh, ang bagal mong maligo!" Singhal naman sa'kin pabalik ni Leigh. Pasiring ko na lang siyang tinapunan ng tingin at pinindot na ang button ng ground floor. "Sabi ni Derrick 'wag na daw natin siyang susunduin may maghahatid daw sa kaniya." Singit naman ni Clyde habang nakatingin sa smartphone niya. "Oyyy~!" Sabay-sabay naman na kantyaw naming apat habang may nakakalokong tingin sa isa't isa kapag kuwan ay sabay sabay kaming natawa. Nag-usap pa kami ng kung anu-ano hanggang sa makarating na sa ground floor ang lift na sinasakyan namin. Pagkabukas ay agad din kaming nagsilabasan at pumunta sa mga kaniya-kaniya naming sasakyan. Umangkas na ako sa motorcycle. Isinuot ko ang helmet at pinagana ang makina. Inantay ko munang uminit ang makina bago ko ito pinaharurot palabas ng parking lot. Convey kami since dala naman nila ang mga kotse nila. Maaga ang alis namin dahil sa Laguna pa ang dadayuhin namin para lang uminom dahil doon naka locate ang bar na pagmamay-ari ni Leigh kaya naman kahit malayo ay dadayuhin namin ito makalibre lang ng tutunggain. Charot. Nangunguna kaming dalawa ni Clyde dahil kapwa kami naka motor. Medyo binagalan namin ang pagpapatakbo ng ilang ulit naming marinig ang pagbusina ni Matt. Tumapat ako sa bintana niya. "What?!" Tanong ko. "Change of route, papasundo na ulit si Derrick!!" Sagot naman niya. "Anak ng—" hindi ko na naituloy ang pagrereklamo ko sana dahil nag U-turn na silang tatlo kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang kabigin ang manobela ko at sumunod sa kanila. *** "What's up men! Namiss niyo ba ako?" Ayan kaagad ang bungad sa'min ni Derrick ng makarating kami sa kumpanyang pinagtratrabahuan niya. Nasa loob kami ngayon ng sarili niyang Dressing room. Habang inaalis ng P.A niya ang make up na nilagay sa mukha niya. "Hi Glory, kumusta?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Derrick at binati na lang ang P.A niya na ngumiti lang sa'kin na tila ba nahihiya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkunot ng noo ni Derrick dahil sa ginawa ko. Napangisi naman ako dahil don. "Yuck dude! Mangarap!" Ika naman ni Matt. "Parang tanga ampucha!" Sambit din ni Clyde. "Miss daw? Ulol!" Sabi ni Leigh. Nagkanya-kanyang kumento ang mga kasama ko sa nakakadiring tanong ni Derrick. At umaktong nasusuka pa talaga. But to be honest, missed nga namin siya dahil hindi naman namin palaging nakakasama ang kumag na ito. Masyado siyang busy na tao. He's a model and an actor. Nag-aaral ng political science, may balak ata siyang tumayo bilang presidente ng Pilipinas sa mga sumusunod na hinerasyon. Nakakabilib nga na kaya niyang pagsabayin ang pag-aartista at pagmomodelo habang nag-aaral. "Tsk! Ang bibitter niyo sa'kin. Tara na nga!" Binyahe namin mula Rizal hanggang makarating kami sa Laguna kung nasaan ang Heaven's clouds bar ni Leigh. Medyo mabantot ang pangalan ng bar niya right? Ewan ko ba, anong nakain niya at iyon ang napili niyang ipangalan sa negosyo niya. At habang nasa byahe nag group video call pa ang mga ugok sa messenger. Mga nonsense lang din naman ang mga pinagsasasabi. Nang makarating kami sa Bar ni Leigh ay mag aalas onse na dahil na rin sa traffic kaya late na kami nakarating. Ipinark ko ang sasakyan ko sa pangatlong palapag kung saan nandoon na din ang mga sasakyan nila at nakapark na. Pinatay ko ang makina ng motorsiklo nang maipark ko na ito, saka bumaba at naglakad patungo sa kanila at sabay na kaming pumasok sa loob ng bar. Puno na ang loob at halos wild na ang lahat ng mga tao. Lalo na sa dance floor. At kahit saang sulok ka tumingin madami kang makikitang nagmimake out. They're all f*****g wasted. "At last! Nandito na rin kayo." Ika ni Luis. Isa rin sa tropa nang makita niya kami sa loob. Nauna na kasi siyang pumunta dito dahil dalawang kanto lang naman ang layo ng apartment na tinutuluyan niya sa bar ni Leigh. "What is up man?!" Bati ko sa kaniya at nakipag fist bomb. Ganon din ang ginawa nila Clyde sa kaniya. "Kakarating pa lang natin nakakakita na kaagad ako ng live show. Tsk!" Reklamo agad ni Luis habang naglalakad kami at nakikipag siksikan sa mungkog ng mga tao na nakaharang sa daan. "You'll be one of them later. Trust me." I said, smirking to him. Agad kaming dumiretsyo sa pinareserved na VIP couch ni Leigh sa second floor. At hindi na ako nabigla pa ng makita ang sampung bote ng hard liquor sa ibabaw ng lamesa na para bang kanina pa kami inaantay ng mga iyon para mainom na namin sila. "Walang uuwing hindi lasing sa'tin ah!? Pag naubos lahat ng mga 'to oorder ulit tayo!" Sigaw ni Leigh habang binubuksan ang mga bote ng alak. Nilagyan niya ang mga glass namin at ibinigay samin isa-isa. Tinanggap ko ang baso ng alak na iniabot sa'kin ni Derrick. "I invited a lot of friends mga pri and all of 'em are hot. Pili na lang kayo sa baba." Imporma samin ni Leigh bago siya humagalpak ng tawa at tumungga ng alak. Napangisi na lang ako at binasa ang nanunuyo ko ng mga labi bago naiiling na naupo sa couch at inisang lagok ang basong may lamang alak. Wala pa kaming sampung minuto na nakaupo lang sa couch habang nagkwekwentuhan tungkol sa struggle namin sa trabaho habang umiinom ng bigla na lang may lumapit sa aming tatlong babae. Sina Sabrina, Alaura—mga kilalang modelo na kakilala ni Derrick at si Pat, yung babaeng maganda sa tapsilogan. Saglit na nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong masamid sa iniinom ko pagkakita ko sa kaniya. Pasimple kong pinunasan gamit ng palad ko ang gilid ng labi ko at umayos ng upo. Yung magiging poging maporma ako sa paningin niya. Ginawa ko ang lahat ng mga 'yan ng hindi nagpapahalata sa kanilang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD