"Papa." Di napigilang sigaw ni Ariel makitang may biglang sumulpot na naka-red cloak sa likuran ng kanyang ama at sinaksak ito gamit ang isang nagyeyelong espada.
Napalingon ang ibang mga bisita sa dalawang bata.
"Ayun sila." Sabi ng babaeng may puting hood.
Dalawa sa mga kasamahan nito ang naglakad palapit sa kinaroroonan nina Seyriel at Ariel ngunit hinarang ito ni Seyria.
Napaawang ang mga bibig ni Seyriel makitang may liwanag ang lumabas sa kaliwang kamay ng ina at nagiging espada ang liwanag.
Hindi lang yon, may mga liwanag ding na lumalabas sa mga katawan ng mga bisita at sa kanilang mga magulang at na katulad sa mga napapanood nila sa mga sci-fi movie, anime or fantasy movie.
"Parang mga aura na napapanood ko sa pelikula." Sambit ni Steffy na may halong kaba, gulat, excitement, pagkamangha at pag-alala ang kanyang boses.
Napawi ang positibo niyang nararamdaman makitang nasugatan ang ama.
"Pa!" Sigaw ni Seyriel.
"Ariel! Ilayo mo dito si Seyriel." Utos ng kanilang ama at sinapak ang lalakeng nakadagan sa kanya kaya napaatras ang lalake ng ilang hakbang.
Nang ilibot ng dalawang bata ang paningin, nakita nilang may kinakalaban din si Seyria. Ang di maintindihan ni Seyriel ay ang kulay scarlet na liwanag na lumalabas sa palad ng kanyang ina at tinatapon iyun sa babaeng may mahabang nag-aapoy na latigo.
Tumilapon ang babae nang tamaan ng kulay scarlet na liwanag mula kay Seyria, at nag-apoy ng kulay scarlet ang katawan ng babae habang sumisigaw sa sakit.
Agad na nilapitan ni Seyria ang magkapatid at hinila palabas sa back door.
"Ma, ano po bang nangyayari? Sino po sila at bakit may lumabas na kakaiba sa palad mo kanina? Saka si papa ma." Sunod-sunod na tanong ni Seyriel at tumigil ito para balikan ang ama pero hinawakan siya ng ina.
"Lalo siyang hindi makalaban kapag nandoon tayo." Hinihingal na sagot ni Seyria. Pero agad napatigil sa paglakad dahil sa babaeng paparating. May hawak itong latigo na nababalot ng apoy.
"Kumusta ka na Seyria?" Agad napatago si Seyriel sa likuran ng ina habang hinarap naman ni Ariel ang babaeng nakalutang ngayon sa hangin at bumaba sa lupa na nasa tapat nila.
"Wag mong saktan ang mama at kapatid ko!" Matapang na sigaw ni Ariel.
Nanlaki ang mga mata ni Steffy makitang may blue na liwanag ang bumalot sa katawan ng kanyang Kuya.
"Seryoso? Ako lang ba ang OP dito?" Tiningnan niya ang sarili kung may liwanag din bang lumabas mula sa kanya ngunit wala. Tiningnan rin niya ang nagliliwanag na espada ng ina at sinilip kung may battery o bulb ba sa loob na dahilan kung bakit ito umilaw.
Tumawa naman ang babae marinig ang sinabi ni Ariel.
"Kapatid? Hahaha! Pa'no mo naging kapatid ang di mo kadugo?" Sagot ng babae na ikinagulat ng magkapatid. Gulat silang napatingin sa kanilang ina na may nagtatanong na mga mata.
"Pwede ba Soleya, tama na! Hayaan mo na kami." Sigaw ni Seyria at itinago sa likuran ang dalawang anak. "Bakit ka pumanig sa mga Mizuto? Bakit?"
"Kumampi ka rin naman sa mga Emperialta di ba? At di lang yun, tinalikuran mo ang lahi natin dahil lang sa batang 'yan na di mo kadugo?" Sabay turo kay Seyriel. Si Seyriel naman ay lalong nagulat sa narinig. Kung ganon, hindi niya tunay na mga magulang sina Seyria at Riven?
"Mama?" Gusto niyang magtanong sa ina ngunit hindi ang pagkatao niya ang isyu dito kundi ang mga kalabang umatake sa kanila ngayon at ang babaeng nakaharang sa kanila.
"Ibigay mo sa akin ang batang 'yan." Sabay turo sa direksyon ni Seyriel. "Habang kinikilala pa kitang kapatid ko."
"Kapatid?" Sabay na sambit nina Ariel at Seyriel. Hindi nila inaasahan na kapatid ni Seyria ang babaeng may nag-aalab na latigo.
"Ariel! Itakas mo ang kapatid mo. Ako ng bahala rito." Utos niya kay Ariel. Hinila na ni Ariel si Seyriel palayo.
Nakita nilang may lumabas na kulay scarlet na espada sa palad ni Seyria at para itong scarlet na apoy na nasa anyong espada.
Humawak ng mahigpit sa kanyang espada si Soleya at matalim na nakatingin kina Seyria.
"Papatayin ng mga Mizuto ang anak ko Seyria, kung di ko maibibigay sa kanila ang batang 'yan. Ilang buhay pa ba ang isasakripisyo mo mula sa pamilya natin para maprotektahan ang batang hindi naman natin kadugo!" Sabi ni Soleya.
"Anak ko si Seyriel. Hindi man siya galing sa sinapupunan ko, anak ko parin siya. Hindi ko siya isasakripisyo para sa buhay ng ibang sarili lamang ang iniisip." Tiningnan niya ang dalawang bata at binigyan ng tingin na sinasabing umalis na.
"Pero mama." Naiiyak na sambit ni Seyriel. "Hindi po namin kayo kayang iwan."
"Hindi ko kayo kayang protektahan at mas mahihirapan akong makipaglaban kung hindi kayo umalis." Sabi ni Seyria.
Nakita niyang parating sa gawi nila ang nag-aalab na latigo ni Soleya kaya tinulak niya ang mga anak palayo saka sinangga ang latigo gamit ang kanyang espada. Ilang sandali pa'y nagpalitan na ang mga ito ng mga atake ni Soleya.
Bumagsak sina Seyriel at Ariel sa lupa. Agad na tumayo si Ariel at inalalayan ang kapatid saka hinila na ito patakbo.
Habang hila-hila ni Ariel si Seyriel ay di maiwasan ng bunso na lingunin ang ina. Napasigaw siya makitang tumilapon ang kanilang ina.
"Mama!"
Gusto niyang bumalik at makawala mula sa mga kamay ng Kuya pero pinigilan siya nito.
"Seyriel! Kung gusto mong makaligtas sina Mama at Papa kailangan mong makatakas at makalayo dito." Pakiusap ng kanyang Kuya.
Isang kotse ang bigla na lamang tumigil sa tapat nila. Bumukas ang pintuan nito at sumilip ang bodyguard ng kanilang ama. "Miss Seyriel! Master Ariel! Sumakay kayo dito!" Tawag ni Sedny sa kanila.
Agad namang sumakay ang dalawang bata. Mga ilang minuto ay nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog na nagmula sa kanilang tahanan. Dumungaw sila sa bintana ng sasakyan at nakita ang itim na usok, at may halong scarlet light na saktong nasa tapat ng tahanan nila.
"Hindi. Masama ito. Ginamit ni Mistress Seyria ang self destruction." Gulat na may halong lungkot na sambit ni Sedny.
Di man alam ng dalawang bata kung ano ang nangyari sa kanilang mga magulang o kung gaano kalala ang magiging epekto ng sinasabing self-destruction pero alam nilang hindi maganda ang idudulot nito.
"Mama! Papa!" Ang nasambit na lamang ng dalawa na may luha sa mga mata.
Pinagmasdan nila ang papaliit na usok mula sa kanilang tahanan hanggang sa tuluyan ng makalayo ang kanilang sinasakyan.
Bago pa man maipasok sa kanilang mga isipan ang biglaang mga pangyayari, isang kotse ang sumasalubong sa kanila. Napakabilis ng takbo nito at diretsong sinalubong ang kanilang sinasakyan na halatang gusto silang banggaan. Para makaiwas ay agad iniliko ni Sedny ang kotse. Ngunit sa kasamaang palad, dumiretso ang kotse nila sa isang bangil at tuluyang nahulog.
Isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig. Napapikit naman si Seyriel sa mga mata. Naramdaman na lamang niya ang pagtama ng kanyang katawan sa isang matigas na bagay at tuluyan ng nawalan ng malay.
***
Dahan-dahang idinilat ni Seyriel ang mga mata. Isang magandang silid ang sumalubong sa kanyang paningin.
Malambot at mabalahibo ang kanyang kama at ang mga unan, kumot at kurtina ay halatang mula sa magandang kalidad. May mga gemstone pang nakabaon sa puting pader na siyang nabibigay liwanag sa buong paligid.
"Anong lugar 'to?" Mangha niyang sambit. Ngunit natigilan maalala ang kanyang mga magulang at kapatid.
"Kuya." Tawag niya at mabilis na bumangon. Hinanap sa paligid ang kuya niya.
"Kuya Ariel. Tito Sedny." Nababalisa niyang sambit. Agad hinanap ng paningin ang pintuan habang dinadasal na sana ligtas din ang kanyang Kuya.
Nahagip ng kanyang paningin ang mga prutas sa mesa.
Mabilis niya itong nilapitan at ginawang lalagyan ang puting bestidang suot niya.
"Di bale ng mamamatay ako basta nakakakain." Sambit niya at kumuha ng isang kulay bilog na prutas saka kinagatan at tinungo ang nakitang pintuan.
Yakap ng isang kamay niya ang mga prutas at hawak naman ng isa ang prutas na kinagatan niya.
"Mamaya na kita kakainin. Bubuksan ko lang ang pinto." Sabi niya at inilagay sa bibig ang kinagatang prutas saka inabot ang doorknob na gawa sa diamante.
"Totoo kaya ang doorknob na ganito? Di bale na nga." Binuksan niya ang pinto at nakita ang isang malawak na corridor at matayog na kesame.
"Kaninong bahay ba ito? Bakit sobrang laki naman yata?" Wala siyang nakikitang ibang tao bukod sa kanya.
Naglakad siya sa malawak na corridor hanggang sa matanaw ang isang malaking staircase na may red carpet sa gitna.
Paikot ang ang hagdan at sa ibaba ay malawak na espayong pabilog. Nahagip ng kanyang tingin ang higanteng chandelier na nakalutang sa hangin at ang mga ilaw mula rito ang siyang nagbibigay liwanag sa pabilog na espasyo.
"Napasok na naman yata ako sa mala-fairytale kong panaginip." Kinurot niya ang sarili at natuklasang hindi siya nakakaramdam ng sakit.
"Sabi na nga e, nananaginip lang ako."
"Kung panaginip lang ito bakit nalalasahan ko naman ang tamis ng prutas na ito?"
Bumaba siya sa hagdan at nakitang may mga babaeng pare-pareho ng mga uniporme. Nagsiyukuan ang mga ito nang makita siyang papababa ng hagdan.
"Ang astig ng panaginip na ito. Ako yata kunwari prinsesa dito." Nakangiti niyang sambit ngunit napawi iyun dahil may narinig siyang mga yabag mula sa kanyang likuran na ikinalingon niya rito.
"Mabuti at gising ka na."
Isang cute at mala-manikang mukha ang sumalubong sa kanyang paningin. May maganda't mahaba itong bestida at may maliit na tiara sa ulo na nababagay sa mala-anghel nitong mukha.
"Kala ko pa naman ako yung niyuyukuan nila. Hindi pala ako ang prinsesa nila, kundi iba." Sambit niya sa isip.
Kumabog ang dibdib niya nang magsalubong ang kanilang tingin sa magandang batang kaharap.
"Lord, akala ko Lord, babae ako pero mukhang hindi. Crush ko na po itong malamanikang kaharap ko Lord. Ang cute-cute po niya."
"Kumusta na ang iyong pakiramdam Miss Seyriel?" Tanong nito sa kanya.
"Teka lang. Time out po muna. Kilala mo ako?" Sabay turo sa sarili.
Marahang tumango ang batang babae at bahagyang ngumiti sa kanya.
"Ang ganda talaga niya. Ay wait. Di kaya anghel ang kaharap ko ngayon? Sinundo na kaya ako ng anghel na magdadala sa akin sa destinasyon ko?" Tiningnan ang cute na bata saka ang mga katulong sa ibaba.
"Ikaw na ba ang anghel ng kamatayan?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ng batang babaeng kaharap.
"Hindi po ako isang anghel Miss Seyriel." Magsasalita pa sana ito makitang may yakap-yakap na mga prutas si Steffy at ginawang lalagyan ang unang layer ng suot na bestida.
"Pasensya na. Nagugutom yata ang kaluluwa ko kaya kumuha ako ng walang paalam." Sabi ni Seyriel na may pilit na ngiti sa mga labi.
Napatingin siya sa kinagatang prutas at muling inilapit sa bibig para kumagat ulit ngunit napatigil nang marinig ang sinabi ng batang babae.
"Hindi ka pa patay. Nandito ka sa aming tahanan."
Bigla itong napatinging muli sa batang babae maalala ang kanyang Kuya at mga magulang.
"Sandali lang. Sina Kuya. Nasaan na si Kuya? Si Tito. Nasaan na sila? Anong nangyari sa sinasakyan namin?" Sunod-sunod niyang tanong. Nakita niya pa ang paglungkot bigla sa mga mata ng batang kaharap.
"Patawad." Mahina nitong sambit at napayuko.
Nabitiwan ni Seyriel ang hawak na mga prutas. Bumagsak ang mga ito sa hagdan at gumulong pababa.
Ayos lang sa kanya ang maunang pumanaw ngunit hindi niya kayang siya lamang ang naiiwang mag-isa.
"Nasa panaginip lang ako di ba? Panaginip lang ang lahat at buhay pa ang aking pamilya. Masamang panaginip lang ang mga nangyayari di ba? At ito, panaginip lamang ito di ba?" Garalgal ang kanyang boses habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Nanginginig ang mga labing sinasambit ang Mama at Papa, maging ang Kuya. "Magigising din ako. Panaginip lamang ang lahat ng ito." Dinadasal niyang panaginip lamang ang lahat ngunit ramdam din niyang parang totoo na ito at hindi panaginip.
Masaya sila. Walang problema ang kanyang pamilya ngunit bigla na lamang nagbago ang lahat sa loob lamang ng isang araw.
Bigla na lamang niyang natuklasang hindi siya tunay na anak. Natuklasan din niyang hindi ordinaryong mga tao ang mga magulang niya. At pansin din niyang hindi nabigla ang kanyang Kuya nang maglabas ng kapangyarihan ang kanilang mga magulang.
Napahawak siya sa handrail dahil nanghihina ang kanyang mga tuhod. Mabilis naman siyang inalalayan ng batang babae.
"Bumaba na muna tayo saka pa mag-usap ng maayos." Malumanay nitong sambit na halatang nag-alala at naaawa kay Seyriel.
***