Chapter 05

506 Words
CHAPTER 05 Habang nakahiga si Felicia sa bedroom hospital ay hindi alam ni Ivan kung saan siya tutungo, naglakad-lakad lamang ito sa pasilyo ng ospital na walang direction ang kanyang mga paa dahil sa bigat ng kanyang dinadala at takot na baka mawala rin sa kanya ang babaeng natutunan na niyang mahalin at nagpapabago sa kanya. Huminto siya sa paglalakad na may nabasa siya na maliit na chapel na nasa loob ng ospital, kaya agad siyang pumasok sa loob at nakita niya ang nag-iisang cross na nasa harapan. Lumuhod si Ivan at umiyak sa Panginoon. "Alam ko po na makasalanan po ako na tao, Panginoon. Alam ko na biglang nawala ang tiwala ko sa inyo na susunod-sunod na kinuha niyo sa akin ang mga mahal ko sa buhay, pero God. I'm here, begging you for forgiveness and chances. Huwag niyo pong kunin sa akin ang babaeng binigay niyo sa akin, Lord! Siya na lang ang meron ako. Ibigay niyo muna siya sa akin. Aalagaan at mamahalin ko pa siya, Lord. Hayaan mo na ako muna ang mag-aalaga sa kanya. Pangako. Huwag mo po siyang kunin sa akin. Mahal na mahal ko po siya Lord. Please…. please, dear God." Walang tigil sa pag hagulgol ni Ivan sa harap ng altar habang kinakausap ang Panginoon. Ginawa ni Ivan ang lahat ng makakaya niya para gumaling si Felicia. Habang patuloy na nagrerespond ang puso ng kanyang kasintahan na nakikita sa monitor ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw makikita niya pa ang mga ngiti ni Felicia. "I love you, come back to me, okay? Come back soon… for me, Okay? I love you so much." Huling bulong ni Ivan sa kasintahan. Mag-isang namili ng mga school supplies si Ivan para sa mga bata. Sa ibang mall siya namimili dahil kung doon siya sa sariling mall niya kung saan palagi silang namimili ni Felicia ay maalala niya lamang ang dalaga, kung paano ito nag susungit kapag marami ang nilalagay niya sa cart na hindi naman kailangan. Kung paano siya kinukulit ng kanyang girlfriend na tikman ang mga free taste. Lahat iyon naaalala niya kaya sa ibang mall siya bumibili ng mga kagamitan para ipamigay sa orphanage. Bitbit ang mga pinamili ni Ivan ay nagtataka ito kung bakit tahimik sa bahay-ampunan. "Sir! This way po sir." Turo ng isang guard kay Ivan. Kahit nagtataka sa kilos ng guard ay sinundan naman niya ito at iniwan muna ang mga nasa plastic sa guard house. Habang naglalakad ay naging familiar kay Ivan ang tulay na kung saan niya nakilala ang dalaga. Ayaw na sana niyang tumuloy dahil maalala niya lang si Felicia pero agad napangiti si Ivan kung sino ang babaeng nakatayo sa kung saang tulay niya unang hinawakan ang kamay ng binata. "Felicia babe! Dumating ka! Akala ko next month pa." Masayang wika ni Ivan kay Felicia at niyakap ng mahigpit. Isa na siyang ganap na guro at ngayong taon ay doon ginanap ang Teacher's day sa Singapore. "Eh, sa namimiss kita! Kaya umuwi na ako." Nakangiting sagot ni Felicia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD