DSECRET 21 (ROMBLON DAY 2 PART 2) "Ngayon ang unang araw natin dito na makikita ang magandang araw sa umaga, kaso hindi naman nakaka-enjoy kung tayo lang dalawa," nakangusong sabi ni Dine. "Wag ka mag-alala, pagtapos naman nila sa contest bukas o 'di kaya naman ay makalaya na sila sa practice pwede na nila tayong samahan," pag-aalala ko sa kanya, "Tsaka, ito nalang ang maitutulong natin sa kanila. 'Yong ilabas ang katotohanan kung sakali man na magkaroon ng dayaan." Wala naman may gusto na hindi sila mag-enjoy habang nandito. Ang plano naman talaga namin ay ang magbakasyon lang dito, pero na sa harap na namin ang oppurtunities na 'to kaya sayang naman kung hindi namin i-ggrab mas lalo na ang banda. Pangarap nila 'yon, kahit na sabihin nilang hindi na kailangan ng kasikatan o sobrang u

