DSECRETS 07 Mabilis na ibinaba ko ang hawak kong ballpen at napatayo ng makita ang oras. Nagkukumahog akong naligo at nagbihis nang jogging pants na pinaresan nang itim na tshirt. Mag si six na nang hapon, at hindi pa ako nakakaayos ng sarili ko. Masyado akong nawili sa pagbabasa at pagsagot ng mga school works at hindi na napansin ang oras. Wala na akong oras pa mamili nang susuotin ko, dahil ito ang una kong nabunot sa damitan ko ay ayos na ‘to. Humarap ako sa salamin, sinuklay ang buhok, naglagay nang pulbo at ng lip blam sa labi. Kinuha ko ang wallet ko at cellphone. Tinignan ko kung may mga messages ‘yon at meron nga! Si Cholo lang naman. Lods Cholo: Hey! 6:00 pm sa labas ng Famous One Subdivision. Otw na ako. 20 mins ago na text niya. Napahinga ako nang maluwag. Magtritricycl

