Shantal
Kinakabahan ako, ngayong araw ang operation ni Finley, sana ay maging maayos ang resulta nito.
Kahit pa sabi ng doctor nito na maganda ang magiging result ng operarions ay kabado pa rin ako.
Hindi ako mapakli sa konauupuan ko kaya heto ako't lakad nang lakad ng bapalik-balik, naghihintay kami dito sa labas ng operating room ni Finley, ang sabi ay saglit lang naman ang operation nito.
"Best friend! Baka gusto mo munang maupo rito? Ako ang mahihilo sa 'yo eh, umupo ka nga!" Paninita ni Jaica sa kan'ya. Hindi niya kasi mapigilan eh, kung ano-ani ang pumapasok sa isip niya.
"Pasensiya na, kinakabahan kasi ako,".aniya.
"Sino ba,anf hindi? Lahat naman eh! Pero mas hilo ako sa 'yo kesa kaba," pagtataray ni Jaica sa kan'yaam kaya napasalubong ang kilay niya.
"Aba! Hoy, buntis....dapat nga ay bawal ka rito eh, ospital 'to kaya hindi magandang nandito ka't araming may sakit dito.
Umuwi ka na kaya, hintayin mo na lang kami sa bahay," ani ko rito.
"Ayaw ko nga! Gusto rito, naiinis lang sko sa pagmumukha ni Red na panay ang sunod sa 'kin. Ayaw ko siyang makita naiinis ako,
Pag-pumpugin ko pa si mula umaga hangang ga i ni Seth eh," ayon! Natawa ako dahil hindi siya naibili ni Red nang gusto nga ay mahala pala.
Mr. Arevalo
Ilang linggo nang hindi pumupunta dito si Sky kaya itong anak ko ay nagwawala na naman.. Malapit na nga kaming paallisin dito sa ospital dahil hindi naman dapat siya nandito.
Mabuti na lamang at napapakiusapan ko ang kaibigan ko.
"Dad anong sabi ni Sky? Sumagot na ba?"
Nagagalit na naman ang anak ko.
"Hindi pa anak, alam mo naman malapit na ang graduation nila kaya maraming inaasikaso," sabi ko na lang.
"Eh, bakit hindi niya sinasagot kahit isang beses? Siguro kasama na naman niya ang babaeng 'yon, no?
Aalis ako...pupuntahan ko si, Sky," pagpupumilit pa niya.
"Anak nakikiusap ako sa 'yo! Sige na naman..bukas graduation na nila kaya hayaan mo na muna siya," pakiusap kong muli.
Bigla na naman siyang kumalma.. "Talaga dad? Naku, dapat pala may gift ako sa kan'ya. Wait lang, aalis muna ako at bibili ng gift ko sa kan'ya bukas."
"Wag na anak, ako na lang ang bibili kung anong gusto mong iregalo sa kan'ya. Dito ka lang dahil magagalit 'yon 'pag umalis ka dito, 'di ba sabi niya ay magpagaling ka lang dito?" pangungumbinsi ko sa kan'ya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak ko. Kailangan mailipat ko na siya sa kung dapat niyang kalagyan dahil minsan ay biolente na siya.
Tulad sa ginawa sa isang nurse dito no'ng nakaraan bigla niyang sinabunutan.
~Gabby~
Graduation na namin ngauong araw pero mamayang hapon pa naman kaya nandito lang ako nagrerelax lang muna.
"Anak, baba ka na muna kakain na," tawag sa 'kin ni Mommy kaya lumabas na ako ng kuwarto at bumaba.
"Wow ang sarap naman ng ulam, paborito ko talaga niluto ni Mommy porket ga-graduate na 'ko, ah!" biro ko.
"Aba! Ngayon lang ba kita pinagluto ng paborito mo anak? Eh, lahat naman yata ng lutuin ko ay paborito mo naman." Pareho kaming natawa ni Mommy.
At habang naghahain ay tinanong naan ako ni Mommy tungkol sa 'min ni Sky. "Kumusta na pala kayo ni Sky, anak?"
"Hmmn..ayos lang naman po kami, nag-uusap naman po," tugon ko.
"Eh, ang relasiyon niyong dalawa naayos niyo na ba? Nagkausap at nagliwanagan na ba kayong dalawa?" maling tanong ni Mommy.
Napangiti ako. "Mamaya po after ng graduation makikipagbati na ako sa kan'ya. Pero mag-uusap muna kami siyempre," tugon ko kay Mommy.
"Maganda 'yan anak, 'yan talaga ang dapat mag-usap kayong dalawa… minsan talaga darating ang pagsubok sa inyong dalawa kaya dapat sabay kayong harapin 'yon para wala matatalo sa inyong dalawa.
Isa rin ang pagsubok sa magpapatibay sa inyong dalawa. At lagi mong tatandaan na kapag nagmahal ka at dapat handa ka ring masaktan." mahabang linya ni Mommy.
"Salamat po, tatandaan ko po 'yan." Niyakap ko si Mommy.
"Hay! Dalaga ka na talaga.. Pero 'wag ka munang mag-aasawa, ha? Wala na akong kasamang babae dito sa bahay. Lahat sila mga barako." Muli kaming nagtawanan ni Mommy dahil do'n..
Sa school na kami nagkita ni Sky dahil nauna na kami nina Mommy at Daddy kasama namin si Kuya Giovan.
Agad ko namang sinalubong si Rhaine pagkarating niya, kasama ang mga parents niya.
"Hello po Tita, Tito," bati ko sa parents niya.
"Hi, congratulations Gabby. Masaya ako dahil magtatapos na kayo ng highschool," tugon naman Rehina.
"Thank you po Tita, oo nga po, eh. College life naman ang haharapin namin," ani ko pa.
"Nasaan ang parents mo?" tanong ni Tita.
"Ah..ayon po sila nakaupo na. Do'n na rin po kayo umupo para sama-sama na tayo," pag-aya ka sa kanila ni Tito Rex, Daddy ni Rhaine.
"Oh sige, mabuti pa nga. Honey, dito na tayo kasama ang parents ni Gabby." Sumunod naman na sila sa 'kin.
Nagulat ako dahil may humila sa sa kamay ko. Paglingon ko ay si Sky. "Hi Baby, congratulations," bati niya.
"Salamat, congratulations rin sa 'yo," tugon ko. Pero napasimangot siya.
"Oh, bakit ka nakasimangot d'yan?" tanong ko.
"Wala man lang baby? Namimiss ko nang tawagin mo 'ko no'n, eh," pag-e-emote niya.
"Hmmn..pag-iisipan ko pa!" sabi ko naman. lihim akong napangiti dahil nakabusangot talaga siya.
"Umayos ka nga, ang guwapo mo pa naman d'yan sa suot mo tapos gan'yan ang mukha mo! Mamaya mag-uusap tayo ng magkaliwanagan na. Okay?" bigla naman siyang napangiti.
"Ibig sabihin babalik na tayo sa dati?" tanong niya.
"Depende 'yon sa pag-uusap natin kaya 'wag ka munang mag celebrate. Sige na balik na tayo do'n," aya ko na sa kan'ya.
Kung kanina ay nakabusangot ngayon ay todo na ang ngiti ng loko!
Tulad ng pangako ng adviser namin ay surprised kung sino ang mga may honor sa section namin. Laking gulat ko na ako ang 1st honorable mention, 2nd si Jopay, 3rd si Sky at with honors naman si Rhaine..
"And our Valedictorian..
It's a surprise for my students kaya wala ho talaga silang alam," ani pa ng Adviser namin na si Ms. Cathlea Montes.
"Goes to… Gabree light Angeles with an average score of 97.8 %. Congratulations Gabree, come up on stage with your guardians to give your awards."
"OMG frenny, ikaw ang Valedictorian!" Bulalas ni Rhaine.
Naghiyawan ang mga classmates ko. Ako naman ako hindi makapaniwala.
"Whooooh! Deserved mo 'yan idol!" sigaw nilang lahat.
"Anak! Congrats, halika na muna sa stage hinihintay ka na nila." Kaya sabay na kami ni Mommy umakyat ng stage.
Sinabit na ni Mommy ang medal ko. "Congrats, Gabree, and to your parents.. Mrs. Angeles congratulations po sa inyo, masuwerte po kayo sa anak niyo," bati ng adviser ko sa 'min at pati na rin ang principal at mga ibang visitors guest na narito ngayon.
Maikli lang ang speech ko dahil hindi ako prepared kaya saktong pasasalamat lang mula sa puso ko. Sinalubong agad ako ng mga classmates ko pagkababa at ang pinakahuli ang lalaking mahal ko.
Wala na akong mahihiling pa, sobrang blessed ko talaga. Thank you lord!
"Congratulations baby, I'm so happy for your achievements… I'm proud of you, I love you." Hinalikan niya ako sa pisngi at nagtangka siyang halikan ako sa labi.
Dahan-dahan nilapit sa 'kinang labi niya habang nakatitig sa mga mata ko na nagpapaalam kung okay lang ba, ngumiti ako at tumango, kaya tinuloy na niya.
Naglapat na ang labi naming dalawa, magaan lang at sandali pero halatang masaya siya. Pagkatapos no'n ay niyakap niya ako."
"I love you, baby," bulong niya sa 'kin habang yakap ako.
"I love you, too..baby," tugon ko. Natigilan siya at kumalas saglit.
"You mean?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. "Yes baby ko!" aarte pa ba 'ko? Sobrang saya ko ngayon..
Niyakap niya akong umuli… "Thank you baby...thank you… I love you!" Hinalikan niya ako sa noo.
"Yes!" sigaw niya bigla kaya napalingon naman ang lahat.
"Luuuh! Sky, daig mo pa ang Top 1 maka-react d'yan, ah! Umakyat kana sa stage tinatawag kana ni Ms. Montes," Ani ni Rhaine..
"Whaaat?!
"Ay! Luuhhh! Lutang ka? Ikaw ang third honor. Kaya umakyat ka na hinihintay ka ns ni Tita, oh!"
Nagulat kaming pareho ni Sky, mawala kami sa sandali at nag karoon ng sariling mundo.
'Kaloka!'
"Son! let's go, congratulations," bati ni Tita.
"Baby lakad na! Congrats," sabi ko.
"Okay, wait me here. Okay?" Humalik muna siya bago umalis at umakayat na sila ng stage.
Ang saya..sobra!
Binati na rin namin si Rhaine dahil sa with honor rin siya at masaya rin sang mga parents niya dahil do'n.
Si Sky naman binati rin ako nina Daddy ay kuya Giovan.
"Binabati kita anak, masaya ako para sa 'yo," sabi ni Daddy.
"Salamat po daddy." at yumakap ako.
"Congrats princess, matutuwa sina kuya pag-uwi, sinabihan ko na sila," ani naman ni Kuya Giovan.
"Salamat kuya." Niyakap ko rin siya.
Magkasama kami ngayon ni Sky na sa gilid lang kami nakatayo, ang mga kasama namin ay nakaupo lang do'n naiwan sa puwesto namin.
Si Sky naman ay parang ayaw akong mahiwalay sa kan'ya kung makayapos wagas. Ayaw na malayo ako sa tabi niya.
"Baby 'wag ka ngang gan'yan ka lapit nakakahiya, puwede naman 'pag na sa atin na lang?"
"Hayaan mo 'yan sila, graduate naman na tayo kaya hindi na natin 'yan sila makakasama. Ayaw kong lumumayo sa 'yo, pleaseee…"
Ngayon parang bata naman siyang nagmamakaawa. Hay naku! Wala na akong magagawa kaya hinayaan ko na lang.
Sabay-saby na kaming nagcelebrate sa isang exclusive restaurants kasama pa rin namin ang family ni Rhaine. Sinagot na ni Daddy dahil ako naman raw ang top 1 pero hindi pumayag ang parents ni Rhaine kay nag-ambag pa rin sila gano'n din naman sina Sky.
Habang nagkakasiyahan kami ay biglang nagpaalam si Sky.
"Baby, excuse me washroom lang ako," aniya. Saka umalis na.
~Sky~
Nakakainis! Kakina pa tumatawag 'tong si Mr. Arevalo, nakasilent lang ang phone ko kaya hind mahahalata na may tumatawag sa 'kin lalo na si Gabby. Ayaw kong maghinala na naman siya sa 'kin. Kakaayos lang naming dalawa!
Binuksan ko ang message ni Mr. Arevalo at nabigla ako sa nabasa ko.
Mr. Arevalo :
'Sky nakikiusap ako! Pumunta ka dito ngayon, sinabi na ng doktor na kailangan nang magpaopera ni Deniece mamayang gabi, naayos ko na rin ang lahat pero ayaw niya dahil wala ka, gusto ka raw muna niya makausap. Inatake rin siya kagabi pagnaulit pa ay huli na ang lahat.
Please, pimunta ka!'
Napasabunot ako sa ulo ko! Ano na naman ang gagawin kong palusot nito kay Gabby, masisira ang kasiyahan namin dito ngayon.
'f**k!' s**t! Pinagsisipa ko ang pader dito sa loob ng CR.
Kailangan kong humanap ng paraan makaalis para matapos na 'to!
Kinalma ko ang sarili at binalikan si Gabby. Umakto ako na parang wala iniisip.
"I'm sorry baby...promise last na talaga 'to!'