Chapter 54

2318 Words
Shantal Pababa na kami ng hagdan nang biglang magsalita si Mommy, "Oh, ayan na pala silang dalawa." Tumingin naman silang lahat sa amin ni Finley, nang tinggan ko si Jaica ay tila kinikilig na itong nakatayo habang karga ang Anak namin. Si Tita Janice naman ay malapad ang ngiting nakatingin din sa 'min Finley. Silang dalawa lang ang may alam ng tungkol sa 'min ni Finley dito, at masaya akong nandito sila sa sasabihin namin ng Finley. "Hi Son, are you okay?" tanong ng mommy ni Finley sa kan'ya. "Yes Mom, I'm Fine," tugon niya naman, hindi ko alam kung sino ang mauuna sa'ming dalawa na ipaalam ang tungkol sa 'ming dalawa, ngayon ay kinakabahan na ako, kanina naman ay hindi. "Anak, kumusta? Okay naman ba ang pag-uusap niyong dalawa? Nagpakilala na ba kayo sa isa't isa?" ani naman ni mommy sa 'kin. "Yes po, Mommy. Ahmmn...may sasabihin po sana kami ni Finley sa in'yong lahat," panimula ko. Naramdaman ko naman pinisil ni Finley ang kamay kong hawak pa rin nito. "Sweetie, hayaan mong ako na lamang ang magsabi sa kanila, please?" Tumango naman ako. "Sige," sagot ko. "Wait anong– tama ba ang narinig namin? Sweetie ang tawagan niyong dalawa?" tanong ng mommy Finley at ang mga mata nilang lahat ay nagpalipat-lipat sa aming dalawa. Kalmado lang si Daddy at ang Daddy ni Finley, hinihintay lang kung ano man ang sasabihin. Si Mommy naman ay tila nsguguluhan nakatingin din sa amin. "Gusto ko pong ipaalam sa in'yo ns magkakilala na po ksmi ni Shantal sa palawan pa lang, kasama sina Jaica at Tita Janice na narito ngayon," panimula ni Finley. "What?! Sabay na gulat pang tanong ng mga Nanay namin. Gusto ko guloy matawa sa reaksiyon nila. "Let Finley to talk, hon," ani naman ni daddy kaya nanahimik na sina mommy. "Nakilala ko po si Shantal sa isang mall at hindi maganda ang unang pagkikita namin dahil may kalokohan akong nagawa at siya ay nadamay, pero naahos naman na po 'yon nang muli kaming magkita sa resort ko kinagabihan, hanggang sa nakuha niya na po talaga ang atensiyon ko kaya niligawan ko po ang anak niyo Mrs. Satillian," pagpapatiloy ni Finley, parang bumalik tuloy sa akin ang panahon una naming pagtatagpo ni Finley. "OH MY GOD!" hindi nakapaniwalang sambit ng mommy ni Finley. "Pinahirapan po ako nang Anak niy sa panlikigaw sa kan'ya, alam nito po bang talang buhay ko ay hindi pa ako nakapag-sibak pero do'n ay nagawa ko dahil sa kan'ya." Narinig ko naman natawa sina Jaica at Tita Janice oati sina daddy ay napangiti rin. Napasimangot naman ako kasi baka sabihin ng parents niya na ang sama ko. "Pero, hindi po ako sumuko. Hanggang sa unti-unti ko na rin siyang napaamo, ang dami kong pinangako sa kan'ya biguan niya lang ako ng chance. Saktong may biglaang seminar ako Singapore kaya hindi na ako nakapagpaalam no'n ksy Shantal, naisip ko na hindi na nga lang magpaalam baka sakaling mamiss niya rin ako kahit papaano." Ito na 'yong time na nagka-amnesia na siya, nalulungkot ako kapag naaalala ko 'yon. "Ngunit pag-uwi ko ay naaksidente po ako, 'yon ang dahilan nang pagkakaroon ko ng Retrograde Amnesia kaya hindi na nabalikan agad si Shanta, ay no'ng puntahan niya naman ako sa ospital ay hindi ko naman siya maalala pa." "I remember that Amiga, naikuwento mo sa 'kin 'yan that somthings bad happened kay Andrew," ani naman ni mommy. "Yes Amiga 'yon nga!" "'Yon na nga po, jindi ko maalala si Shantal at ibang babae ang naaalala ko that time. Pero buti na lang po ay hindi naman nagtagal ay balik din agad ang alaala ko sa tulong ni Shantal at hindi niya rin po ako sinukuan, sila ng mga kaibigan ko pati nina Jaics at Tita Janice na palagi akong dinadalaw." Napangiti naman ako sobrang saya ko nang magbalik na ang alaala niya. "At nang magbalik na po ang alaala ko ay, hindi ko na pinatagal pa. At nagpapasalamat ako sahil sa wakas ay sinagot na rin ako ni Shantal. Sobrang saya ko po dahil mahal niya na rin pala ako." "Ayieeeehhh... My god kinikilig ako best," sabat naman ni Jaica, na kinatawa naming lahat. "Ikaw talaga, panira ka nang moment eh!" saway os ni tita Janice kay Jaica. "Eiiihhhh... Nay naman, eh," maktol pa nito. "Nagka problema lang po kami na sanhi king bakit niya na lang ako biglang iniwan. Bigla kasing dumalaw sina Mom snd Dad sa resort para lang sabihin na matutuloy na ang pagkikita namin umano ni Margarette ang anak niyo nga raw po at gusto niyo po kaming ipagkasundo upang magpakasal." "I'm really sorry Anak, kasalanan namin 'yon ng Daddy mo, kami ang may kasalanan," hinding pasensiya naman ng mommy ni Finley. "Hindi naman namin alam na may girlfriend ka na. Pero, sandali lang. Eh, iisa lang naman si Shantal at Margarette Anak. Ikaw din naman si Andrew," naguhukuhang tanong namang muli nito. "Yon na rin po ulit ang mali namin, dahil ni hindi rin namin inalam pareho real name naming dalawa. We are enjoying both's company, basta na lang na alam naming mahal namin ang isa't isa," nakakahiya pero totoo. Dahil maging ako ay 'yon na lang din ang naisip ko. "Then sa pad no'ng nag-uusap kami nang masisinan ni Red ay hindi namin namalayang nakikinig pala si Shantal. Pinag-uusapan namind dalawa ni Red 'yong pangalan na Margarette, ang balak nina mommu na ipagkasundo nga kami ni Margarette, at akala naman po ni Shantal ay niloko ko na siya. Hindi niya ako pinakinggan hanggang sa nalaman ko na lang na pagpunta ko kina Jaica ay wala na siya, iniwan na ako." "Grabe, gano'n ns pala ang nangyayari sa in'yong dalawa na wala man lsng kaming kaalam-alam na mga parents niyo," tila disappointment na sani ni mommy, hindi ko rin naman sila masisisi. "I'm really sorry about what happend Mrs. Santillian," pagpapakumbaba ay paghingi ng tawad ni Finley, kinabahan ako. "May nangyari sa in'yo nsng Anak ko at himdi mo alam na nabuntis mo. gano'n ba?" wala ka ngiti-ngiting tanong ni Mommy kay Finley, seryoso ang mukha nito, hindi ako sanay sa ganitong aura ni mommy. 'Galit na talaga si Mommy.' "Yes Mrs. Santillian," 'yon lamang ang naisagot ni Finley. Mahabang katahimikan, walang nagsalita. Marahil ay pinapakiramdaman si Mommy dahil galit ito. Hindi ko alam kung kakausapin ko ito, o ano. Hindi rin umiimik sina Daddy, mas humigpit ang kapit ko sa kamay ni Finley at gano'n rin naman siya sa 'kin. "Amiga," tawag ni mommy sa mommy ni Finley.. "Yes Amiga," kalmado lang din ang boses nito at nagtititigan silang dalawa na pawang sila lang ang nagkakaintindihan. 'Diyos ko, ano kaya sng sasabihin nila.' "AMIIIGGGAAAAAAA!" Nagiulat kaming lahat dahil sabay ba naman silang tumiling dalawa. Nakakaloka sila! "Finally Amiga, mag balae na na talaga tayo for real. I'm so happy," sabi pa ni mommy ay nagyakapan pa silang dalawa. "Oo nga Amiga, akalain mo 'yon may Apo na talaga kami. Apo nga talaga namin si Shan, sobrang saya ko rin talaga. Hoy! kauong dalawa! Wala man lang ba kayong sasabihin. Ha, Francis?" baling ng mommy ni Finley sa asawa nitong magiging soon to be father in law ko na. "Oo nga Honey, bakit wala man lang kauong sinabi na dalawa diyan?" tanong naman din ni mommy kay Daddy. "Hay naku! Ano pa nga ba ang sasabihin namin eh, naubos niyo na. At nasagot na rin naman lahat ni Finley. Mga Anak, natutuwa masaya ako para sa in'yong dalawa at natutuwa ako dahil may Ama na si Shan ang real father niya pa," masayang bati sa 'min ni daddy. Nakahinga naman ako ng maluwag nang sa wakas ay okay naman pala kami sa mga parents namin. "Sweetie, sabihin na natin sa kanila," hindi pa nga pala namin nasasabi ang tungko sa pagpropose niya kani-kanina lang. "Ah, excuse me everyone!" ako naman ngayon ang magsasalita. "Gusto ko lamang po na ipaalam sa in'yo na– Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at ipinakita ang Engagedment ring na binigay sa 'kin ni Finley. "Nagpropose na po si Finley sa 'kin kanina, and I said YES," sabi ko pa sa kanilang lahat. "AYON OH!" Biglang sumulpot sina Seth, Giovan at Red at sabay-sabay nilang sinabi 'yon na ikagulat namaing lahat. 'Paano nila nalaman dito?' "Halaaaaa! Paano niyo nalamang dito kami nakatira?" Lahat kami ay nagulat sa kanilang tatlo, mga kumag na 'to! "You know them, Sweetie. Hindi nila mapapalampas 'to!" natatawang sabi ni Finley. "Yeah! Mas lalong sumaya dahil nandito sila, mga totoong kaibigan mo sila Sweetie. Talagang solid kayo," tugon ko naman. "Shantal naman, hindi mo man lang ba kami iwi-welcome? Uwi na nga lang tayo mga 'Tol," kunwaring nagtatampong ani ni Giovan. "Mga Iho, tuloy kayo! Welcome kayo rito. Kanina pa ba kayo diyan sa labas?" tanong naman ni Dad sa kanila. "Hindi naman po gaano, simula lang naman pong magkuwento ni Finley ng love story nilang dalawa ni Shantal nando'n na kami." 'So, kanina pa nga sila do'n, bakit hindi sila pumasok? Mga baliw talaga.' "Brow, akala ko idedetalye mo pa 'yong ilang buwan kang nagmokmok at umiyak ng umiyak no'ng iwan ka ni Shantal, babatuhin na sana kita ng paso do'n eh! 'Lang 'ya nasarapan sa 'min 'yong mga lamok do'n! Minsan lang raw sila makatikim ng mga guwapo," napuno naman ng halakhakan ang sala dahil sa kaingayan nilang tatlo. "Tangina! congrats brow, may panganay ka na. May inaanak na talaga kami. Nasa'n na si Baby Shan?" bati naman ni Red at hinanap ang Anak ko. "Nandito po ako, Lolo Seth...este Ninong pala," malokong sabi naman ni Jaica. "Hoy, anong Lolo ka diyan? Sa guwapo kong 'to! Mukhang Lolo? Ikaw nga diyan mukhang–" "Nanay oh, si Seth panhit raw ako! 'Di ba mana ako sa 'yo? Lagot ka Seth...parang sinabihan mo na rin si Nanay ng pangit," sumbong pa ni Jaica. Bigla namang namutla si Seth na saka oa lamang napansin si Tita Janice na tipid lang siyang nginitian. "Ay, Tita nand'ya po pala kayo! Kumusta po? Hoy! Wala akong simasabing gano'n ah! 'Di ba Tita wala naman po akong sinabi?" Tawa na lang nang tawa si Tita Janice sa kalokohan nilang dalawa nina Seth at Jaica. "Hoy Red! 'Yong girlfriend mo! Ilalagay ko 'to sa sako, napaka-sama ng ugali. Mukha raw akong Lolo. Alam mo Brow, mas maganda 'yong si Trixie, mabait pa! Hindi katulad niyan ni Jaica napakaingay, hindi ka ba naririndi," sabi pa ni Seth pero nagbibiro lang naman 'to! Inaasar lang talaga si Jaica. "Gago ka! Ako na naman ang nakita mo! Mamaya maniwala sa 'yo 'yan! Ako na naman ang kawawa," tila naalarmang sani ni Red. Nang tingnan nsmin si Jaica ay kulsng na lang umusok ang ilong nito sa galit, hindi ko alam king kay Red o kay Seth. "Putangina ka! Ayan na nga ba ang sinasabi ko Seth, eh! Gago, bawiin mo 'yong sinabi mo. Patay ako nito eh!" maktol pa ni Red kay Seth. "Wala akong babawiin, brow. Totoo namang maganda si Trixie at mabait, 'di ba dinalhan ka pa nga ng lunch no'ng nando'n tayo. Ang sweet pa nga eh!" 'Naku naloko na! Patay kayo kay Jaica.' "REEEDDDDDD! Doon ka na sa TRIXIE MO! At ikaw naman SETH! Mukha kang LOLO mas bata pa nga sa 'yo tingnan sina tito, oh! Kapal mong sabihing guwapo kang damuho ka! GURAANNGG! I swear, hindi ka na babalikan ng Childhood Sweet heart mo dahil gurang ka na! Period!" galit na galit sa sabi pa ni Jaica kaya mas lalo na kaming nagsitawanan. "Grabe, guwapong gurang naman!" sagot naman ni Seth na araw din magpatalo kay Jaica. 'Sira din ang isang 'to, eh!' "Honey, 'wag kang maniwala diyan kay Seth. Hindi totoo 'yong Trixie na 'yon! Gawa-gawa niya lang 'yon!" pang-aalo at panunuyo pa ni Red kay Jaica na madilim pa rin ang mukha. "Ewan ko sa 'yo! Alis! Ito tatandaan niyong dalawa ng gurang na 'yan ah! Kapag ako nakunan dahil sa stress ko sa in'yo ay magtago na kayong dalawa!" Sabay alis nito na pumunta kung saan. "What?! Anong sinabi mo?" Sinundan naman na ito ni Red kung saan papunta. "Sweetie, tama ba ang narinig ko? Narinig mo rin ba? Guys, narinig niyo ba,ang sinabi ni Jaica?" tanong ko sa kanilang lahay na napatahimik rin. Nagkatinginan naman sina Seth at Giovan sabay ngisi. "E 'di baby Red Jr. is coming!" sabay na bulalas nilang dalawa. "Gago ka! Mag-sorry ka kay Jaica! Buntis pala, baka pinaglilihian ka lang no'n, ulol ka talaga!" sermon naman ni Giovan kay Seth. "Talaga ba? Gano'n pala 'yon? Kung pinaglilihian niya ako, ibig sabihin at guwapo nga talaga ako." Nangiwi naman ako sa isang 'to! Lakas din ng hangin eh! "Sige, pagbalik magsosorry na 'ko!" pangako naman ni Seth. "OMG Janice! Magiging Lola ka na, congratulations," masayang bati ni mommy gano'n din ang mommy ni Finley at sina daddy ay bumati rin. "Double celabration pala tayo nito! Hala't kumuha ng alak at mag-inuman tayo!" masiglang sabi naman ni daddy. "Grabe, Sweetie. Sobrang saya ng gabing 'to! Masaya ako para kina Red at Jaica dahil magkaka-baby na rin sila," sani ko pa. "Yeah, I'm also happy for our friend. But, mas magiging masaya kung sabayan natin silang magka-baby," mapang-akir nitong bulong sa tenga na kinatayo ng mga balahibo ko. "Sira ka! Talaga, ang liit pa ni Shan! Mahigit isang taon pa lang, gusto kong magfucos na mina tayo sa pag-aalaga sa kan'ya," sabi ko pa. Pinili kong labanan ang kakaibang hatid ng panunukso ni Finley. "Hmmmn...puwede naman, eh, 'di ako na lang ang baby mo! Dalawa kami ni Shan ang iinom ng gatas mo!" Namilog ang mga ko sa sinabi niya, paeang na-imagine ko na! 'Buwisi! Hindi pa rin talaga siya nagbago.' "Tumugil ka nga Finley, ha! Baka hindi kita patabihin mamaya!" bigla namang umamo ang mukha niya na kanina ay tinutukso ako. "Sweetie naman! Nagbibiro lang, eh!" Lihim naman akong napangiti. 'Tiklop ka rin pala eh! Kala mo ah!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD