Chapter 76 - Pag-iisang dibdib

1516 Words
Finley "Are you nervous, Son?" Tinapik ni dad ang balikat ko dahil sa totoo lang ay hindi ako mapakali. Ganito pala ang feeling ng ikakasal na, lumingo naman sko rito at ngumiti. "A little bit, but I'm fine," tugon ko naman. One week na hindi ko nakita si Shantal dahil 'yon ang sabi ng mga parents namin.. 'F*ck that pamahiin!' I really miss her already, kahit video call ay ayaw nila akong payagan. Feeling ko pinagkaisahan nila kaong lahat. "Brow...sa wakas! Masasakal ka na!" Lumapit naman ang mokong para lang asarin ako. "Naku! Wala pa rin ba si Shantal?" anang tanong ni Seth. "Tsk! Baka nagbago isip brow, natauhan." Sinamahan ko naman agad sila nang tingin. 'Mga ulol na 'to!' "Hoy! Kayong dalawa, humanda kayo kapag kayo naman mabaliw sa babae, makakakita rin kayo ng mga katapat niyo! Lalo ka na Giovan," singhal ko rito subalit pinagtawanan lang nila akong dalawa. Si Red naman ay hindi na nakisali sa dalawa ngunit may ngiti sa labi. Hindi nawawala ang paningin kay Jaica. 'Nabaliw na rin!' "Pero seryoso brow, masaya kami para in'yo ni Shantal. Humayo kayo at magkaparami," loko talaga 'tong si Giovan. "Ikaw Seth? Kailan ka na magsasabog ng lahi mo? Aba! Ayaw mo ba'ng sumunod sa yapak ni Red na may panganay na rin agad. Baka maunahan pa kita niyan mahiya ka naman," pagyayabang ng gag* "Sus! Bakit may girlfriend ka na ba? Sinong malas na babaeng 'yan nang ma-warningan na," pambabara naman ni Seth. "Anong malas? Hindi na 'yon lugi sa 'kin no! Hindi ko siya babawasan, dadagdagan ko lang," sabay tawa. Kahit kailan ay hindi pa nag-seryoso 'tong si Giovan. Sana nga ay makahanap ito ng katapat, kapag nangyari 'yon! Tatawanan ko talaga! "Magsitigil na nga kayo! Nandito tayo sa simbahan kaya magpaka bamal naman kayo," saway ni Red sa kanila. "Yes, Daddy Red," tugon naman ng dalawa. Napailing na lang ako kakulitan ng mga 'to pero nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan ko silang tatlo. Ups and down ay hindi nila ako kailan man iniwan nang mga panahong nagkahiwalay kami ni Shantal. "The Bride is here," biglang may sumigaw kaya nag umpisa na sa pag martsa ang mga abay. 'Thank god!' bulong ko dahil sa wakas ay dumating ang mahal ko. Nang matapos ang mga abay ay unti-unting bumukas ang malaking pintuan ng simbahan, halos hindi ako puikit dahil iniisip ko na baka sa pagpikit ko ay mawala ang mga nangyayari ngayon sa paligid ko. Gano'n ako ka kabado kahit na sabihing imposible nang magyari 'yon! Ngayon ay dahan-dahang pumasok si Shantal sa simbahan, kahit na natatabunan ng belo ang mukha nito ay alam kong nakangiti ito ngayon. She's really beautiful looking at her wedding gown. My Queen I can't control my emotions until my tears fall because of happiness right now. I feel complete for having my daughter and Shantal to call her my wife. She's mine. Finally! Nang makalapit na sila ng parents niya ay agad na akong lumapit upang salubungin na siya. "Take good care of our daughter, Son. And our grandchild," bilin pa nila sa 'kin nang ibigay nila sa 'kin si Shantal. "I promise. I will take care and love my family, they are my life now…Mom, Dad." Yumakap naman ang mommy ni Shantal kaya gumanti naman ako. Tinapik lang din ako ng daddy ni Shantal sa balikat ay bakad ang saya sa mukha nila. "Thank you!" Tumango naman ako at inabot na nila sa 'kin kamay ni Shantal. Ang sobrang lakas ng kalabog sa dibdib ko kanina ay kumalma na nang mahawakan ko na siya. Napangiti ito sa 'kin, ang ngiting kailan man ay gustong-gusto kong makita. Muli siyang bumaling sa parents niya humalik at yumakap. "Thank you, Mommy, and Daddy. I love you guys," aniya. "We love you too, Princess. Be happy." Nakangiting sabi naman ng mommy niya. Tumango lang din ang daddy niya kan'ya at muling yumakap. Ngayon ay naglakad na kami 't pumunta sa harap ng altar at mangako sa harap ng diyos na magiging saksi sa aming pag-iisang dibdib. Nang makarating na kami sa harap ng altar ay nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti. "I love you," mahina kung sabi sa kan'ya. "I love you more, asawa ko," tugon niya naman. Parang lumundag naman ang puso ko dahil sa katagang 'yon. 'God, ang sarap marinig ang sabihan kang ASAWA KO.' Umayos na kami nang mag-umpisa,na si father sa wedding ceremony. Parang gusto ko na lang sabihing madaliin nang matapos na dahil sabik na 'kong makasolo si Shantal. "Have you come to offer yourselves to each other, freely and without reservation?" tanong ni father sa 'min sabay naman namin iyong tinugon. "Yes, father." "Will you love and honor each other's life?" "Yes, father." "Will you accept children lovingly from God and bring them up according to the Catholic faith?" "Yes, father." Pinisil ko naman ang kamay ni Shantal at ngumiti naman ito nang bumaling siya sa 'kin. Ibinay naman na sa 'min ang wedding ring kasabay no'n ay ang aming wedding vows. "Finley Andrew, sweetheart." Nakangiting panimula ni Shantal na may kislap ang mga mata. "How lucky am I to call you mine? You and trust makes me a better person. Kahit pa iniwan kita noon, at hindi binigyan nang pagkakataon makapag-paliwanag ay hindi mo pa rin pala ako sinukuan. And I'm really sorry for that, I regret those times that i've wasted for being selfish," umiiyak niyang sabi sabi kaya naalarma naman ako. Ayaw ko siyang paiyakin, gusto ko ay maging masaya siya sa araw 'to pero heto at lumuluha siya sa harap ko. Binigyan niya naman ako nang tingin na nagsasabing ayos lang siya. Wala na sa 'kin kung ano man ang nangyari from the past at ang mahalaga ay ang ngayon. "Each and every day for all those times that we've been together this has always been a mutual understanding that's only shared when two couples love each other truly. In your arms and by your side, I know I can do anything and I'm proud to call you my husband. I LOVE YOU." Sunod no'n ay isinuot niya ang wedding ring sa palasingsingan ko. Napakasarap at napakasaya ko na marining mula 'yon sa babaeng mahal ko. Ang corny man pero parang sumasayaw ang puso ko na parang may sariling musika ang bawat pagtibok nito. "I LOVE YOU TOO, Shantal. So…much! I give you this ring, wear it with love and joy. I choose you to be mine. I choose you to be my wife to have and hold from this day forward. Pinapangako kong aalagaan ko kayo ng anak nating si Shan, at sa mga susunod pa nating mga anak." "SANA ALL…" nagtawanan ang lahat dahil sigaw ng loko. Sinamaan ko naman siya ng tingin si Giovan ngunit hindi niya naman ako pinansin dahil nagtatawanan silang lahat. Napailing na lang ako 'Panira ng moment!' "Kayong dalawa ang buhay ngayon at hinding-hindi ako mawawala sa tabi niyo! I promise to be there to catch you if you should stumble, carry you and fall in love with you everyday. You're everything that I ever dreamed of and everything. I will ever need our love for each other in heaven sent today. I vow to be with you and for you, forever and always…" Kulang pa ang lahat ng sinabi ko para lang sabihin kung gaano ko siya ka mahal, araw-araw ko 'yon ipaparamdam sa kan'ya at hindi ako magsasawang ipagsigawan sa mundo kung gaano sila ka halaga ng anak namin, sa 'kin. "Now…. You have declared your consent before the church may be lord in his goodness, strengthen. You, and feel you both with his blessing that God had joined, man must not separate." "AMEN." "Now I pronounce you as a husband and wife," ito na talaga ang pinakahihintay ko sa lahat. Tumingin naman si father sa 'kin at sinabing, "You may now kiss the bride, congratulations newly wed," bati sa 'min ni father kaya ngumiti naman kami ni Shantal rito. "Thank you, Father." At kinamayan niya naman kami. Ngayon ay magkaharap na kami ni Shantal at dahan-dahan kong itinaas ang belo na nakatabon sa magandang mukha ng asawa ko. "I love you so much, my wife." Unti-unti kong inilapit ang aking mukha pababasa labi niya at sa wakas ay nahagkan ko na siyang muli, ang matamis niyang labi makalipas ang isang linggo. Buong puso niya naman tinugunan ang mainit kong halik kung hindi lang nakakahiya sa ibang taong nandito ay hindi ko iyon tatapusin. "Brow! Mamaya na 'yan! Gutom na kami oh!" muli na namang nahalakhakan ang lahat sa kakulitan ni Giovan. Pati si father ay natatawa na rin. Niyakap ko na lang ang asawa ko at hinalikan siya sa noo, tinitigan ko naman ang anak naming si Shan na nakatulog na pala habang kalong ng lola niya. "Are you ready, my wife?" bulong kong tanong kay Shantal na kinapula naman ng pingi nito. Kinurot niya ako sa tagiliran ngunit mahina lang naman kaya natawa na lang ako. "Ikaw talaga! Nasa simbahan pa tayo ha!" saway nito sa 'kin. Hinuli ko ang kamay niya at dinala sa labi ko't hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD