~Finley~
Kinabukasan ay maaga akong nagising, balak kong puntahan kung nasa'n man ang bahay ni Jaica, nasa kabilang bayan lang naman umano ito kaya susubukan kong puntahan si Shantal.
'Wag sana ako bugahan ng apoy.'
Tangina kasi, hindi ko napigilan ang sarili ko kahapon.
Bakit ba naman kasi napaksungit niya rin.
Nagkanda-labo-labo na tuloy!
Imbes na susuyuin ko siya upang mapaamo, lalo namang bumagsik!
May pagka-amozona pa naman 'yon. Pero hindi ko ikinakailang nagustuhan ko talaga ang mahalikan siya kahapon.
Sana hindi na siya galit sa 'kin.
'Ulol...imposible 'yan!'
Tsk! Pati isip ko kumukontra na rin, eh! Hindi pa naman ako marunong manligaw.
'Haayystt...bahala na nga!'
Nauna nang umuwi sina Seth at Giovan dahil may mga meeting pa umano silang kailangang daluhan.
Naiwan naman si Red dahil nagpapasalamat ako kina Jaica, mabuti at pumayag naman siya.
Mukang may tama rin kay Jaica ang loko.
"Brow, ano, matagal ka pa? Hanep para kang babae kung kumilos. Nababakla ka na ba?" Binato ko naman siya ng susi.
"Gago! Anong bakla?
Ayan! Ikaw na mag-drive.."
Sa kabilang bayan lang naman kami pupunta kaya hindi na kami mahihirapan. Pagdating namin ay tumigil kami sa isang bahay do'n upang magtanong.
May nakita kaming nagwawalis sa bakuran kaya agad namin itong nilapitan.
"Ah.. Excuse me po, magandang umaga," bati ko.
Napalingon naman agad ito sa 'min ni Red.
"Maganda naman, ano 'yon mga Sir?" magalang naman nitong tugon sa 'min.
"Ay.. 'Wag niyo na po kaming tawagi niya. Ako nga po pala si Finley, at siya naman po ang kaibigan kong si Red," pakilala ko naman kay Red.
"Naku! Nakakahiya naman, pero sige, ano ba ang maitutulong ko sa in'yo?" muli nitong tanong.
"May hinahanap po kasi kami, kilala niyo po ba si Jaica?" tanong ni Red.
"Ah…'yong anak ba ni Janice?" aniya.
Mukhang 'yon ns nga siguro ang tinutukoy niya at namin ay iisa.
"At may kasama po siyang babae na sa kanila po sa ngayon nakatira," dugtong pa ni Red.
"Ay, 'yon nga. May bisita sila, kaibigan ni Jaica. Eh, 'di tama nga ang sinasabi ko kung gano'n?" Napatango naman ako bilang tugon.
"Sige, kung sila nga ang hanap niyo ay ihahatid ko na kayo," nagpapasalamat naman kami ni Red dahil sasamahan niya raw kami.
Ilang bahay lang ang pagitan nang nilakad namin ay nakarating na rin kmi sa tapat ng bahay mina Jaica.
"Janice! Janice!" tawag ni Ate sa labas ng bahay nina Jaica, mukhang ang ina ni Jaica ang tinatawag.
Maya-maya lang ay may lumabas na babaeng hula ko au masa 40's.
"Janice, may naghahanap sa dalawang dalawa mo. Kina Jaica ay sa bisita niya," saad naman ni ate.
"Good morning po, Ma"am," magalang kong bati rito.
"Good morning, anong kailangan niyo sa anak ko at kay Shantal?"
Nahiya naman kami bigla, ano nga ba ang sasabihin namin. Puwede na rin naman sigurong kaibigan ang sabihin namin kahit kagabi lang kai nahkakilala.
"Hello po, mga bagong kakilala po nila kami kagabi do'n sa resort.
Ako nga po pala si Red, at siya naman po si Finley at siya rom po ang may ari ng resort na bagong bukas lang para sa lahat no'ng last week.
Gusto lang po namin humingi ng paumanhin kung bakit hindi po silang dalawa nakuwi kagabi," mahabang lintaya ni Red.
"Gano'n na? Naku! Pasok kayo mga Ijo. Ate Laila, salamat po sa paghatid sa kanila, ha?" pasasalamat ng mother ni Jaica kah ate Laila.
"Walang anuman Janince. Sige mga ijo maiwan ko na kayo rito, ha?" paalam nito sa 'min.
"Salamat po, Ate Laila.''
"Nay…" bigla kong narinig ang tinis ng boses ni Jaica. Nanlaki pa ang mga mata nitong makifa kami ni Red.
"A-anong ginagawa nito dito?" Inirapan niya ako. Mukhang nakapag-usap na sila ni, Shantal.
"Anak, mga kaibigan niyo ba sila ni Shantal?" Nagpalipat-lipat pa ang tingin ni Jaica sa 'min ni Red bago sumagot sa mama nanay niya.
"Opo, Nay. Mga kaibigan po namin sila ni Shantal, mababait po 'yang mga 'yan," ngunit batid kong inis si Jaica sa 'kin.
"Siya, ikaw na ang bahala sa mga kaibigan niyo ay magluluto na muna ako ng tanghalian, ha!
Mga Ijo, dito na kayo kumain," sabi pa ng nanay ni Jaica.
Ngumiti naman ako at Nagpasalamat. "Okay po, I'm sure masarap po 'yang lulutin niyo. Thank you po."
Nang makaalis na ang nanay ni Shantal ay binalingan agad ko ni Jaica.
"At anong masamang hangin ang nagdala sa in'yo rito?
Ikaw Finley, hindi porket ikaw ang may ari ng resort na 'yon ay may karapatan ka nang gawin 'yon sa kaibigan ko!"
'Hanep magkaibigan nga sila.'
"Kaya nga nandito ako para suyuin siya, eh. Nasa'n nga pala si Shantal?" hanap ko rito.
"Talaga? Seryoso ka?" nagdadalawang isip na ani pa nito.
"Oo nga! Promise seryoso ako sa kaibigan mo," pakiusap ko pa.
"Yes Jaica, sasamahan ko ba 'yan dito kung, hindi?" Tila kinikilig naman si Jaica nang kausapin siya ni Red.
"Sige na nga! Pasalamat ka malakas sa 'kin 'to si, Red.
Kung hindi, kahit maging Red pa 'yan mata mo at lumuha ng dugo.
Hindi kita tutulungan kay, Shantal," maldita rin talaga ang isang 'to.
"Nando'n siya sa tabing dagat, puntahan mo.
Gusto niya lang mapag-isa kasama ang dagat mukhang nagkakamabutihan na nga sila, eh."
Iniwan ko na sila agad ni Red at pinuntahan na si Shantal. Malayo pa lang ay tanaw ko na ito habang nilalaro ng mga paa niya ang dagat na pawang nakikipahabulan sa mga alon.
"Shantal," tawag ko sa kan'ya. Saglit naman siyang nagulat nang makita niya ako ngunit agad na simaan ako nang tingin.
"Ano ginagawa mo dito?" galit niyang tanong.
'Ayan na, ano tutuloy ka pa?'
"Ah..gusto kitang makita, eh. Shantal, puwede ba tayong mag-usap?" hindi siya sumagot kaya muli akong nagsalita.
"Tungkol kahapon, I"m not saying sorry about the kiss.
I'm here to apologize if you felt disrespect, Shantal I'm really sorry," paulit-ulit kong paghingi nang tawad sa kan'ya.
"Tapos ka na ba? Kung tapos ka na ay makakaalis ka na rin," walang gana niyang sabi.
Bagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Grabe siya magtampo o magalit, mahihirapan talaga ako nito.