~Finley~
Masaya ako dahil kahit papaano ay napaamo ko rin si Shantal, paminsan-minsan ay nagsusungit pa rin naman ito pero nahuhuli ko na rin ang kiliti niya
Umpisa no'ng nagawa kong kagaguhan sa kan'ya sa resort ay pinapangako kung hindi na mauulit pa 'yon.
Kahit ako sa sarili ko ay hindi makapaniwalang magagawa ko 'yon, muntik o na siyang ma-rape for god sake.
Alam ng diyos kung gaano akong magsisisi sa nagawa kong 'yon. At araw-araw kong ihihingi ng tawad ang kasalanan ko.
Mabuti na lang ay napatawad niya ako. Hindi ko rin alam na gano'n niya ako kabilis mapapatawad.
Ginamot niya ang kamay ko at pinagluto pa.
Nagkausap rin kami at pinaliwanag nga niya sa 'kin kung alin ang pinagseselosan ko.
Tangina! Hindi ko akalaing bakla pala ang Raven na 'yon!
Nang dahil lang sa baklang 'yon ay nagselos ako.
Iba pala talaga ang nagagawa ng galit at selos kapag hindi ka nakapagpigil ay nakakagawa ka ng masama.
Pero nagselos rin naman ako kay Bianca no'n.
Subalit iba pagdating kay Shantal. Ibang-iba, sa ngayon ay masasabi ko na talagang mahal ko mahal ko at siya at siya lang ang gusto kong makasama hanggang sa huli.
Ini-imagine ko na ng no'ng sa resort ay habang magluluto siya ay asawa ko na talaga siya, eh.
I can't wait to wake up every morning to see her face smiling at me, to be with her
forever and make our own family, our children as a sign of our love.
She's the girl who I can see to be with me in the future.
Habang masaya kami sa ginagawa, tinulungan ko sila ni Raven para do'n sa ilalagay na decorations sa mini stage, ay bigla naman akong tinawag ni Red. Nagpaalam ako saglit kay Shantal usang kausapin ito.
"Ano ba 'yon? Kita mong nando'n ako sa sweetie ko, eh. Minsan lang maging maamo 'yon, Uy!" Reklamo ko.
Tinawan lang ako ng gago.
"Relax okay, tumawag sa 'kin si Giovan, kailangan nating pumunta sa Singapore five days seminar 'yon at may mga investors na makakasama mula sa iba't ibang company.
Pero dude, hindi ako puwedeng umalis. Hindi ko puwede iwan si, Mommy," saad nito sa 'kin. Mukha nakukuha ko na ang gusto nitong sabihin.
"Kaya ako ang kailangan dumalo, gano'n ba?" tanong ko at tinumbok na rin ang gusto niyang sabihin.
"Yes brow, your the best," kunwaring hindi makapaniwala ang gago sarap Sapakan, eh.
"Paano ang Sweetie ko? Baka mamaya kapag wala ako ay may umaligid na iba d'yan," sabi ko pa.
Natawa na naman ang gago, kanina pa 'tong pinagtatawanan ako.
"Brow, talaga ba? Si Shantal pa? Walang nakakalapit na iba d'yan, bubugahan niya lang ng apoy.
Alam mo naman 'di ba?
But don't worry nad'yan naman si My loves ko eh, siya na ang bahala sa Sweetie mo!" Napangisi ako. Mukhang bikuran niya na talaga ang isang maingay na 'yon.
Well, bagay naman silang dalawa. Isang maingay at seryoso. Buti naisipan na rin niyang manligaw, akala ko ay tatandang binata na, eh.
Hinanap ng mga mata ko si Shantal ngunit hindi ko ito makita.
Ah.. Baka nasa loob lang, mag-aalas singko na rin pala at alas sais raw ang party ni Tita Janice.
Nang napatingin ako sa pinto ay biglang papalabas na si Shantal, nakapag-ayos pala ito at ang ganda-ganda niya lalo.
Tumigil na naman ang mundo ko at tanging siya lang ang nakikita ng mga mata ko.
Bagay na bagay sa kan'ya ang ayos ng buhok niya pati ang damit niya. She's almost perfect.
Gusto kong tusukin ang mga mata ng mga lalaking nando'n na humahanga sa Sweetie ko.
She's only for me, mine alone. Papalapit na siya sa 'kin kaya umayos na 'ko. Parang dinuduyan na 'ko sa ulap dahil nginitian niya 'ko.
Parang gusto ko na siyang itago at kaming dalawa lang ulit.
"Ano kumusta ka? Hindi ka ba naiinip? Pasensiya ka na, nag-ayos na 'ko dahil malapit nang mag-umpisa ang party ni Tita," habang nagsasalita siya ay magha pa rin ako sa kan'ya.
"Wow! Sweetie, you look great. Puwede ba'ng dito ka lang sa tabi ko?" Napakunot naman ang noo niya.
"Huh! Bakit naman?" takang takang niya.
"Eh, kasi baka maagaw ka nila sa 'kin, mahirap na." Hinampas na naman niya ko ngunit mahina lang naman.
"Ikaw talaga! Kahit kailan puro ka kalokohan!
D'yan ka na nga!" Akmang aalis na ito nang pigilan ko siya.
"Wait! Sa'n ka pupunta Sweetie? Sige ka pag-umalis ako mamimiss mo 'ko!" Natigilan naman siya bigla. Tinitigan niya ako ngunit hindi naman siya nagsalita, hinahawakan niya ako sa kamay at hinila.
"Halika na nga! Akala mo naman kung saan ako pupunta, check ko lang naman kung ayos na ba lahat." Napangiti naman ako dahil magka-holding hands kami ng Sweetie ko.
Napaisip naman ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya na kailangan kong umalis.
Hindi nga pala sinabi ni Red kung kailan ang seminar, loko din ang isang 'yon. Mamaya ka lang.
"Ate Cecile, kumusta po kayo d'yan? Ayos lang po ba?" tanong niya sa mga magluluto sa kusina.
"Ay, Oo Shantal. Okay na lahat, luto na. Ipapaayos na namin do'n sa lamesa," ani naman ni Ate Cecile.
"Okay po, salamat." Lumabas naman kami agad, ngunit may nakasalubong kaming may mga dalang babasagin kung kaya't bigla ko siyang kinabig sa 'kin dahil baka matumba pa siya kung magkataon.
"Oppss! Muntik na 'yon, ah!" Bigla naman siya humiwalay sa 'kin dahil nakayapos ang mga braso ni sa kan'ya.
"T-thank y-you," nauutal niyang sabi.
"It's fine Sweetie, kahit mahulog ka pa ay sasaluhin kita," sabi ko kan'ya.
"Kung mahulog," tugon niya naman. Sabay talikod iniwan ako.
"Aba! Sweetie hintay!" Sumunod na 'ko sa kan'ya palabas.
Pakipot lang 'tong Sweetie ko, eh. Pero pakiramdam ko talaga gusto na rin ako nito, nahihiya lang.
Tumugon siya no'ng hinalikan ko siya kaya alam kong may pag-asa na 'ko sa kan'ya.
Hindi na 'ko makapag-hintay na maging girlfriend ko na si Shantal. Kapag nangyari 'yon!
Sobrang saya ko talaga at kung puwede lang ay pakasalan ko na siya agad, eh.
Maya-maya lang ay parating na raw si Tita Janice.
Kaya nakahanda na ang lahat para sa surprised, kami naman ni Red ay nasa tabi lang nina Shantal at Jaica.
Mukhang magiging masaya ang gabing 'to , at sana ay magtuloy-tuloy na.