Mecca’s POV Pagkatapos ng engagement party, hindi agad kami umuwi. Hindi rin kami umalis ng sabay-sabay kasabay ng mga bisita. Tahimik lang kaming naglakad palabas ng ballroom, habang nakasabit ang kamay ko sa braso ni Edward. Halos wala kaming imikan, pero hindi rin namin kailangan ng maraming salita. Pagdating namin sa rooftop ng Stewart Towers, doon kami huminto. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga city lights ng Makati. The world below us moved fast, noisy, relentless. Pero dito sa taas... kami lang. Parang kami lang ang mundo. Napatingala ako sa langit. Wala masyadong bituin, pero sapat na ang liwanag ng gabi para makita ang kapayapaan sa paligid. "Tired?" tanong niya, basag sa katahimikan. "Yeah," sagot ko. "Pero mas nangingibabaw 'yung kaba." "Oo. Kasi...

