Mecca’s POV Tahimik ang gabi. Nakatayo ako sa glass window ng penthouse ni Edward, nakatingin sa malayo. Sa ibaba, kumikislap ang mga ilaw ng siyudad parang mga bituing bumagsak at tinanggap ng lupa. Hindi ko namalayan na lumapit na pala siya sa likod ko. "Cold?" tanong niya, mahinang boses, halos pabulong. Umiling ako. "Hindi naman." Pero nagsalubong ang kilay niya, saka ako marahang tinabihan. Suot ko lang ay oversized hoodie na siya rin ang may-ari. Kinuha niya ang isang throw blanket sa gilid ng couch at marahang isinampay sa balikat ko. "Alam mo," sabi niya, nakatingin din sa labas. "Minsan iniisip ko, anong ginagawa ko bago ka dumating." "Busy ka siguro. Meetings. Business. Wrecking hearts." Napangiti siya. “Only yours,” sagot niya, then chuckled softly. Hindi na ako nag

