Mecca’s POV Nakita ko siya bago pa man siya makapagsalita. Same eyes. Same stance. Same presence na kahit kailan, hindi ko nakalimutan. Pero ngayon, may bigat na sa tingin niya parang dala-dala niya 'yung limang taon na iniwan ko siya. Hindi ako gumalaw. Hindi dahil sa gulat. Kundi dahil ilang beses ko nang pinagdaanan ang eksenang ito sa isip, sa panaginip, sa mga gabing walang tulog. "Mecca." Isang salita. Isang pangalan. At parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Pero nanatili akong kalmado. Sanay na akong itago ang bagyong matagal nang naninirahan sa dibdib ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, malamig ang boses. Walang emosyon. Lumapit siya ng isang hakbang tapos huminto. "I had to see you." Had to? Kailangan mo akong makita ngayon? Nasaan 'yung ‘had to’ mo

