Mecca’s POV Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang umaga ngayon, hindi dahil sa pagod ng nakaraang gabi kundi dahil alam kong huling araw na namin dito sa paraiso. Isang linggo. Isang linggo ng walang kahati, walang iniisip na trabaho, walang ibang mundo kundi kaming dalawa. Ngayon, kailangan na naming bumalik sa Maynila, bumalik sa reyalidad na alam kong hindi palaging kasing gaan ng mga araw namin dito. Nakaupo ako sa gilid ng kama, nakabalot ang katawan ko sa puting kumot habang nakatingin sa dagat sa labas ng bintana. Hindi ko mapigilan ang ngiti habang naaalala ko ang bawat araw na kasama ko siya. Lahat ng tawanan, asaran, at mga gabi kung saan paulit-ulit niyang ipinaparamdam kung gaano niya ako kamahal sa mga halik niya, sa mga yakap, sa bawat bulong na you’re mine,

