Mecca’s POV Isang linggo naming binantayan si Mama sa huling sandali niya rito sa mundo. Isang linggo ng walang katapusang pag-iyak, ng gabi-gabing walang tulog, ng paulit-ulit na sakit na hindi ko na alam kung kailan hihinto. Pero ang pinakamalaking sugat… ay ang kawalan niya. At sa bawat araw na lumilipas, umaasa akong may darating, may yayakap sa akin sa gitna ng dilim. May asawa akong aalo sa akin, hahaplusin ang likod ko at sasabihing, “Nandito lang ako, Mecca, hindi ka nag-iisa.” Kahit isang beses lang, kahit isang yakap lang para gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Pero wala. Walang Edward na dumating. Walang Edward na humawak ng kamay ko habang pinapasan ko ang pinakamabigat na araw ng buhay ko. Wala siyang text, wala siyang tawag, wala kahit anong mensahe na magpapatibo

