Mecca's POV
Hindi ako sanay sa elevator na may mirrored walls.
Lalo na kapag sa sarili mong repleksyon mo nakikita kung gaano ka pagod at gaano mo pinipilit magmukhang buo.
First day ko sa Stewart Group of Companies.
Hindi bilang executive. Hindi bilang board member’s daughter.
Kundi bilang contract staff sa Corporate Affairs. Anim na buwang kontrata. Walang kasiguraduhan.
Pero para sa akin, hindi lang ito trabaho.
Ito ang huling pag-asang mapunan ang halos isang milyong pisong kailangan ng nanay ko para sa chemotherapy.
Sa tingin ng iba, ordinaryong babae lang ako. Tahimik. Masipag. Laging maaga.
Pero ang hindi alam ng lahat—bawat araw na pumapasok ako sa opisina, may countdown sa isip ko.
₱980,000 to go.
“Ms. Castro, may emergency revision si Mr. Stewart for the legal compliance draft? He wants it within the hour.”
Halos mapatigil ang hininga ko sa sinabi ni Carla, ang supervisor ko. Masungit siya, pero hindi unfair. And the fact that Mr. Stewart himself asked for something directly?
Ilang araw pa lang ako sa kumpanya, pero alam ko na agad ang mga kwento.
Edward Stewart CEO. Brilliant, mysterious, unbothered by noise.
Hindi pa raw ‘yan nagagalit nang may sigaw. Pero kapag nakatingin sa’yo? Para kang hinuhubaran ng kaluluwa.
“Nasa 43rd floor pa raw siya,” bulong ni Carla habang sabay naming minamadali ang document. “Pero don’t make him wait. Hindi siya palatanong, pero bawat tanong niya, dapat may sagot ka agad.”
Inayos ko ang document, siniguradong walang mali. Pinagpag ang kaba.
Then I took the private elevator heading to the Executive Floor.
Pagbukas ng pinto, halos marinig ko ang sariling t***k ng dibdib ko.
Tahimik ang buong floor. Minimalist. Cold. Parang hindi opisina kundi gallery ng mga taong ayaw ng gulo.
Lumingon ako sa glass wall office sa dulo. Nandoon siya.
Edward Stewart. Nakatalikod. Nakatingin sa cityscape ng Makati. Hawak ang isang tasa ng kape, pero parang hindi kape ang pinapainit niya kundi ang mundo.
“Sir,” mahinahon kong bati.
Lumingon siya. At kahit pa hindi ako handa, napakapit ako sa folder ko. Hindi dahil sa takot kundi sa epekto.
Hindi ko siya kilala, pero para akong tinuluyan ng isang lamig na hindi kayang tanggalin ng jacket.
“Yes?”
“I have the revised compliance draft you requested, sir.”
Tahimik niyang tinanggap ang folder. Binuklat. Wala siyang sinabi.
Isang minuto. Dalawa. Tila walang tunog sa buong paligid maliban sa mga papel na binabaligtad niya.
Then finally, he looked at me.
“Mecca Castro.”
“Y-Yes, sir.”
“I don’t remember hiring you.”
Napalunok ako. “I’m part of the special compliance team, under Legal and Corporate Affairs. Six-month contract.”
Nagtagpo ang mga mata namin. Walang kilig. Pero may bigat.
Parang ‘yung tanong niya, hindi tungkol sa papel. kundi tungkol sa buong pagkatao ko.
“Hmm. You're new.” Then he looked back at the paper. “And thorough.”
I almost exhaled in relief.
“Thank you, sir.”
He closed the folder and handed it back.
“You hid the inconsistencies well.”
Hindi ko alam kung insulto ba ‘yon o papuri. Pero hindi ko na rin inusisa.
“I try to deliver clean work,” sagot ko, dahan-dahan.
“For someone named Mecca,” he said suddenly, “I expected noise.”
Napakunot ang noo ko.
“It’s a city. A movement. A pilgrimage. But you’re... quiet.”
Nanahimik ako. Paano mo nga ba sasagutin ang isang lalaking parang tula magsalita?
“My mother named me after the idea of peace,” sagot ko, mahinahon. “Not the place.”
Tumango siya. At parang saglit siyang nawala sa sariling mundo.
Bago tumalikod muli sa bintana.
“You can go.”
“Yes, sir.”
Paglabas ko ng opisina niya, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Wala pang limang minuto ang usapan, pero parang may humigop ng lakas ko.
Parang nakita niya hindi lang ang pangalan ko kundi ‘yung takot sa likod ng mga mata ko.
Sa pantry, agad akong nilapitan ni Carla.
“Anong sabi niya?”
“Wala,” sagot ko. “Tinanggap lang ‘yung papel.”
“Ha? Yun lang? Usually may corrections pa ‘yan.”
“Sinabi niyang ‘thorough’ daw. At… ‘I hid the inconsistencies well.’”
Natahimik si Carla. Tapos sabay kami natawa.
“Girl, ‘pag sinabi niyang 'thorough', ibig sabihin impressed siya,” bulong niya. “Trust me. That man doesn’t praise.”
“Okay,” mahina kong sagot. Pero sa loob-loob ko, may tanong ako na hindi matanggal.
Bakit parang hindi lang trabaho ang nakita niya?
At bakit parang ako, narinig niya kahit hindi ako nagsasalita?
Pagbalik ko sa department floor, ramdam ko ang mga matang sumunod sa bawat hakbang ko. Hindi dahil special ako kundi dahil galing ako sa itaas. Sa opisina ng Edward Stewart.
“Uy, grabe. Ikaw daw ‘yung pinatawag. May mali ba?”
“Hindi yung tumawag kung walang issue.”
“Or baka naman na-impress siya? Baka ikaw na ang future Mrs. Stewart. Char!”
Hindi ko sila pinansin. Sanay na akong maging sentro ng mga bulungan dati sa palengke, ngayon sa opisina. Pareho lang. Pare-parehong walang alam sa totoo.
Kung alam lang nila.
Kung alam lang nilang halos mamilipit ako sa kaba habang binabasa niya ‘yung draft. Na bawat segundo sa loob ng opisina niyang ‘yon ay parang paglalakad sa gitna ng salamin kailangan mong siguraduhing walang masyadong maipapakita.
Lalong hindi ang kahinaan mo.
Pagkaupo ko sa desk ko, agad kong binuksan ang drawer at kinuha ang lumang phone ko. Kahit luma, iyon lang ang may GCash app ko. May notification.
₱5,500. Final payment from freelance layout gig.
₱7,000. Sweldo (partial, 15th).
₱2,350. Transfer from a friend utang, binayaran.
Napakagat ako sa labi. Kulang pa rin.
₱965,150 to go.
Huminga ako nang malalim. Nakakainis. Parang kahit anong gawin ko, laging kulang. Lagi akong hinahabol ng mga pangangailangan na parang alon paulit-ulit, paulit-ulit, hanggang wala ka nang lakas para maisalba.
“Mecca,” tawag ni Carla. “You did great today. Mr. Stewart noted it to the legal director.”
Napalingon ako.
“Seriously?” tanong ko, hindi makapaniwala.
Tumango siya. “He said you’re quiet, but precise. Gusto niya ‘yan. I suggest… huwag mong sayangin ang impression.”
Impression?
I didn’t come here to impress him.
Hindi ito love story. Hindi ako leading lady.
Dumating ako dito para mag-ipon. Para ilaban ang nanay ko sa cancer. At kung may kailangang buwagin sa sarili kong damdamin para magawa ‘yon willing ako.
Pero kahit anong sabihin ko, hindi ko maalis ang bigat ng pagkakatingin niya kanina. Hindi romantiko. Hindi rin bastos. Pero ramdam mong hindi siya tumitingin sayo dahil babae ka kundi dahil parang meron siyang gustong intindihin.
At ‘yun ang nakakatakot.
Dahil hindi ako sanay sa mga taong gusto akong unawain.
Pagsapit ng alas-sais, nagsimula nang magligpitan ang mga empleyado. I stayed for a bit longer. Inayos ko pa ang ilang documents na baka kailanganin kinabukasan. Mas okay na ako ang mag-adjust kaysa maulit pa ang tawag mula kay Mr. Stewart nang hindi ako ready.
Nang biglang dumating si Marco ang personal assistant ni Edward.
“Ms. Castro?”
Napalingon ako. “Yes, sir?”
“Mr. Stewart wants to see you before you go home. Saglit lang daw. May ipa-follow up lang.”
Muli na namang bumigat ang dibdib ko. Pero tumango ako. “Sure. Pupunta na po ako.”
Habang tinatahak ko ang hallway patungong elevator, paulit-ulit kong inaalala kung ano pa bang mali sa report. O baka may dagdag? Baka may tanong?
Pero pagdating ko sa 43rd floor at pinapasok ng receptionist, hindi ko inasahan ang eksenang bubungad.
Edward Stewart nakaupo, suot pa rin ang dark suit, pero walang jacket. Rolled-up sleeves. May hawak na folder, pero hindi agad nagsalita nang pumasok ako.
Tahimik. Mabigat ang hangin. Parang ang liwanag sa buong opisina ay nakatutok lang sa kanya.
“Ms. Castro,” aniya, habang inilapag ang hawak. “Have a seat.”
Umupo ako diretso ang likod, hawak ang bag, pakiramdam ko estudyante ako sa harap ng principal.
“You’ve worked with multiple departments the past week, correct?”
“Yes, sir. Rotational support assignment po, under Legal.”
“Hmm.” Tinitigan niya ako. “How comfortable are you with discretion?”
Napakunot ang noo ko. “Discretion, sir?”
“Confidentiality. Trust. Delicacy of information.”
“I… I value it, sir. Always. Lalo na sa mga sensitive documents po.”
Tumango siya. Then he leaned forward. “Good. Because I’m creating a small team for a confidential transition. Only temporary. Separate from your current department. I want you in it.”
Parang may humigop ng lahat ng ingay sa paligid.
Ako? Bakit ako?
“Sir… bakit po ako?”
Ngumiti siya maliit lang, pero sapat para gumulo ang normal kong pulso.
“Because you don’t speak unless necessary. And when you do… you choose your words well.”
Tahimik lang ako.
“Report here at 8 a.m. tomorrow,” dagdag niya. “Marco will brief you.”
Tumango ako, bagamat hindi pa rin makapaniwala.
“Yes, sir. Thank you po.”
Bago ako makalabas, may pahabol siyang sinabi. Mahina. Pero malinaw.
“You hide your storms well, Mecca. But I see them.”
At doon ko alam
Ito na ang simula ng gulong matagal ko nang iniiwasan.
At wala nang atrasan.
To be continued…