Hindi na ko tumuloy na magpunta sa mga De Silva nang malaman ko kay Gerald na wala doon ang aking asawa dahil maging sila ay hinahanap din nila ang mga ito. Hindi na bumalik si Celestine sa poder nila matapos na may mangyari sa aming dalawa ng aking asawa. Masama ang loob ko at baliw na baliw na ko sa paghahanap kung saan pa pwedeng magpunta ang aking asawa. Pero hinding hindi ako titigil at susuko sa paghahanap sa nawawala kong asawa. Lumipas ang isang buwan na paghahanap, halos mawalan na ko ng pag-asang mahahanap ko pa ang asawa ko. Labis akong nangulila at sinisi ang aking sarili na sana ay nagtiwala na lang ako sa kan'ya noon. Ganoon din ang mga magulang ni Celestine na labis ang pangungulila nila sa kanilang anak. Lahat kami ay nagsisisi sa kasalanang nagawa. Maliban lamang kay El

