Nakakalimot din pala sa pag iisip 'yong sobrang daming ginagawa. Pati ang katawan ko ay parang isang lantang gulay na. Ngunit nakakatuwa din dahil nawawala ang pagod kapag maraming mga costumer ang nabibighani at nagpapasalamat sa magandang serbisyong ibinibigay ko sa kanila.
Nakaprenteng nakaupo ako sa sofa at nagpapahingang mag isa. Sa sobrang dami ng costumer ng kaibigan ko ay hindi ko na magawang kumain. Nasapo ko ang aking noo at marahan kong hinilot hilot. Ilang minuto lang ang pagpapahinga ko nang mag ayang kumain si Merylle sa labas. Ayaw ko sanang sumama sa kan'ya ngunit pinilit talaga niya ko.
"Enjoy mo lang ang life Celestine. Hindi ka mananalo kapag ganyan ka palagi. Ipakita mo sa asawa mo na isa kang mabuting tao."
"Paano ko ba gagawin yang sinasabi mo kung pati ang tiwala niya sa akin ay nawala na," malungkot kong sabi.
Hinawakan ni Merylle ang aking kamay at marahan niya itong pinisil. "Magpakatatag ka Celestine. Narito pa kaming mga kaibigan mo na naniniwala sayo. Hayaan mo na lang yang asawa mo. Tignan natin kung malunok pa niya lahat ng pang aaping ginawa niya sayo kapag napatunayan mong malinis kang babae," turan nito sa akin.
Ngumiti ako ng tipid. Tama nga siya. Pwede ko pang patunayan sa kan'ya na hindi ako maruming babae gaya ng iniisip niya.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Isa lang ang kaya kong patunayan sa kan'ya kundi ang ipagkaloob ang sarili ko sa kan'ya. Pero paano ko gagawin 'yon kung nandidiri na siya sa akin at nagawa pa niya kong saktan.
Isinandal ko na lang ang aking ulo sa may bintana ng sasakyan nang marinig kong nagriring ang aking cp. Wala sana akong balak na sagutin 'yon ngunit natuwa ako na makita ang pangalan na nakarehistro doon. Laking tuwa kong sinagot 'yon dahil si Ezeckiel ang tumatawag.
"Hello!" nasa boses ko ang saya pagkasabi ko ngunit napalitan din ng lungkot nang marinig ko ang salitang annulment paper. Hindi ko na naituloy pa na pakinggan ang buong sinabi niya dahil ang kirot sa puso. Sobrang sakit dahil hindi ko man lang naranasan na maging asawa niya. Hinayaan ko lang na naka hang ang aking cp at dinig na dinig ko lahat ng kan'yang mga sinasabi habang nangingilid na aking mga luha. Tuluyan na ngang nagsibagskan ang mga luha ko at humagulhol na naman ako sa pag iyak.
"Maygad Celestine, umiiyak ka na naman ba?" alalang tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya.
"Hindi ko kaya Merylle, hindi ko siya kayang pakawalan. Mahal na mahal ko ang asawa ko," hagulhol kong sabi. Hinayaan ko na lang na mabasa ang buo kong pisngi. Kahit na ilang beses ko pa itong punasan ay hindi na talaga maiaalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog na ang aking dibdib sa sobrang sakit ng nararamdaman.
"Ano ba ang nangyari? Gusto mo bang huwag na tayong tumuloy sa pupuntahan natin? Pero naglalaway na talaga akong kumain ng mga pagkaing seafoods. Mawawala yang broken hearted mo kapag nakita mo ang lugar na 'yon, promised. Magiging masaya ko doon." Ngumiti ako ng tipid sa kan'ya.
Todo effort talaga 'tong kaibigan ko, mapasaya niya lang ako. Ayaw kong balewalain na lang basta 'yon dahil sila na lang ang meron ako. Ang mga magulang ko dapat ang maging karamay ko sa mga problema ko ngunit kagaya din sila sa nagpapasakit ng aking damdamin. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako kinokontact ng aking mga magulang at tuluyan na din nila akong pinabayaan at kinalimutan.
Nakarating din kami ng ligtas sa isang lugar na kung saan kami kakain ni Merylle. Maganda nga dito dahil para siyang isang resort at malawak. May kan'ya kan'ya ding mga putahe ang bawat resto. Pwede ding kumain sa labas ng resto habang minamasdan ang magagandang tanawin.
Nagawi ang aking paningin nang marinig ko ang pagtugtog ng isang gitara at nag uumpisa na silang tumugtog nang paparami nang paparami ang mga taong naririto.
Tinapik ako ni Merylle upang pansinin siya. "Ang guwapo ng vocalista, makikita mo mamaya." Nasa mukha niya ang paghanga nito.
Tinuon kong muli ang mga mata ko sa nag uumpisang pagtugtog ng iba't-ibang mga instrumental. Wala pa naman akong nakikitang vocalista sa may taas ng stage.
"Celestine kumain muna tayo at mamaya ka na muna mag emote riyan."
Napalingon ako sa nagsalitang si Merylle. Sa gulat ko nang makitang kay dami ng kan'yang inorder na nakalapag sa mesa namin.
"Ang dami nito ha. Kaya ba nating ubusin 'to eh tayo lang naman dalawa?"
Kunot noong tumingin siya sa akin. "Haler!" halos lumaki ang dalawang mata niya. "Wala ba ako nasabi sayo kaninang nasa parlor tayo na may imimeet ako ngayon? Naku frenie ha, tatanda ka na niyan sa kakaisip mo. Hmmmmm..."
Nasapo ko ang aking noo dahil sa nakaligtaan kong may kikitain pala siyang pinsang babae na isang modelong sikat na galing pa sa ibang bansa na ngayon ay kararating lang at paborito daw niya lahat ng mga ito kaya napaorder siya ng madaming pagkaing seafoods.
"Asan na ba siya?"
"Nariyan na 'yon. Kain na muna tayo habang inaantay natin siya. Gutom na gutom na ko," pag aya nito. Halata ngang gutom na siya dahil sa dami ba namang seafoods na nakalagay sa kan'yang plato.
"Ang baboy mong kumain Merylle," puna ko sa kan'ya habang ako naman ay isa o dalawang seafoods lang ang nakalagay sa aking plato.
"Para pareho tayong baboy kumain. Oh heto pa, para hindi lang ako ang baboy dito."
Panay lagay niya sa aking plato ang iba't-ibang putaheng seafoods sa aking plato halos maging bundok na nga ito sa sobrang dami ng pagkaing nilagay niya.
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at inumpisahan ko ng kumain. Nang matikman ko na ito at nalasahan ang kakaibang sarap ay hindi ko na natigilan ang pagdampot ng pagkain sa aking plato. Mukhang mapaparami ata ako ng makakain ngayon.
Malapit ko ng maubos ang pagkain ko na siyang pagdating naman ng kan'yang pinsan. Para siyang isang artistahin dahil sa angking ganda na taglay nito.
"Nahuli ka na Margarette, malapit na namin maubos 'tong pagkain na gusto mo," wika ni Merylle.
Naupo ito sa katabi ko at nginitian niya ko. "Okay lang, kumain na ko kanina. May kasama ka pala?"
"Siya 'yung sinasabi kong kaibigan ko," turo niya sa akin. "Siya si Celestine Monteclaro," pagpapakilala sa akin ni Merylle na kaibigan ko. Nangunot ang noo ko dahil sa pagbigkas nitong Monteclaro at bakit kailangan pa niyang sabihin ng buo ang pangalan pati apelyedo ng asawa ko.
"Oh! are you married to Ezeckiel Monteclaro?" Takang tanong niya sa akin.
"Oo," saka tipid akong ngumiti sa kan'ya. Nahiya pa ko dahil kilala niya ang aking asawa. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kan'ya. Isa siyang sikat na mayaman at may angkin itong kagwapuhan na tinataglay.
"Hoy Sanya, huwag mo siyang huhusgahan ha. Masasapak kita kahit pinsan pa kita," banta ni Merylle sa pinsan niya. Pinanlikhan din niya ng mata ito.
"No hindi ako ganoon, kaya pala todo kung makakapit 'yung babaeng higad sa asawa mo. I see them at narito silang dalawa," gigil niyang sabi. "Kung ako lang siguro ang nasa sitwasyon mo, kakalbuhin ko ang bruhang yan o kaya ipapakulam ko," banat niya pang sabi.
"Hay grabe ka pala magalit noh, mabuti at hindi ako 'yung babaeng 'yon," sabay irap sa kan'ya ni Sanya.
"Sira ka talaga kahit kelan," pangbabato niyang salita kay Merylle. Wala talagang kapreno preno ang bunganga ni Sanya dahil sa matapang siyang babae.
Well tama naman siya sa kan'yang tinuran. Masyado na ata akong mabait kaya nahayaan kong magtagumpay si Eloisa sa kan'yang binabalak. Kung ibabalik ko pa ang dati kong pag uugali ay baka mas masakit pa ang ibabato sa akin ni Ezeckiel at pinatuyan ko lang sa kan'ya na ganoon nga ako gaya ng paghahalintulad sa maruming babae.
"Bakit mo hinahayaan na magkasama sila? Bakit mo hinayaang siraan ka ng ganoon lang kadali?" diretsahan niyang tanong. Para akong nabato sa kinauupuan ko dahil sa sunod sunod niyang mga tanong.
Wala akong maisip na isasagot ko mula sa mga tanong niya. Naikuyom ko bigla ang dalawa kong kamao. Nagising ako sa lahat ng kan'yang mga tinuran. Aahon akong muli at sisingilin ko din ng malaki si Eloisa. Papatunayan kong isa akong malinis na babae. Ipapamukha ko din sa kan'ya lahat ng panglolokong ginawa niya sa akin dahil sa pananamtala niya sa kabaitan ko.
If she's a b***h, I'm even more of a b***h than her. Total hihiwalayan na ko ni Ezeckiel as soon as possible dahil ayaw na niyang dalhin ko pa ang apelyido niya sa pangalan ko. Magsaya ka ngayon Eloisa dahil babangon ako't maghihiganti sa mga kasalanang ginawa mo sa 'kin.
"Are you alright Celestine?" alalang tanong ni Merylle. "Gusto mo na bang umuwe?"
Sasagot sana ako nang may bumulabog na tawa sa gawi namin at napalingon kaming tatlo. Naningkit ang aking mga mata nang makita kong mapagsino ang mga ito.
"Ang haliparot na mang aagaw," walang takot na sabi ni Sanya. Napalakas ng pagkabigkas niya kaya sumugod sa gawi namin si Eloisa. Masama akong tinignan ni Ezeckiel nang magtama ang aming mga mata. Agad akong sinabunutan ni Eloisa na mapansin niyang narito ako.
Napatayo ang dalawa kong kasama at agad nila akong sinaklolohan. Hinawakan agad nilang dalawa ang kamay ni Eloisa upang mabitawan niya ko agad sa higpit niyang pagkakahawak sa aking buhok.
"Hey you two, stop!" pagpapatigil ni Ezeckiel. Ngunit hindi nakinig ang dalawang magpinsan.
"Pagkakataon mo na Celestine para paghigantian ang babeng haliparot na ito," bulalas na sabi ni Sanya.
Tumingin ako sa gawi ni Ezeckiel na matalim ang pagkakatitig niya sa akin. Halos kamuhian niya na ko sa paninitig niyang 'yon. Napailing ako sa dalawang magpinsan at napatakbo na lang kung saan saan makalayo lamang sa kanila.
Hindi pa ito ang tamang panahon para maghiganti. Iipunin ko muna ang aking lakas at saka ko sila haharapin kapag handa na ko at kaya ko ng harapin si Ezeckiel na hindi lumuluha sa kan'yang harapan.
Iniwan ko na lang basta ang dalawang magpinsan na si Merylle at Sanya Margarette na hindi na nagpapalam sa kanila. Nauna akong umuwe at sa condo muna ako magpapalipas ng sama ng loob sa asawa ko.