Chapter 10: Am I?
*Eury's POV
Mag-gagabi na nag-aayos na kami ni Savajnah para kuhanin yung mga iba't-ibang klase ng baril kina Mr. Bradley.
Sumakay kami sa kotse ko at nagtungo sa napag-usapang lugar kung saan ibibigay yung mga baril. Pero bago kami pumunta don naisipan kong dumaan muna sa bahay namin dati kung saan nakatira ang mga magulang at kapatid ko malapit lang naman kasi yun sa lugar na napag-usapan namin nina Mr. Bradley.
Pagdaan namin doon sa bahay nakita kong iba na ang nakatira doon wala na ang mga kapatid ko at mga magulang. Minarapat ko ng bumaba upang tingnan at maitanong na rin kung nasaan na ba ang mga kapatid ko.
Si Savajnah ay busy sa loob ng kotse , nakikipagchat na naman sa kanyang mga lalaki gamit ang phone at parang kilig na kilig, kaya ako na lang ang bumaba.
"Mawalang galang na po. Pwede po bang magtanong? Nasaan na po ba yung mga dating nakatira dito?" Tanong ko sa isang matanda na nagbabantay ng isang maliit na tindahan sa may gilid ng kalsada.
"Wala na sila diyan umalis na. Nabili na yata ang lupa na yan." Tugon saken ng matandang babae.
"Alam mo ba, may naghahanap din sa kanila kaninang umaga. At sabi niya pa siya daw yung totoong ina ni Eury. Yung batang napulot nung mag-asawang dating nakatira diyan." Sabi nung isang babae na bibili sana pero nakisawsaw na rin sa usapan.
"Saan mo naman nabalitaan yan Imelda?" Tanong sakanya nung matandang nagtitinda.
"Nabalitaan ko lang sa mga matatabil ang dila diyan sa kanto. Pabili nga ako Aling Sena ng isang boteng toyo at suka." Sagot sakanya nung babaeng sumulpot na lang bigla.
"Excuse me po, so sinasabi niyo po ba na ampon lang si Eury?" Sinubukan kong makisiksik sa kanilang usapan.
"Napulot lang nila yun si Eury, at sa pagkakaalam ko lumayas ang batang yun ilang taon na rin ang nakalipas. Hindi ko lang alam kung ano ang rason niya kung bakit siya naglayas." Tugon nito sa aking katanungan.
"Teka, bakit mo sila hinahanap hija? Kaano-ano mo ba sila?" Tanong nong babaeng nagtitinda sabay binigay niya na yung bote ng toyo at suka sa bumibili.
"Ah dating kaibigan lang po nila ako. Sige mauna na po ako. Maraming salamat po." Sabi ko sa kanilang dalawa at naglakad na rin ako pabalik doon sa kotse.
Ang kaibigan ko ay busy pa rin sa pakikipagchat sa mga boys niya noong pagpasok ko sa kotse. I drove the car thinking a lot of things.
Totoo ba na hindi talaga nila ako anak? Na ampon lang ako? Kung ganon nga sino ang totoong mga magulang ko? Nasaan sila bat din nila ako pinaampon at pinabayaan?
Naalala ko, meron daw naghahanap saken at sabi niya siya daw ang totoong ina ko. Ang impormasyon na yan ay galing doon sa isang babae.
Dapat ko ding alamin ang katotohanan, gusto kong malaman kung sino talaga ang aking mga magulang.
Pagdating namin sa lugar kung saan kami magkikita nina Mr. Bradley naging maayos naman ang lahat pumirma kami bilang isang patunay na nakuha na namin ang mga baril.
Pagkatapos noon ay umalis na rin agad kami bago pa may mga dumating na pulis at hulihin kami.
Nagpahatid si Savajnah sa isang bar makikipagkita daw siya doon sa lalaking kachat niya. *sigh* alam na kung anong gagawin niya. Makikipag-ano na naman siya. Walang kasawaan. Wala na talagang Maria Clara na nag-aantay sa azotea ngayon, puro na Maria Osawa.
Ako hanggat meron akong choice iniiwasan ko ang makipagtalik baka pag nagkamali ako ay mabuntis na lang ayoko pang maging ina. Gusto ko pagnangyari yun meron na akong stable na trabaho para maibigay lahat ng kailangan ng magiging anak ko. Ayoko na isipin niya na naging malas siya sa ina niya. Gusto ko maramdaman ang pagpapasalamat dahil ako ang naging ina niya.
Hindi ko na sinamahan si Savajnah, kaya niya na ang sarili niya malaki na siya. Kaya niyang protektahan ang sarili niya.
Umuwi ako sa bahay , nakita ko si Dad na papasok sa office niya sa bahay. Masyado talaga siyang masipag kaya ang yaman-yaman niya.
I couldn't sleep during that night. There were lots of questions rotating and circulating inside my mind. Who Am I? I didn't know myself. I didnt know my real name, my real parents, my real identity. Sino ba talaga ako? Hindi ko kilala ang sarili ko. Sa labing walong taong pamumuhay ko sa mundo hindi ko man lang alam kung saang lugar ba ako nararapat.
Andami ko namang problema sa buhay. Ano bang ginawa kong mali at ganito ang nangyayari sa kapalaran ko. Sinusubukan ko namang maging mabait at gawin ang tama. Ayos na sana ako , nalaman ko pa kasi na may magulang akong naghahanap saken. Hindi tuloy ako mapakali ngayon. Ako na mismo ang maghahanap ng kasagutan.
Kinaumagahan medyo inaantok pa ako, mukhang eyebags pa more ang kinahantungan ko. Wala akong maayos na tulog at kelangan ko pang pumunta sa academy. Pagkuha lang ng baril ang nagawa ko kahapon.
*phone ringing
May nagtext sa phone ko. Sino kaya? Baka si Savajnah, nagtext na naman siguro na magkita kami para maikwento niya saken kung anong mga nangyari sakanya kagabi.
"Eury punta ka sa bahay, mga 1pm. -Mr. Oxales" nang mabasa ko yun agad na naman akong nanghina alam ko na kung ano gagawin namin. Mas mapapagod pa ako nito. ~.~
Ano pa nga ba ang magagawa ko kelangan kong pumunta. Hindi na muna ako pumunta sa Academy. Tumambay muna ako doon sa sarili kong business at hindi ito illegal ha, nagbebenta ako ng mga products na pampaganda at mga damit. Hindi ito alam ni dad. Naninigurado lang ako dahil hindi habang buhay nandiyan si dad para tulungan ko. Kailangan ko ring tumayo sa sarili kong mga paa.
Tinutulungan ako ng kaibigan kong si Trisha sa pagpapatakbo ng negosyo ko. Marami na ring umuorder nang mga produkto samen.
Ang ibang mga nagtatrabaho don ay mga babaeng palaboy tinulungan ko sila magkaroon ng trabaho kasi pagbinigyan ko sila ng pera hindi sila matututong magsumikap para sa sarili nila at least ngayon meron silang stable na work to help their family.
"Trish kumusta naman ang sales?" Tanong ko sakanya, nasa loob siya ng office niya ngayon using her laptop. Hindi pa naman ganun kalaki ang kompanya pero alam ko darating ang panahon magiging kilala pa ang produkto namin. Basta magsumikap lang ako.
"Ayos naman ang sales Eury. Pero may mga naghahanap sayo. Mga may-ari ng malalaking company gusto ka lang daw nila makausap." Tugon saken ni Trish, halata naman sa mukha niya na maayos ang lahat.
"Good morning po ma'am!" Maligayang bati saken ng isang empleyado. Mas matanda siya saken. Maayos naman ang pakikitungo ko sa kanila. Masaya akong natutulungan ko sila.
"Good morning din po." I replied to her flashing a wide briliant smile.
Nakwento niya saken non na nabuntis siya at iniwan ng kanyang boyfriend. Naging matapang siya, hindi niya pinalaglag ang kanyang anak at itinagayod niya ito ng mag-isa. Yun daw kasi ay regalong anghel mula sa poong maykapal. Ngayon okay na rin ang pamumuhay nilang dalawang mag-ina.
Patuloy akong naglakad at kinumusta lahat ng taong nagtatrabaho.
"Hello po. Ok na po ba yung anak niyong may sakit?" Tanong ko kay Lyra , nakilala ko siya habang siya'y naglalako ng mga paninda, inaalok ako kahit nasa loob ako ng sasakyan.
Maganda ang relasyon ko sa mga taong nagtatrabaho saken kaya wala ako masyadong problema pagdating sa negosyo ko.
Mga 1:30 pm na bago ako pumunta kina Mr. Oxales sinadya ko talagang mag-antay siya. Alam kong magiging matagal ang labanan namin sa kama. Inihahanda ko na ang aking katawan sa mga pwedeng mangyari mamaya. Naisip ko na rin na pwede kong magamit si Mr. Oxales para mas mapalago pa ang negosyo ko at mas makatulong pa sa ibang tao.
Pagkapasok ko sa bahay ni Mr. Oxales agad niya akong dinala sa kwarto. Init na init agad siya. Nakita kong nakabukas ang TV at nanunuod yata siya ng porn, kaya naman pala.