Chapter 6: Sibling
*Eury's POV
Mula sa malapalasyong bahay ni Mr. Oxales, sumakay ako sa aking pulang kotse, mag gagabi na, kita na ang pagdilim ng kalangitan, aking nadaraanan ang mga naglalakihang gusali na kitang-kita dahil sa liwanag nito, mga sasakyang naglalabas ng pula at dilaw na liwanag at mga street light. Kaya naman ang kalsada ay maliwanag kahit bumaba na ang araw. Napansin ko lahat ng iyon dahil mabigat ang traffic, mabagal ang pag-usad.
Ako kaya? Kelan magkakaroon ng street light ang madilim na daan na tinatahak ko? Parati na lang akong mali ng pinupuntahan, nadarapa sa kung sino-sino lang.
Isang oras din akong nagmaneho ng aking sasakyan upang makabalik sa aming bahay at maibigay na ang mga papeles na hinihingi ng aking ama-amahan.
"Dad, here are the documents." Sabi ko sakanya nang makapasok ako sa opisina sabay bigay ng dokumentong nakalagay sa brown envelope.
"Thank you Eury." Mahinang pagkakasabi niya, kinuha mula sa kamay ko ang envelope at iniikot ulit patalikod ang swivel chair.
After I gave her the documents he was asking, I went back to my room and rest.
When I was lying on my soft queen size bed my phone rang, so I suddenly stood up. Baka si Mr. Oxales na naman 'to at namiss niya agad ang makatabi ako sa kama.
I answered the call...
"Eury! Lets go clubbin'!" Wika galing sa kabilang linya. Sino pa ba naman ang gustong parating nasa club kundi ang kaibigan kong si Savajnah.
"Dont worry its my treat." Pamimilit niya pa saken.
So, ano pa nga ba? Since I already get back my strenght mula sa pagpapahinga kanina pumayag akong sumama sakanya. Pupunta kami sa club kung saan maraming ganap.
Si Savajnah kasi, siya na yung naging kaibigan ko simula no'ng pinatira ako ni dad sa bahay nila. Ang daddy niya at ang ama-amahan ko ay matalik na magkaibigan.
I wore my black cocktail dress and make up. Lipstick na pula na sobrang kapal, silver necklace with topaz hanging in the middle, ito'y nasa gitna din ng cleavage ng aking dibdib. Hindi na ako nagpaalam kay Dad since nasa right age na rin naman ako. I'm 18 but I looked like 20+ they say. Ako'y pinatanda ng karanasan --- ng malupit na karanasan.
Papasok na kami sa club kung saan pinupuntahan ng mga mayayamang kabataan,mga anak ng businessman. May dalawang matipunong bouncer na nakasuot ng itim na T-shirt ang nakabantay sa labas ng pintuan.
May nakita rin akong isang batang lalaki na kinakalkal ang mga mabahong itim na bag ng basura, iniipis, inuuod, parang may hinahanap siya sa loob ng mga ito. Sa liwanag na nagmumula galing sa street light nakita ko ang bata na kumakain ng inaamag ng tinapay mula sa basurahan. Ang batang lalaki ay nakasuot ng gula-gulanit na damit, napakarumi niya masasabi kong isa siyang pulubi. Sa pagkagat niya ng tinapay kinuha ang atensyon ko ng itim na bracelet na suot nong bata sa kanyang kanang braso. Namilog ang aking mga mata, parang kinurot ang aking puso dahil siya ang nakababata kong kapatid. Nakilala ko siya dahil ako ang may gawa ng bracelet na suot-suot niya mapahanggang ngayon at sa balat niya sa braso na may kakaibang hugis.
Hinila ko ang kamay ni Savajnah at lumapit kami sa kapatid ko.
"John,este bata nasaan ang mga magulang mo?" Muntik ko na siyang matawag sa totoo niyang pangalan. Alam kong hindi niya na ako makikilala dahil sa iba na ako ngayon mag-ayos. Sa makapal na red lipstick ko at make-up, buhok na may highlights at naging mas maputi na rin ako.
"Ano ba! Eury bat kinakausap mo ang mabaho at nakakadiring batang yan? Tara na!" Maarteng pagkakasabi ni Savajnah habang nakatakip ng ilong.
"Sandali lang ito." Tugon ko.
Nakatitig ako sa mga mata ng kapatid ko, kagaya ng dati ang kanyang mata'y nangungusap at mapupungay pa rin.
"Nasa bahay po sila, pinabayaan na po nila kami ng mga kapatid ko. Teka kapatid ba kita? Kamukha mo kasi siya." Sabi nito saken at tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan, pinagmasdan ako mula ulo pababa.
"Pero mukhang malabo, hindi naman ganyan mag suot ng damit ang mahal na mahal kong kapatid." Sabi ni John, halos tumulo ang luha ko sa sinabi niyang iyon, kahit na iniwan ko sila mahal na mahal niya parin pala ako. Lumuhod ako at niyakap siya ng mahigpit, ngayon ko lang ulit siya mayayakap makalipas ang ilang taon.
"Siya nga pala yung gumawa ng bracelet na'to. Ito yung pinaka-iniingatan kong bagay sa buhay ko." Halata pa rin ang saya sa kanyang mukha at pinakita niya saken yung itim na bracelet na suot niya na ako ang may gawa.
"Alam mo,miss na miss ko na siya, gusto ko na ulit siyang makita at mayakap. Gusto ko sabihin sakanya na nag-aantay ako at Maaaahaaal na maaaahaaaal ko siya." Sa puntong iyon, pinipigilan ko na talagang tumulo ang luha ko. Nakayakap pa rin ako sakanya at hinahayaan lang siyang magsalita.
"Sana nasa mabuti siyang kalagayan ngayon. Yun lang ang paulit-ulit na pinagdarasal ko kay Papa Jesus sa tuwing matutulog ako sa gabi." Habang nagsasalita siya, hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha pababa sa aking mukha.
Wala akong kwentang kapatid, iniwan ko sila para sa pansariling kapakanan, pinabayaan ko silang maging ganito, palaboy, sa basura lang umaasa ng pagkain at walang maayos na damit.
Hindi nila ako nakikitang umiiyak kasi nakatalikod ako sa kanila. Marahan kong pinupunasan ang masaganang pag-agos ng tubig mula sa aking mga mata.
"Alam kong mahal na mahal ka rin ng kapatid mong yun." Sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Mukhang hindi, kasi iniwan niya kami ng hindi man lang nag-paalam. Kung ginawa nya yun eh di sana sumama ako sakanya. Pero ok lang, iniwan niya man kami ng mga kapatid ko hindi ako nagtanim ng galit sakanya." Dagdag niya pa. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat salita na sinasabi niya.
"Eury tama na yan! Pumunta na tayo sa loob!" Painis na sabi ni Savajnah.
"Bata, ito ibili mo ng pagkain na gusto mo. Kahit anong mangyari wag kang magnanakaw ha." Pamamaalam ko sa bata habang ako'y nakangiti sakanya. Binigyan ko siya ng isang libong piso para makabili ng pagkain at nang mapawi ang gutom niya at ng kanyang mga kapatid. Malugod rin naman siyang nagpasalamat.
Iniwan namin siya na nandun pa rin sa kumpol ng mga basura, habang kami'y naglalakad papasok, ang anim na taong gulang na si John ay kumakaway-kaway pa sa amin. Bakas sa kanyang mukha ang sobrang kagalakan.
"Eury! Magperfume ka nga!! Baka layuan tayo ng boys sa loob." Utos sakin ni Eury nang makalagpas na kami sa mga bouncer.
(HALF OF CHAPTER VI) Gonna update this later...
**************
Chapter 6 (the other half)
*Eury' POV
As we entered the club, we saw party people dancing with the loud upbeat music, the blue light was dominant even the different colors of light were ubiquitous.
May nakita kaming nag-iinuman at lasing na lasing na mga babaeng nakikipaghalikan sa mga lalaking nakaupo sa may gilid. Ganito din ang buhay ng ibang mayayaman, nakikipaglandian, nakikipagsocialize sa mga tao gamit ang kakaibang paraan kaya huwag silang nagmamalinis.
"Eury lets join my new friends! Nandun sila sa separated na kwarto." Paanyaya saken ni Savajnah at nauna na siyang naglakad patungo dun sa kwarto kaya sumunod na rin naman ako. Aking dinaanan yung mga nagsasayaw, mga teenager sila at sa tingin ko ay kaedad ko.
"Would you mind to dance with us babe?" Tanong sakin noong isang lalaking may hikaw na itim at nakapolo na color blue. Nakangiti siya saken at mukhang lasing na siya.
"Sorry, but I have to be with my friends. They are looking for me. Maybe I can dance with you later." Malumanay kong sabi sa kanya at nagmadali na rin ako papunta sa kwarto kung saan pumasok si Savajnah. Buti na lang talaga at hindi ako kinulit nong lalaki.
"Antagal mo naman Eury! Sila yung mga bagong friends ko I met them here." Sambit ni Savajnah pagkapasok ko sa pintuan nakakita ako ng tatlong lalaki na nakaupo na sa sofa. Mapuputi sila at mukhang mayayaman din sila.
"Sorry, may lalaki kasing humarang saken at niyaya akong sumayaw kanina." Tugon ko at naupo na rin kami sa tabi nong mga lalaki.
"Ang gagwapo nila no?" Bulong sakin ni Savajnah.
Tinitigan ko isa-isa yung mga lalaki. May isang mala-James Reid ang mukha.
"C'mon lets drink!" Paanyaya nong lalaking makapal ang kilay at medyo nakatayo ang buhok.
Habang kami'y nag iinuman pinakilala nila ang kanilang sarili saken. Mga disente silang tingnan at mukhang mababait. They are Matthew, Josh and Reiven. Kung anu-anong pinagusapan namin tungkol sa pamilya nila at syempre sa lovelife din. Wala daw silang girlfriend pero hindi naman ako naniwala. Sa gwapo nilang yan maraming mga babae ang mahuhumaling sa kanila.
Lumalim pa ang gabi at kaming lahat ay unti-unti na ring nalunod sa kalasingan. Dumating pa yung time na hinihipuan na nila kaming dalawa ni Savajnah. Parang inaantok na ako pati na rin yung kaibigan ko. Mukhang nilagyan nila ng sleeping pills aming iniinom namin.
Maling kaibigan ang napili ni Savajnah, hindi sila mabubuti at parang may balak pa silang masama sameng dalawa ng kaibigan ko. Hindi mo talaga malalaman kung mabubuti ba ang taong nakakasalamuha sa pagtingin lamang sa pisikal na anyo. Mabilis kaming naniwala sa mga taong hindi namin lubos na kilala.
Gusto ko mang lumaban paunti-unti na ring sumasara ang aking mga mata. Nararamdaman ko ang pagdampi ng mga labi ni Matthew (yung kamukha ni James Reid) sa aking mukha. At yun nalang yung pangyayaring nakita't nasaksihan ko dahil ako'y nakatulog na sa malambot na sofa.