Chapter 24: Hide & Never Seek II *Savajnah's POV* Hindi pa rin kami nakakapag- isip ng plano kung ano ang dapat naming gawin para makaiwas sa karahasang nangyayari, pero napagdesisyonan namin na magsama-sama na lang muna kami upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa habang nag-iisip ng mas mabisang plano. *phone ringing* "Pa--tay na------ si-----Faith." nauutal-utal na wika ng nanay ni Faith habang umiiyak, ang alam niya din kasi ay nandito sa bahay namin si Faith subalit hindi naman talaga hindi siya nag papigil na lumayo at pumunta ng probinsya. Ang akala namin ay nag paalam siya sa magulang niya ngunit hindi pala. Hindi rin ako nakapag salita agad nong marinig ko ang mga katagang iyon. Nakaloud speaker yung phone ko at narinig din ng iba Kong kasama sa loob ng bahay ang nangyari

