Chapter 36: Pact *Third Person's POV Nakatulala at nakatingin ng diretso sa asul na alapaap, si Aimunn ay nakatayong muli malapit sa bintana ng kanyang kwarto kung saan tanaw niya ang malawak na paligid. Ang ihip ng hangin ay malumanay na hinahawi ang kanyang buhok, iniisip na nasa tabi niya ang kanyang ama at sa pamamagitan ng hangin ay hinahaplos siya nito. Mag-isa lang siya sa bahay at walang kasama, wala na siyang ka tulong mas ninais niyang mapag-isa. Iniwan niya ang bangkay sa loob ng kwartong iyon, ang kwarto kung saan pinaslang niya ang babae ng dahan-dahan na parang isang hayop, ngunit wala siyang pangamba dahil si Jeff na ang bahala sa patay na katawan ni Athena. Wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula kay Jeff o di kaya'y kay Clark. Ang dating walang pakialam sa celfon

