Chapter 40: Saviour *Third Person's POV* -After 2 days- "Eury, lagay mo na lahat ng gamit mo sa likod, dito ka na sa tabi ko maupo." utos ni Pierce sa kanyang kapatid, na nag-aayos at naglalagay ng gamit niya sa loob ng sasakyan. "Sige Pierce. Sure." Hindi bukal sa loob na sagot ni Eury. Sila'y naghahanda na sa pag-alis upang pumunta sa Bicol at mag-enjoy sa mga baybayin at karagatan na naroroon. "Ang dami mong dala, di tayo titira don, we will just be staying for 1 week." Saad ni Pierce habang nakangisi at kumakamot ng ulo nakatingin sa patung-patong na gamit ni Eury na nasa likod ng sasakyan. "Since, tayo lang dalawa minarapat ko ng dalhin lahat ng kailangan ko." tugon ng dalaga habang inilalagay ang ibang gamit niya sa upuan ng sasakyan sapagkat hindi na kasya ang mga iyon sa

