Chapter 42: End *Eury's POV* -After 5 days- Ngayon ay nakakausap na namin ng maayos si Jeff, napag-alaman ko na siya ang nag-iisang anak ng isa sa mga Mafia Founders, kaya hindi na ako nag taka kung bakit sobrang yaman nila. Kinausap ni Jeff ang kanyang ama na ipaligpit si Mr. Sie kahit alam niyang galit sa kanya ang kanyang tatay nong nalaman nitong ang anak niya ay umibig sa isang lalaki. Pinahanap ng kanyang ama si Mr. Sie sa Crucifix Six ngunit napag-alamang lumipad na ito patungong ibang bansa. Marahil ay nalaman niya agad na hindi siya titigilan ng mga Mafia kaya ay minarapat na lamang nitong umalis at magpakalayo-layo. "Eury, samahan moko punta tayo sa mall, ikaw Eury san mo ba gustong pumunta, treat kita." wika ng kapatid kong si Aimunn, siya'y nasa loob na ng kanyang itim n

