"BELLE"
Lumipat kami sa pool area pagkatapos naman magpalit nang pampaligo. Naka one piece swimsuit ang suot ko at pinatungan ko nang maiksi na short na cotton para kumportable padin kumilos. Litaw na litaw ang kaputian at makinis kong balat, pati ang bilugang hita ko ay nakalabas. Pero okey lang kami kami lang naman ang nandito, kaparehas ko nang suot ang mga kaibigan ko, tulad ko makinis din ang balat nila at mapuputi, may taglay din silang kaseksihan na hindi din papahuli. Sabay sabay kaming magkakaibigan na lumusong sa pool naglalaro kami ng pasahan nang bola habang nakababad sa tubig.
"Ohhh nasa langit na ba ako bakit nakikita ko sa paligid ang naggagandahang mga anghel." Biro ni Vince.
"Kay gaganda namang anghel na yan, lalo na yong anghel na malaman."Asar ni John kay Trixie.
"Haha! mga bolero, kumalma kayo, kami lang to." Wika ni Kate.
"Tingnann mo yong laway mo John tutulo na, wag ka masyado pahalata na patay na patay ka sakin." Wika ni Trixie.
Napapailing nalang ako sa mga biruan nila. Kapag talaga ngsamasama ang mga kaibigan namin ni Casper di maiwasan yong mga ganitong eksena.
"Belle bakit ang tahimik mo?" Tanong sa akin ni Cas.
"Hindi naman madami lang ako iniisip kaya tahimik ako." Wika ko kay Cas.
"Tara guys laro tayo " Truth or Dare"."Suhesyon ni Trixie.
Sabay sabay kami umaahon sa pool at naupo sa bermuda grass. Medyo nahihilo na din ako sa dami nang nainom namin kahit sabihin mong ladies drink lang ito. Ramdam ko nadin ang pangangapal nang mukha ko dahil sa mga nainom ko. Kahit si Trixie alam ko may tama na ito kasi medyo maingay na at gumagaslaw na ang kilos.
"Let's start"sabay sabay na wika namin.
Pinaikot na ang bote ni Vince, ang mabilis na pag ikot nang bote ay unti unting bumagal hanggang sa matapat ito kay Trixie.
" So Trixie Truth or Dare." tanong ni Vince.
"Syempre Dare!" matapang na sagot ni Trixie.
"Hmmmm Lap dance mo si John dapat sexy sabay halik sa gilid nang labi niya." Utos ni Vince kay Trixie.
Mabilis na tumayo si Trixie at unti unting iginiling ang kanyang balakang, kahit na malaman ito makikitaan ito nang lambot nang katawan at galing sa pagsayaw. Dahan dahan niya iginiling ang katawan, akyat pababa ang ginawa niya habang hawak niya ang dibdib ni John. Kitang kita ang magandang pangangatawan ni John. Butil butil na pawis ang nakita ko na namumuo sa kanyang noo. Matapos ang pagsasayaw ni Trixie hinalikan niya ang gilid na labi ni John ngunit parang sinadya ni John siilin nang halik si Trixie dahil sa pagsayaw nito sakanya.
"Hoooooooo! tandaan mo Trixie sa akin kalang, nalawayan na kita." Wika ni John kay Trixie.
"How dare you! you stole my first kiss."wika ni Trixie sabay sampal kay John na tila nawala ang pagkalasing dahil sa ginawamg paghalik sakanya.
"Last time na sasampalin mo ko, I'll swear ikukulong kita sa kwarto ko para madala ka." pananakot ni John kay Trixie.
Tinuloy ni John ang pag spin ng bote, sa pagkakataon itong natapat ang bote kay Kate.
"Truth or Dare?" Tanong ni John sa kapatid.
"Truth lang ayoko nang dare baka ano ipagawa niyo sakin." Wika ni Kate.
"Ano masasabi mo kay Vince, nakikita mo ba siya bilang boyfriend material?" tanong ni John kay Kate.
"Honestly, ayoko kay Vince, bukod sa babaero siya, nakikita ko na masasaktan lang ako sakanya kapag naging jowa ko siya. Ayoko sakanya kasi baka masira ang kinabukasan ko, mukhang mahilig siya sa s*x, kawawa naman ang kabibe ko malalasog lasog nang walang kalaban laban.Hindi ko nakikita na boyfriend material si Vince kasi maloko siya at hindi marunong magseryoso."Sagot ni Kate na hindi inaalis ang tingin kay Vince, habang si Vince ay tila natuod sa mga binitawanang salita ni Kate.
" Yan ang Kapatid ko,narinig mo yan Vince. Kaya sorry ka nalang hindi ka type nang kapatid ko."natatawang ani ni John.
Pinaikot ni Kate wng bote at nagulat ako nang sa akin tumapat ang bote halos manlaki ang mata ko sa gulat.
Patay na anong pipiliin ko ayaw ko nang truth dahil natatakot ako sa itatanong nila. Dare nalang ang pipiliin ko para utusan nalang ako.
"Whynne Belle sa wakas sayo din tumapat ang bote. Truth or Dare." Tanong ni Kate sa akin.
" Dare nalang baka ano pa itanong mo sakin at matanong mo ang hindi dapat."wika ni ko Kay Kate.
" Ano ba pwede ko iutos sayo,hmmm kiss mo nalang si Casper mula sa Mukha pababa hanggang puson.Yan ang utos ko."Wika ni Kate sa akin.
Gulat na gulat ako sa inutos niya, shocks! ni wala nga akong alam sa halik tapos hahalikan ko pa ang mokong na to. Dahil no choice na ako ginawa ko nalang ang inuutos ni Kate sa akin.Lumapit ako kay Casper at pumantay sakanya. Napabuntong hininga nalang ako sa gagawin ko. bahala na bukas.
" Relax kalang Belle dahan dahanin mo lang,isipin mo nalang na boyfriend mo ang hinahalikan mo."Wika ni Casper na nagpanindig sa balahibo ko dahil sa init nang hininga niya na tumatama sa mukha ko.
Dahan dahan ko inilapit ang mukha ko sakanya at hinalikan ang kanyang pisnge pababa sa kanyang leeg, napakislot pa siya sa ginawa kong paghalik, ramdam na ramdam ko ang init na lumalabas sa kanyang katawan, muli ko lng ibinaba ang halik ko sakanyang leeg habang sa dinampian ko nang munting halik ang kanyang dibdib pababa sa puson niya. Natapos ko ang dare na pinagawa sa akin nang maayos. Nakita ko si Casper na titig na titig sa akin, napayuko nalang ako dahil hindi ko kayang salabungin ang kanyang mga tingin.
"Oha! oaha! it was so intense, sana ganon din ang gawin ko kapag natapat sa akin." Nakakalokong sambit ni Vince.
Pinaikot ko ang bote, at tumapat kay Casper ang bote. Nakatitig lang siya sa akin na parang kay lalim nang kanyang pinahihiwatig sa bawat tingin niya sa akin. Ang totoo naninibago wko sa mga kilos niya nitong mga nakaraang araw, naiilang ako sakanya.
"Truth ang pipiliin ko." narinig ko nalang na sinabi niya.
"Ako nalang qng magtanung kay Casper Belle may gusto kasi akong itanong." Wika ni Trixie.
"Sige Trix ikaw na." sagot ko sakanya.
"Okey Casper ito ang tanong ko, may nagugustuhan kana bang babae sa campus.?" tanong ni Trixie kay Casper na titig na titig sa akin.
"To be honest Yes, at hindi ko lang siya gusto kundi gustong gusto ko siya, feeling ko nga mahal ko na ang taong yon, Gusto kong ipagsigawan kong sino siya, kaso alam ko na matatakot siya, pero hinanda ko na ang sarili ko magtapat sakanya sa araw nang event nang Intramurals. Ipagsisigawan ko kong gaano siya kaimportante at mahal na mahal ko." pahayag ni Casper.
"wait lang guys c.r lang ako ituloy niyo muna." Wika ko sakanila.
Mabilis kong pinunasan ang luha na pumatak sa mukha ko, nasasaktan ako na malaman na may ibang mahal at gusto na ang kaibigan ko. Ang tagal kong tinago ang nararamdaman ko sakanya pero ngayon parang hindi ko makakaya na may iba na siyang gusto.
Nagulat nalang ako nang may yumakap sa akin. Nakita ko yakap na qko ni Casper at pinupunasan niya ang luha ko na nagkalat sa mukha ko.
" Bakit kaba umiiyak, may masakit ba sayo?"Tanong ni Cas sa akin.
" Wala naman, napuwing lang yong mata ko kaya naluha ako." Pagdadahilan ko sakanya.
"Hindi ako naniniwala sayo Belle sa tagal nating magkaibigan Kilala na kita.Wag ka nang iiyak ayoko na makita kang umiiyak,alam mo kong gaano kita inaalagaan, kaya ayoko na umiiyak ka. Konting panahon pa, salamat Belle kasi ikaw wng kaibigan ko."Wika ni Cas sa akin.
" Huh! anong konting panahon pa? Hindi kita maintindihan."tugon ko sakanya.
Nagulat nalang ako hinalikan niya ang mukha ko at isang ngiti ang binigay niya sa akin bago niya ako iwan. Pulang pula ang mukha ko sa ginawa niya, diko lubos maisip ano pa ang pinaplano at binabalak niya.Naiwan ako na puno nang katanungan sa mga pinahihiwatig niya...