Chapter 3 - Selos -

1176 Words
"CASPER" Naglalakad kami nang mga kaibigan ko patungo sa canteen, nagulat nalang kami na madami estudyante ang nagkukumpulan sa labas nang canteen na tila may inaaway. Habang palapit kami nang palapit nagimbal ako nang makita ko si Belle na binubuhusan nang tubig nang isang babae. Mabilis akong nakalapit sakanila at tinanong kong anong nangyari, pero wala ni isang sumagot sakanila. Hanggang sumagot ang lalaking katabi nong babae. "Yang babaeng tanga na yan, nabangga niya lang naman ung girlfriend ko and look she ruin her dress." Wika ng lalaki sa akin. "f**k! dahil lang sa dress ginanyan nyo ang kaibigan ko, alam ko hindi niya yon sinasadya at alam ko na huminge naman siya nang sorry dahil hindi niya sinasadya." Sabi ko sakanila habang nakatingin kay Belle na nakayuko lang. "Kahit ano pa sabihin mo tanga yang kaibigan mo." Wika muli nung lalaki. Dahil sa matinding inis ko sakanya ay sinuntok ko siya, kaming dalawa na ang nag-rambulan. Pilit kaming inaawat nang mga kaibigan ko. Nagulat nalang ako na pati si Belle ay nakikipag away nadin marahil ay hindi niya na kinaya ang pamamahiya sakanya. Mabait ang kaibigan ko, hanggang kaya niya magpasensya ay inuunawa niya, wag lang dadating sa punto na hahamakin siya dahil hindi niya ito papalampasin. Dumating ang security nang school at ang dean namin. Pinapunta kami sa opis niya, nagulat nalang kaming lahat na sangkot pati magulang namin ay pinatawag. Hinawakan ko ang kamay ni Belle alam ko na natatakot siya sa mga oras na to, kaya binigyan ko siya nang suporta na nandito lang ako palagi sakanya. Hanggang sa dumating na ang mga magulang namin. Hindi din nakalampas sakanila ang nangyari sa amin at pinagtanggol din kami. Ayaw nang magulang namin ni Belle na hinahamak kami nang sino. Si Belle ay anak ni Tito Cedrick at Tita Hanna parehas nanggaling sa maganda at maayos na pamilya, sa kabila nang karangyaan ay namumuhay sila nang simple dahil nadin siguro mas gusto ni Tita Hanna na tahimik na buhay. Ang kuya ni Belle na si Johan ay nasa Amerika kumuha nang masteral degree nito bilang isang doctor. Ang mga magulang ko naman ay sina Cath at Mhel Felix. Hindi rin papahuli ang pamilya namin ngunit ganoon pa man katulad nila Tita Hanna ay ayaw din ni Mom nang magulang buhay. Sila nga lang ni Tita Hanna ang magkasundo hanggang mag-desisyon sila na bumili nang lupa at magkatabi ang pinatayong bahay. Ganyan sila kaclose kaya hindi mapagkakaila kong bakit bata palang kami ni Belle kami na ang magkasama. Kinabukasan hindi ko padin nasasabi kay Belle na isa din ako sa napili bilang representative nang department nmin sa intramurals. Papunta na sana ako sa Department nila nang harangin ako nang bagong transferee na classmate namin sa Engineering si Yana tulad ko siya din ang napili na kapareha ko sa gaganapin na patimpalak. "Hi Casper, ammmm tatanong ko sana kong ano gagawin natin sa event kong partner ba tayo sa talent o kanya kanya nalang." Wika ni Yana sa akin. "Actually I don't know, may mga changes daw kasi na mangyayaring sa event, I think sa lahat ng kalahok magiging individual na kahit magpartner tayo. It's either ako o ikaw ang manalo depende sa hurado."Tugon ko kay Yana. Napansin ko si Belle na nakatingin sa amin, at ngmamadali nang umakyat sa building nila. Nagpaalam na ako kay Yana na aalis na at susundan ko si Belle sa classroom niya. Ang pinagtatakahan ko asan yon di pumasok sa class niya, may problema kaya yon. Bumalik nalang ako sa classroom ko at naghintay mg next subject doon ko nalang siya pupuntahan at kakausapin. Whynne Belle Gomez, lingid sa kaalaman nang kaibigan ko matagal na akong may gusto sakanya, hindi ko lang maamin sa kanya dahil natatakot ako mawala ang friendship namin. Kong sinu-sino nalang ang nagiging babae ko sa campus para pagtakpan ang nararamdaman ko sakanya. Alam kong gago at torpe ako dahil hindi ko masabi sakanya ang totoong nararamdaman ko. Pero natatakot ako. Nakita ko si Belle at James na masayang nag-uusap at may hawak si Belle na bulaklak, kelan pa nagpaligaw ang kaibigan ko, matinding selos qng nararamdaman ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na puntahan sila. " Belle, bakit wala ka sa klase mo kanina nagpunta ako sa room mo, pero wala ka doon." Wika ko sakanya. "A, e, i, sorry sumama kasi ang pakiramdam ko kanina." sagot niya sa akin. " Kelan ka pa nag-paligaw at may paflowers kapa, di kapa pwede mag nobyo bilin sakin ni Kuya Johan bantayan kita, akina na nga yan at itatapon ko sa basurahan." Saad ko sakanya at hinablot ko ang bulaklak na hawak niya at tinapon. "Ano bang problema mo pre, ano naman kong ligawan ko si Belle masama bang ligawan siya, at sino ka para pigilan siya." Wika naman ng lalaking kasama ni Belle. "Sino ako? Ako lang naman ang bestfriend niyang si Belle at walang pwedeng manligaw sakanya." Galit kong wika sa lalaki. "Tama na please ayoko nang gulo, James please wag mo na patulan si Casper, overprotective lang yan sakin. Casper please kaibigan ko si James wala naman masama kong manligaw siya sa akin, okey lang naman kay mommy basta alam ko ang limitations ko. Two months from now magdedebut na ako kaya hayaan mo na."pakiusap sa amin ni Belle. Tinalikuran ko sila at nagpunta ako sa billiaran na malapit sa tabi ng school alam ko na andun ang mga kaibigan ko. Hindi ko kaya makita si Belle na may kasamang ibang lalaki. Nasanay ako na sa akin lang umiikot ang mundo niya ngayon may epal na, parang naninikip na ang dibdib ko. Nagseselos ako, nakakainis dapat pala umamin na ako noon pa. Ngayong may karibal na qko hindi na ako pwede magpakampante. "Oh bakit nakasimangot si Mr.Hearthrob hmmmm." Wika ni Vince. "Malamang yan, yong kaibigan kuno padin qng problema niyan, ang daming babaeng naghahabol pero duwag pagdating sa kaibigan niya, ayaw pa kasi aminin para matapos na ang problema."Wika naman John. " Paano ko ba malalaman mga Tol kong may gusto sa akin si Belle para doon ako magmove na umamin sakanya." Sagot ko sakanila. " Simple lang sagot diyan eh di pag-selosin mo harap harapan ewan ko lang kong di yon bumigay. "Wika muli ni John. " Bakit di mo gamitin si Yana mukhang lantaran naman ang pagpapakita sayo ng motibo, panay pa cute sayo at halos idikit na buong katawan sayo pag magkalapit kayo. Just give it a shot, Who knows effective pala pagselosin si Belle baka mapaamin mo."Wika ni Vince " Maayos naman pala kayong kausap akala ko may mga kaibigan qko na takas sa mental, for the first time nabigyan nyo ko nang magandang advice, hindi puro kalokohan lang alam niyo, tinalo nyo pa mga takas sa mental magisip minsan. "Asar ko sa dalawa na nakasimangot sa sinabi ko. Maganda ang naisip nang mga kaibigan ko. Let see Belle tingnan natin kong may gusto ka nga ba sa akin o ako lang ang may nararamdaman. Maging akin kalang Belle pangako ikaw ang gagawin kong Reyna nang buhay ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD