HER POV
Hinalungkat ko ang laman ng ref at naghanap ng easy to cook meal para sa akin at para na rin sa amin ni Benedict. Baka sakaling umuwi iyon ngayong dinner.
Pasado alas kuwatro pa naman ng hapon. Mahaba pa ang oras para makapaghanda ako ng maluluto para sa hapunan. Gumawa muna ako ng lettuce salad with apples and cucumber para malamig mamayang dinner.
Ngumuya naman ako ng sandwich with peanut butter habang inihahanda ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Plano kong magluto ng chopsuey at sinigang na isda. Bisaha na ako sa pagluluto ng ganitong putahe dahil lage akong tumutulong kay nanay Fely sa pagluluto.
Kahit pa alaga at amo ako ni nanay Fely ay hindi ko iyon inisip. Tinuring ko na siyang ikalawang nanay bukod kay mommy. Namiss ko tuloy siya at kanyang pag-aalagang parang tunay niya akong anak.
Wala ng pamilya si nanay Fely. Singkwento anyos na rin ito tulad ni mommy. Hiwalay na ito sa kanyang asawa na umapid sa iba. May isa sanang anak si nanay Fely ngunit maaga itong kinuha ni Lord sa sakit na pnuemonia. Tatlong taong gulang lamang ang anak niya noon.
Sa mga panahong abala siya sa anak niyang may sakit sa ospital ay iyon din pala ang mga panahong abala ang kanyang mister sa paglalaro sa apoy sa mas bata pa sa kanya. Ang masakit pa dahil tumama ang karma sa anak nila at binawian ito ng buhay.
Masakit na masakit ang pinagdaanan ni nanay Fely sa buhay kaya’t ng namasukan ito sa amin ay walang pag-alinlangan siyang tinanggap ng aming mga magulang. Sampung taong gulang ako noon at labas masok sa ospital.
Nang si nanay Fely na ang nag-alaga sa akin ay medyo nabawasan- bawasan na ang pag-atake ng aking hika. Bukod sa masarap siya magluto ay magaling din si nanay Fely maghilot kaya naman kapag may iniinda akong masakit sa katawan ko ay to the rescue at agad si nanay Fely.
Hanggang sa ako na mismo ang humiling na doon na lamang sa ancestral home sa probinsiya dahil hiyang ako doon at hiniling kong isama ko si nanay Fely sa aking paglilipat roon ay hindi na nakatanggi ang aking mga magulang.
And the rest is history. Miss na miss ko na si nanay Fely. Sana ay narito siya ngayon para may kausap naman ako. Hindi bale kapag dumating si Benedict ay hihilingin kong dumito si nanay Fely upang may kasakasama ako kapag wala siya.
Sa wakas ay natapos ko na rin ang paghahanda ng mga ingredients para sa pagluluto ko ng alam. Naghanap ako sa kaldero at cooking utensils. In fairness, stainless steel lahat ng cooking wares at halatang bagong- bago at hindi naggamit.
Nagsaing na rin ako ng bigas habang inaayos ko na ang paglulutuan ko ng chopsuey at tinolang isda. Mahigit kalahating oras din ang ginugol ko sa pagluluto bago matapos lahat ng aking niluluto.
Sinipat ko muli ang aking telepono na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Bukod pala sa lamesang ito sa kitchen ay may dining area pala rito sa mansiyon na aking nakumpirma ng pagbukas ko ng pinto ay malapad na dining area ang tumambad sa akin na ang front view nito ay malapad na swimming pool na natatakpan lamang ng glass wall.
Kamangha- mangha nga talaga ang bawat sulok ng mansiyong ito sa loob- loob ko. Pero para sa akin hindi ako nababagay sa ganitong prestihiyosong bahay mas gusto ko pa rin ang aura ng ancestral home sa probinsiya.
Pasado alas sais na ng gabi ng maihain ko lahat ng aking niluto sa lamesa. Naglagay na rin ako ng isang extrang plato para kay Benedict just in case na uuwi ito ngayon. Nasatisfied naman ako sa pagkakaayos ng mga pagkain sa lamesa.
Halos babasagin lahat ng kubyertos na kulay puti. Parang alam ko na ang favorite color ni Benedict, white! Napangiti na lang ako. Sabagay nuetral color naman kasi ang puti at malinis tingnan. Naupo na ako at hihintayin ko na lang ang pagdating ni Benedict. Maaga- aga pa naman.
Hindi pa naman ako gutom dahil panay tikim ko ng chopsuey at sinigang habang ako ay nagluluto. Halos isang oras na rin akong matiyagang naghihintay kay Benedict at unti- unti na ring lumalamig na ang niluto kong ulam. Mukhang hindi pa uuwi ang isang iyon.
Konting tiis pa Bern. Kahit medyo gutom na rin ako ay naghintay pa rin ako ng ilang minuto bago nagpasyang mauuna na lang kumain. Bakit hindi ko kasi kinuha ang numero niya para matext o matawagan ko siya tuloy para akong tangang timang na mag-aantay sa hindi malamang oras kung kailan siya uuwi.
Wait! Para na ring ako nitong maybahay na naghihintay sa kanyang mister na makauwi galing sa trabaho. Eh, ano pa nga ba! Asawa ko na nga si Benedict kahit pa impostora lang ako ay ako naman ang humarap sa kanya sa simbahan. Malamang, ako ang narito ngayon so gagampanan ko ang pagiging asawa sa kanya pwera na lang ang makipagsiping sa kanya.
Naalala ko tuloy ang eksena namin noong unang gabi namin bilang mag-asawa. Hanggang ngayon ay umiinit pa rin bigla- bigla ang pisngi ko sa tuwing maiisip ko na halos makain at masisid niya na ang aking iniingatang kiffy.
Nagmadali ko ng inubos ang pagkaing nilagay ko sa aking plato. Medyo iba ang gana ko sa pagkain na mag-isa lamang. Iba pa rin iyong may kasama at may nakakausap habang kumakain. Parang kami lang ni nanay Fely.
Nagligpit na ako ng lamesa at nilagay ko na lang sa sealed na lalagyan ang mga niluto kong ulam at ipinasok ito sa ref. Iinit ko na lang kapag dumating si Benedict. Naghugas na rin ako ng mga kubyertos na ginamit ko. At nang masigurong malinis na ang lahat ay umakyat na ako sa taas.
Pagkapasok ko ng silid ay agad na akong pumasok ng banyo upang maghilamos at magsipilyo. Wala naman talaga akong secret night routine sa pag-aalaga ng flawless na mukha ko tanging hilamos lang talaga ng mild soap at wala ng iba pa.
Wala akong makitang mild soap sa lavatory kung hindi tipikal na antibacterial soap kaya iyon na lang din ang ginamit ko. Hindi naman din ako maselan sa mga sabon hindi katulad ni Bianca na sensitive masyado ang balat.
Hindi mahahalata ang mga blemishes ni Bianca sa mukha dahil palagi iyon naglalagay ng concealer at foundation sa mukha na kabaligtaran sa akin na polbo lang at liptint ay okay na sa akin.
Ako iyong tipong dalaga na low maintennace lang sa mga produktong pampaganda which is naayon rin naman dahil nasa loob lang naman lage ako ng bahay. Hindi tulad ni Bianca na expose sa labas at mahilig gumala.
Matapos kong gumamit ng banyo ay sumampa na ako ng kama. Kahit maaga pa naman ay tila bumibigat na ang aking talukap. Matutulog na ako hindi ko na kaya pang hintayin si Benedict. Bahala na siya kung kailan siya uuwi.
Nagising ako sa nginig. Nakalimutan ko pa lang balutin ang aking katawan ng comforter. Ang lamig lamig ng pakiramdam ko. Paano ba naman naka spaghetti top lang ako at maikling shorts. Tapos naka- aircon pa itong loob ng silid. Sa labas naman ng mansion parang centralized aircon din.
Hindi ko kinaya talaga ang lamig kaya’t nawala na ang antok ko. Parang isang oras lang ako nakatulog. Bumangon ako at binalot ko pa rin ang aking katawan ng comforter. Inabot ko ang aking telepono sa side table at tiningnan ang oras, mag-aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Benedict.
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng lahat ng mga maybahay kapag late na umuuwi ang kanilang mister. Saklap naman pala makapag-asawa ng lalakeng mahilig magliwaliw sa gabi.
Sa naisip ko, hindi mapigilang maalala ang sinabi sa akin ni Benedict kahapon na wala siyang mapapala kung didito siya kasama ko dahil hindi ko naman maibigay sa kanya ang gusto niya. Ibig sabihin lang ba niyan ay katawan ko lang ang habol niya?
At nang hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya ay kukunin niya iyon sa iba? Kaya ba umalis siya ngayon dahil hindi ko siya masatisfy? Ganoon ba talaga ang mga lalake? Gaano ko ba kakilala si Benedict Fuentebella para maisip ko ah este ang kapatid ko na pagtaksilan?
Oo nga’t pinakasalan niya ako este si Bianca at bumungat siya ng mga salitang pag-ibig pero sapat ba iyon sa ipinapakita niya sa akin ngayon na nilayasan niya ako sa gitna ng aming pulo’t gata.
Haist! Ano ba itong pumapasok sa kokote ko puro na lang negative vibes? Hindi ko dapat pinag-iisipan ng masama si Benedict. Rinig ko naman na may tumawag dito at baka naman talagang emergency lang na hindi niya maintindihan.
Ang dapat ay hindi ko na binibigyan ng kahulugan ang lahat para hindi ko maging praning sa kakaisip. Dapat free of emotional involvement ako sa kanya. Hindi dapat ako nag-iinvest ng damdamin sa anupaman patungkol sa kanya. Let him be total nagpapanggap lang naman ako. Iyan naman ang isinisigaw ng isipan ko kabaligtaran naman ng puso ko.
Bumangon ako at pinindot ang switch papuntang walk-in closet. Naghanap ako ng maisusuot na pants at jacket. Wala akong makita sa lagayan ng mga damit ko kaya tumungo ako sa closet ni Benedict.
Buti na lang may nakita akong sweat pants at hoodie jacket sa kanyang mga damit kaya’t dagli ko itong isinuot. Pinatong ko na lang sa suot kong top at shorts. Large size ang pants at jacket kaya’t malaki ito sa balingkinitan kong katawan pero carry lang.
Nagtalukbong pa rin ako ng comforter dahil hindi pa rin lumalabas ang lamig sa buo kong katawan. Siguro kailangan ko ng mainit na mainit na kape upang mahimasmasan kaya’t lumabas na ako ng silid at dali-daling bumaba papunta ng kusina.
Mabilis ang mga kilos ko kahit pa nanlalamig pa rin. Agad na akong nakapagtimpa ng kape at sumampa na agad sa island counter ng kusina upang maupo doon habang humihigop ng kape.
Mabilis na umepekto sa akin ang mainit na kape kaya pinagpawisan ako ng husto. Tinanggal ko ang comforter na aking tinalukbong sa aking katawan. Pinahid ko ang pawis na namuo sa aking noo at pisngi.
Hindi gaano kalamig dito sa kusina kaysa doon sa silid kaya nakadama ako ng ginhawa. Pakiramdam ko ay gising na gising na aking diwa. Nawala na ang aking nararamdamang nginig at napalitan na ng alerto ng isipan.
Bumaba na ako ng counter nang maubos ko ang laman ng coffee mug. Tumungo ako sa kitchen sink at hinugasan ang ginamit kong mug at kutsura. Hindi na ako inaantok kaya’t inaliw ko na lang ang sarili sa browse sa aking social media.
Matagal- tagal na rin ako hindi nakakapag- online. Hindi kasi talaga mahilig sa social medias ang tanging nakahiligan ko lang talaga ay ang pagbabasa ng mga online novels at panonood ng mga short films.
Naisip kong magresearch tungkol sa katauhan ni Benedict Fuentebella baka may sagap akong iba pang impormasyon sa kanya kaya nagtipa ako ng pangalan niya sa google search. Konti lang ang results na lumabas at karamihan ay maikli lang na statement at general knowledge patungkol sa kanya. Wala din mga larawan na nakapost online.
Napagod na ang aking mga mata kakabrowse wala rin akong napala kaya tinigilan ko na lang. Talagang napakapribadong tao pala ang napangasawa ni Bianca. Lalo akong nahihiwagaan sa mysterious type of a man ni Benedict.
Hindi na rin naman ako inaantok at malapit ng maghatinggabi. Mukhang tinalaban ako ng kape pati buo kong katawan ay parang nawala rin ang hina at mas gusto pa yatang gumalaw- galaw kaysa mahiga at magpahinga.
Hindi na ako pumanhik sa itaas. Naglakad- lakad na lang ako at ginala ang buong sulok ng mansiyon. Lahat ng ilaw sa buong kabahayan ay nakasindi. Napakaliwanag at nakakasilaw sa ubod ng puti ng bawat sulok ng wallings.
Walang kalat at walang alikabok akong nakikita. Ano ba iyan wala akong lilinisin dito? Total hindi naman ako makatulog ay mabuti pang mag-ayos at maglinis. Pero sa nakikita ko ay parang wala na akong gagawin pa sa mansiyong ito maliban sa suyurin ng tingin at mamangha sa kalinisan.
Natigil ako sa pag-iikot ng masipat ko ang isang pintong bahagyang nakabukas. Tumungo ako sa tapat nito at nilakihan ang bukas ng pinto. Tumambad sa akin ang napakalapad na entertainment room.
May LED TV na halos parang sinehan na sa laki. May mahabang gray na sofa na kasya yata ang limang tao na nakarap sa tv. Agad akong tumungo sa harap ng telebisyon at sinubukang buksan iyon.
Agad bumulaga sa aking mga paningin ang isang video clips. Para akong nalula sa laki ng screen kaya pumihit ako patalikod patungo sa sofa upang umupo at doon na lang manood sa kung ano ba ang nilalaman ng video.
Napitlag ako ng halos video clips na nakaflash sa screen ay halos kuha ni Bianca. Mga stolen videos ito na kuha sa iba’t ibang anggulo at pagkakataon. Mukhang secret admirer pa nga yata ni Bianca si Benedict. Malala na ito sa pakiwari ko ay isang obsessed stalker si Benedict ni Bianca.
Sa loob- loob ko ay parang tinuturok ng karayom ang puso ko. How I wish ako na lang sana ang kinababaliwan ni Benedict at hindi ang kapatid ko. Napakaswerte ni Bianca upang magkaroon ng isang tulad ni Benedict.
Eh, bakit ko naman nasabi iyon hindi ko naman lubos na kilala si Benedict. Hindi swerte si Bianca dahil guwapo at super bilyonaryo si Benedict. Nakikinita ko ang labis na pagmamahal nito sa kanya. Walang lalakeng mag- aaksaya ng panahon at salapi kung hindi niya ito mahal. Pero doon lang ba nasusukat ang totoong pagmamahal?
True love is a deep, enduring, and selfless affection for another person, characterized by unwavering commitment, mutual respect, and a desire for their well-being. It involves accepting the other person with all their flaws, supporting their dreams, and prioritizing their happiness. True love is not solely based on romantic feelings but also on trust, honesty, and a desire to build a strong, lasting connection.
Definitely! Tumpak, my brain cells tell me that is what true love really means. Pero sa amin o este nila ni Bianca, may totoo kayang pag- ibig na nabuo but maybe para kay Benedict pag-ibig na kaya nga pinakasalan niya na agad? Pero asan siya ngayon kung totoong iniibig niya ang kapatid ko, iniwan niya ako dahil hindi ko siya napagbigyan! Is that a valid reason, I think not.
Haist, ano ba iyan Bern! Napapraning ka na naman, kung ano- ano na naman ang iniisip ko. Haist! Hindi na ako nakatiis at pinatay ko na ang tv. Lalong sumasakit ang utak ko pati puso ko na rin. Linisan ko na ang silid na iyon at nagpasyang pumanhik na lang sa silid bitbit ang comforter na tinalukbong ko kanina.
Pagpasok ko sa loob ng silid ay hinanap ko ang remote ng aircon. Hihinaan ko na lang ito para hindi ako ginawin ng husto. Mabuti na lang at nahinaan ko rin agad ang lakas ng buga ng aircon.
Bumalik ako ng higa sa kama at sinubukang matulog muli. Napabiling- biling ako sa kama ngunit hindi pa rin ako dalawin talaga ng antok. Alerto at gising na gising pa rin ang aking diwa kahit sinubukan ko na talagang ipikit ng mariin ang aking mga mata. Wala na talaga magmumukhang panda bear na ako nito bukas!