Stella woke up a little better then the other days. Iminulat niya ang mata at tumingin sa kisame. Napansin niya na nasa kwarto niya na siya. Huling naalala niya ay sa sofa sila natulog. Pero baka naglakad siya kagabi, hindi niya lang maalala. Akmang iuunat sana niya ang katawan nang may masagi ang paa niya. At nang tingnan niya kung ano ang masagi, bigla siyang napasinghap sa gulat at malakas na tinadyakan ang katabi dahilan para mahulog ito mula sa kama at kumalabog. "What the héll is wrong with you, woman!" Malakas na sigaw ni Phoebus habang hinihimas ang likod sa sakit dahil sa lakas nang pagkakatadyak sa kanya sa pagkahulog. "That fúcking hurts! Ganyan kaba tuwing umaga?! Nangangarate?!" Hinila ni Stella ang kumot saka pinangtakip iyon sa kanyang katawan. "Anong ginagawa mo sa kwa

