"Hihintayin nalang kita dito, Ms. Stella." Sambit ni Zion matapos mai-park ang kotse sa isang café kung saan magkikita si Stella at kaibigan nito. "Hindi na. Mauna kanang umuwi. Baka matagalan din kami ni Jannah." Tugon ni Stella. Nahihiya siya kay Zion, sigurado kasing matatalagan siya bago umuwi. Tagal kasing simula ng huling pagkikita ni stea at kaibigan nito kaya bonding muna sila. Umiling si Zion, "Ayos lang. Text mo nalang ako kapag tapos na kayo or may iba pa kayong pupuntahan para ako na mismo ang maghahatid sa inyo. Dito lang ako sa loob ng kotse tatambay. Baka kasi kapag lumabas ako, pagkaguluhan pa ako. Alam mo na... Pogi problems." Ani pa ni Zion saka nagpa-cute sa harap ng rear view mirror. "Tingin nga nang pogi problems na 'yan?" Stella teased. At dahil si Zion ang ka

