Maagang nagising si Mina para maghanda nang babaunin ng kanyang asawa dahil mamamalaot iyon mamaya. Alas kwarto palang nang umaga, medyo madilim pa sa labas. Inayos muna ni Mina ang pagkakahiga ng anak bago nagtungo sa kanilang munting kusina para maghain. Katahimikan ang bumalot sa paligid dahil maaga pa naman. Sa ganoong oras talaga palaging nagigising si Mina dahil bigla nalang siyang binabangungot. Sa mga ganoong oras palaging Napapa-isip si Mina. Simula nang imulat siya ang kanyang mga mata, parang palaging magkulang sa kanyang puso. Parang maghinahanap iyon palagi na hindi mawari. Nagising siya isang araw sa hospital na walang maalala kahit ni isa. Naroon siya sa loob ng silid sa isang pampubliko ma hospital, mag-isa at takot. Hanggang may isang lalaking nangpakilala na asawa da

