Namimili ngayon ng mga kailangan sina Stella para bakasyon nila. Tuloy na talaga ito bukas. Ngayon dapat ang lakad nila pero may importanteng nilakad pa sina Phoebus kasama ang ama na ito na si Solomon. Nag-iba din ang pagbabakasyunan nila. Imbes na sa Sagada ang pupuntahan nila, sa Boracay nalang daw sila dahil malamig ngayon ang temperatura doon Sagada. Hindi maganda para sa bata. Kasalukuyan silang nasa supermarket para mamili. Si Cyruz at Andrew lang ang kasama sumama kasi sa lakad nina boss sungit si Koa, Kenzo at Zion. "Lagay mo lang sa cart kung anong magustuhan mo Ms. Stella. Kahit magkano pa yan card ni boss Phoebus ang bahala sa bayarin." Pinakita pa ni Cyruz ang kulay itim na card na hawak nito. "Okay..." Tanging tugon niya. Kahapon kasi hindi pa niya nakakausap si Pho

