"Pagod na ako, Tatay..." Reklamo ni Stella sa ama habang nakahiga sa damuhan. Nasabakuran sila nang kanilang bahay at tinuturan siya mag hand-to-hand combat. "Pahinga muna tayo." "Hindi mo pa nga nahahawakan ang buhok, Anak." Mahinang pinatid ni Chris ang binti nang anak senyales para patayuin ito. "Tayo na diyan. Bilisan mo. Hindi Tayo titigil hanggang hindi mo nahahawakan ang buhok ko." Napipilitan na itinayo ni Stella ang sarili. Pagod na ang katawan niya dahil sa dalawang oras na pakikipag hand-to-hand combat sa tatay niya. Ang goal lang naman niya ay dapat mahawakan ang buhok ng kanyang ama. Pero dalawang oras na silang nag-iinsayo hindi parin mahawakan ni Stella ang buhok ng ama. Masyado kasing magaling ang ama niya. "Kailangan mong maging matapang! Hindi mo ako araw-araw kasam

