Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kaya walang ibang nagawa ang dalaga kundi ang makisakay sa kotse nang lalaking parang tanga na pangiti-ngiti habang mamaneho. Kenzo was whistling as he maneuvered the car. May malapad din itong ngiti sa mga labi na animo’y nanalo sa lotto. Sumisipol ito at pabalik-balik ang sulyap a kanya at sa daan. He’s moving at a slow pace. Medyo madulas kasi ang daan. Wala ni isa ang nagsalita sa dalawa. Gusto din naman niya iyong ganoon nalang sila dahil wala siyang balak na kausapin ang lalaking ito. Bukod sa nahihiya siya at walang mukhang ihaharap ay wala siyang maisip na pwede nilang pag-usapan. Tinanaw na lamang ng dalaga ang labas ng bintana. Malakas ang ulan at halos walang gaanong tao at kotse ang kalsada. Yinakap ni Ali ang sarili at kinuskos ang dala

