Abala si Stella sa pagluluto nang meryenda nang kanyang dalawang pasaway na anak. Nakakagalaw at nakakalakad na din siya sa wakas. Wala na din siyang lagnat. Alagang-alaga ba naman kasi ni Phoebus kaya siya gumaling kaagad. Nagluto lang siya nang homemade burger at fries para sa dalawang bata at turon and bananaque para kay Zion at Koa; their all time favorite snack. Matapos niyang maihanda ang meryenda ay tinungo ang ang veranda kung nasaan ang mga bata at si ang dalawa sa apat na unggoy. Malayo palang si Stella ay nakarinig na siya nang hagikhikan at bulungan. Kilala niya ang boses na iyon. Napaisip naman si Stella kung bakit parang sayang-saya ang dalawa niyang anak. Binilisan ni Stella ang lakad at nangmakita ang rason kung bakit panay ang hagikhikan nang dalawang anak ay mahina di

