Malakas ang patugtog ni Stella speaker. Umiindayog siya nang sayaw habang nagwawalis. Pa-minsan minsan ay ginagawa niyang mikropono ang walis tambo. Siya lang mag-isa sa kanilang bahay. Wala ang mga kalalakihan dahil nag-boys bonding ang mga ito. Ayaw pa sana ni Phoebus sumama pero mabuti nalang ay napilit ito ni Papa Solomon. Napilitan nga lang si Phoebus eh, baka daw kasi ma miss ko siya kaya magpapaiwan nalang daw ito kasama ko. Yung asawa niya na 'yon talaga. Dahil wala naman silang kasambahay si Stella ang nakatuka sa paglilinis pero minsan nga ay wala siyang nagagawa sa bahay nila dahil ang apat na unggoy na ang nagkukusa na gumawa nang gawaing bahay. Mga househusband talaga ang apat na 'yon kaya swerte ang mapapangasawa nang apat. Mangungunsumisyon nga lang dahil mga isip bata.

