"Well, I want to flatter you because it's the truth." huling hirit ni Mr. Wolfgang habang malaki ang ngising tuluyan nang umalis. Nakangiti pa rin siya kahit tumuloy na ang huli dahil ngayon palang ay nakikinita na niyang hindi magdadalawang isip sa pag-oo sa investment si Mr. Wolfgang. Konting push na lamang talaga niya gamit ng ganda at alindog niya! "Kung sa tingin mo'y natutuwa na ako sa papuri sayo ni Mr. Wolfgang, pwes nagkakamali ka, Savannah. I want to talk you in my office right now, along with the General Manager!" seryoso namang sinabi ng Chairman bigla. Siya nama'y nagulat sa kasupladuhan ng kapatid. Ano pang pinaghihimutok ng butsi nito? Eh, nagandahan nga sa kanya si Mr. Wolfgang 'di ba at malapit na malapit na nilang makamit ang matamis nitong oo para mag-invest sa kompan

