Sierra Vivi "Dinner is ready," dumiretso kami sa dining. Apat lang naman kami kakain pero nakahanda ang anim na plato sa long table. Ipinaghila ako ni Bruce ng upuan, bago siya naupo sa tabi ko. Wow, gentleman infairness. "Thanks," sabi ko lang at nagpipigil ng ngiti. Bakit ba ako kinikilig ng ganito? Alam ko naman na palabas lang ang lahat ng ito. "Wow, it looks so delicious. Inihanda mo ba ang lahat ng ito para sa akin babe?" he asked while giving me a flirtatious smile. Or maybe akala ko lang pala. Gosh Vi, ikaw lang ang mahalay. Habang pinagmamasdan ko siya, kung saan-saan na naman naglalakbay ang utak ko, lalo na nang mapirmi ang aking mata sa labi niya. His soft lips and tongue encircling into my—NO! VI, FORGET IT. "Iyung iba lang, si mommy naman sa kare-kare, sobrang s-sarap

