Chapter 3: Operation hunting!

1958 Words
Sierra Vivi Dahil sa kagustuhan kong makilala ang Manong na 'yon, kaya ginamit ko ang kakayahan ng pinsan kong si Jake. He is a Police Inspector, kaya madali lang sa kanya ang lahat. "Vi, kung hindi lang kita mahal, hindi kita tutulungan. Kilala mo naman ang Daddy mo and si Mommy. Pag nag-sama ang dalawang 'yun… baka madala ka na sa kampo at pagbalik? Magkapareho na tayo ng career." Jake is my first cousin. Magkapatid si Dad at Mommy niya Parehong nasa serbisyo sila ni Dad. "I know Jake, that's why it's confidential. Hindi nila pwede malaman, pwera na lang kung sasabihin mo,” pagmamakaawa ko pang sabi. "Oo na, tumatanaw lang ako ng utang na loob sa iyo. Minsan mo na rin akong pinagtakpan dati kay mommy. Check mo na, na-i-send ko na ang lahat ng kailangan mo. ‘Yan lang ang nakuha kong impormasyon kaya ikaw na ang bahala sa iba.” "Thank you so much cuz, love mo talaga ako. I love you." "I love you too, cuz, sige na at may trabaho pa ako." Pinatay na niya ang tawag. Ako naman ay excited na tiningnan at e-check ang email na pinadala ni Jake sa akin. Alam kong confidential ‘yon, pero ginawa niya pa rin para sa akin. Marami siyang kilalang private investigator kaya siya ang nilapitan ko. Hindi kasi siya paghihinalaan ni Daddy. Inalam ko lang naman sa kanya ang hot bouncer sa bar. Sa tulong ng mga kaibigan kong si Ara at Lorraine, ay mabilis nilang nakuhanan ng picture ang gwapong Manong na iyon. Well hindi naman talaga ako sure kong ano ba talaga ang trabaho niya sa bar. Connections lang ang kailangan. Nalaman ko na agad ang mga activities niya in just 1-day. Tamang diskarte lang, walang imposible. Umaayon sa akin ang pagkakataon at ang plano ko. Actually, marami naman talaga akong makukuhang boyfriend na pwedeng magpanggap. Pero nahihiwagaan lang ako sa pagkatao niya. I find him hotter and sexy. And na-curious ako kong ano pa ba ang ibang masarap sa kanya bukod sa halik. Gusto ko rin i-try ang mature guy like him. Isa pa, first time kong hinahanap-hanap ang halik ng isang guy. Nababaliw na siguro ako at nalilito kung ano ba itong nararamdaman ko. Gusto kong malaman kaya nagka-interes ako sa kanya. At alam kong gusto ko siya kaya tatagal ako ng higit isang linggong kasama siya kung sakali. "Bingo!” His name is Bruce Reyes. 42-year-old single parent. “Bakit gano’n?” nagtataka kong tanong. Incomplete kasi ang details ng ibang pagkatao niya. Bukod sa pangalan, birthday, edad, address kung saan sila nakatira. Mga pinupuntahan niya at wala ng ibang nakasulat. "Pero ayos lang Manong Bruce. Actually, hindi na masama ang edad mo sa akin. Eh ano ngayon? Age doesn't matter. Ang importante wala kang asawa," kausap ko sa aking sarili habang nakatingin sa file na pinadala sa 'kin ni Jake. Pina-print ko ito at lumabas na. May pasok kasi ako. Tanghali na naman kaya nakapag-brunch na ako kanina. Suot ang white tank top on faded boyfriend pants with white sneakers. Of course with my favorite cross-body bag. A simple makeup on my face. Ponytail on my long curly hair ay nagmamadali na akong bumaba. "Bye My, bye Dy. I love you. Promise behave ang anak niyo ngayon," paalam ko sa kanila. "Ganyan dapat anak, mag-iingat ka," si mommy. "I will, alis na po ako." Hinalikan ko muna si Daddy na tahimik lang at ni mommy na sobrang lambing. Parang hindi marunong magalit. Sakay ng sarili kong kotse ay pa-easy-easy lang ako sa nagmamaneho. Hindi naman sports car ang gamit ko, pero mahal na mahal ko itong kotse na regalo nila sa akin n’ong 18th birthday ko. Naalala ko noon, hindi ko muna ginamit ito agad. Nag-practice pa kasi ako mag-drive ng one year saka na nila ako pinakawalan sa kalsada. Papunta ako ngayon sa school. Major subject lang ang klase ko. Ilang buwan na lang ga-graduate na ako finally sa college. Kaya pwede na akong maging independent. Gusto ko kasing tumira sa condo last year pa. Pero ayaw ni mommy, gusto niya kasing alagaan muna raw niya ako. Nangako sila na kapag nakapag-tapos na ako ay hahayaan na raw nila ako, at ilang buwan na lang 'yon mula ngayon. May hinala rin ako na condo ang regalo nila sa 'kin sa graduation ko. Nag-ring ang phone ko. It was Ara. "Vi, where are you na?” she asked. "Magpa-park na lang. Hintayin niyo 'ko. May good news ako sa inyo." "Alright, bilisan mo, parating na si Prof." Saktong pagdating ko maya-maya ay dumating na rin si Prof kaya hindi ko na nasimulan ang kwento ko. Major subject kami ngayon kaya’t medyo matagal. Kahit naman ganito kami ng mga kaibigan ko, pagdating sa studies ay hindi namin pinababayaan. In fact, the dean's lister's kami. Usap-usapan na sa amin tatlo mapupunta ang Summa and Magna c*m Laude. Sinuman sa amin tatlo ay walang magiging problema. Lahat naman kami ay pinaghirapan namin ‘yon. Kaya kahit marami akong naging boyfriend ay hindi ko naman pinababayaan ang studies ko. 4-PM na nang matapos ang klase namin. At dahil may kanya-kanya kaming sasakyan kaya kanya-kanya kaming drive papunta sa mall. Dating gawi kapag may gusto kaming pag-usapan ng tahimik ay meron naman kaming place at tambayan sa umaga. Isa itong restaurant na pag-aari ng pinsan ni Ara. Pwede kaming mag-tagal sa isang private room. Of course nagbabayad kami, business is business. Habang naghihintay ng order namin ay pinakita ko na sa kanila ang files na nakuha ko mula kay Jake. "Bilib na talaga ako sa ‘yo. Akalain mo, isang araw lang nagawan mo na ng paraan ang problema mo," napapailing na sabi ni Lorraine. "Vi, He's too old for you," Ara said. "19 years age gap is not a big deal Ara,” I said. "Sa bagay, mukha naman siyang nasa late 30’s lang. Sabi mo nga, nagsawa ka na sa mga boys na habol lang sa ‘yo ay katawan. Malay mo this time alukin ka na ng kasal,” Lorraine said. “Malayo pa sa isip ko ‘yan Sis. Pero tingnan n’yo. Single parent siya, it means walang sabit.” “Vi, palagay mo, hindi ka magkaka-problema sa anak niya?” tanong nilang muli. “Alam n’yo, malayo pa naman tayo sa kasal mga Sis. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay kung paano ko siya mapapayag na maging boyfriend ko, para maipakilala ko kay Dad. At least for about two months?” mahabang sabi ko pa. “And then after that? Ano na ang sunod mong plano?” seryosong tanong naman ni Ara. “After 2 months? Hindi na siguro ako kukulitin ng Derrek na ‘yon no. Ang usapan lang naman ay magkaroon ako ng serious relationship. Kaya matagal na ang at least two months. Pagkatapos n’on malaya na ako. Wala akong balak magpakasal sa kanya gano’n lang ka-simple,” paninigurado kong sabi sa kanila. “Vi, paano kung ma-in love ka sa kanya? Ano’ng gagawin mo?” Natigilan ako sa tanong ni Ara sa akin. Paano nga ba kung ma in love ako sa kanya? “Honestly, hindi ko pa alam ang sagot diyan. At hindi ko muna poproblemahin ngayon. Importante maipakilala ko siya kay Dad sa loob ng isang linggo.” “So what's your next plan? Seduce him, but how? “Hindi problema ‘yan mga Sis. Meron pa akong ni-request at pati ‘yon ay nakuha rin ni Jake.” At pinakita ko sa kanila ang cellphone ko kung saan nakalagay ang schedule niya sa bar. Kung ano ang ginagawa niya araw-araw ay nakuha rin ni Jake. “Sakto pala, my schedule siya ngayon sa gym bago pumunta sa bar,” sabi naman ni Lorraine. “Tama, kaya bago pa tayo ma-late ay kailangan na natin bilisan. Bibili pa tayo ng gagamitin natin mamaya sa gym.” Pagkatapos namin kumain ay nagpunta kami sa bilihan ng mga sports wear. Nakapag-online membership na rin kaming tatlo. Wala kaming inaksayang oras. Pagkatapos namin mamili ay pinuntahan namin ang naturang gym. Kasama namin ang mga boyfriend nila. May kanya-kanya silang mundo. Mabuti na lang at go na go rin ang dalawa. Nagpalit ako ng seksing set of seamless fitness tracksuit. Likas na malaki ang butt ko. With 36B boobs size na sakto lang sa taas kong 5 feet and 4 inches tall. Matapos kami magkapag log-in ay pumwesto na ang mga kaibigan ko sa Hack Squat, kasama ang kani-kanilang mga partners. Ako naman ay inabala ang aking mga mata sa paghahanap sa taong pakay ko. And there he is, nasa Treadmill siya. Nagpakawala muna ako ng malakas na buntong-hininga saka lumapit sa tabi niya, at nagkunwaring hindi siya nakita. Inilagay ko ang airpods sa tenga ko at nagkunwaring may tugtog akong naririnig, saka nag-set ng saktong bilis na gusto ko. Nag-umpisa ako at sinadya na magpapansin. Hindi man lang niya ako pinagtutuunan ng tingin. Ilang minuto ang lumipas sa wakas, nagkasalubong din ang aming mga mata. Kita ko ang pagkagulat ayon sa kanyang reaksyon at maging ako ay ganoon din ang ginawa. He turn off the treadmill machine at nagpahinga saglit. Kaya gano’n din ang aking ginawa. And then lights, camera, action. “Have we met before? Pamilyar kasi ang mukha mo," painosente kong tanong habang pasimpleng tinitingnan ang malalaki niyang mga braso. Nakasuot siya ng Vest mens tank tops na hapit sa katawan niya. Halatang-halata na batak talaga ang muscles niya. Hindi bagay sa kanya ang maging bouncer lang. He’s like a Greek God that every girl fantasizes about. Habang hinihintay ang sagot niya’y hindi rin nakaligtas sa akin ang gwapo niyang mukha. Mas gwapo siya ngayon na mas maliwanag kaysa nung una kong nasilayan ang kanyang mukha. Salubong rin ang kilay niya at naka-awang ang labi. Na-imagine ko tuloy ang labi niyang dumikit sa akin. He’s soft kiss with… “What are you doing here?" simangot niyang tanong. Kaya natigilan ako sa pagpapantasya sa kanya. Akala mo kapatid niya lang ako kung pagsabihan niya. Pero nakikita naman sa mga mata niya na pinagmamasdan din ang aking katawan, lalo na ang malulusog kong dibdib. Kaya lihim akong napapangiti. Mukha kasing hindi ako mahihirapan sa kanya. “I knew it! Sabi na nga ba ikaw ‘yun! Si Manong bouncer sa bar remember?” kunwari ko ring gulat. Pero mukhang hindi niya yata nagustuhan. “What did you just call me? Manong tama ba ako ng pagkakadinig?” Oh my gosh nagalit nga yata siya. “I'm sorry po Manong… I mean—My name is Sierra Vivi, and you are?” Inabot ko ang aking kamay sa kanya ngunit tiningnan niya lang ito. Kaya’t nagpatuloy ako. “Unless Manong ang gusto mong itawag ko sa ‘yo?” hirit ko pang sabi. "Bruce," maikling sagot niya at nilayasan ako. Naroon pa rin ang mga kaibigan ko na pasimple kaming tinitingnan. Dumiretso siya sa Stationary bike. Pinaandar niya agad ito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Pero dahil makulit ako kaya sumunod pa rin ako sa kanya. “Bakit ang sungit mo? Siguro nag-away kayo ng girlfriend mo noh?” pangungulit ko pa. Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa ginagawa. At dahil gusto na matapos agad-agad ito kaya ni-turn off ko ang stationary bike saka nakuhang muli ang atensyon niya. Tiim-bagang niya akong nilingon. "What do you want from me, Nene?" Ano raw? Ako Nene? Okay, it’s now or never. “I have a proposal for you Manong… opps! Huwag ka agad magalit. Tinawag mo akong Nene ‘di ba?” nakapamewang ko pang sabi. Pero napapailing lang ito at tatalikuran na naman ako nang… “I want you to be my boyfriend! Mr. Manong,” I said directly to his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD